Saturday, December 29, 2012

Reverted

BABALA: Walang kwenta.

Ayun, I have reverted my previous entry to draft. Binisita ko kanina. Ano yun? Ka-emohan. Hindi ako yun! hindi yun galing sa aking kalawakan. HAHAH! Masyado lang akong nadala ng bugso ng damdamin. LOL.

Swerte lang ng mga nakabasa. Nakita nila ang aking DEEP DARK SIDE! ;) Although, I will forever keep your comments in my heart. :D Oha. Alam nyo kung sino kayo. napangiti nalang ako kasi parang hindi ako yung kausap nyo. Kasi in the first place parang hindi ako yung nag post nun. HAHAH!

Ngayon okay na. Bumalik na ang puso ko sa kaliwang dibdib. Ginamitan ko ng stapler para kumapit sa mga ugat ugat at mag function ulit ng tama.


Kwentong kuneho. Kanina lang:

Ako: (nagluluto ng hotdog) Pakitingnan naman 'to pagluto na. May pupuntahan lang ako sandali.
Sya: Okay sige.
Ako: Ihanda mo na pag luto na.
Sya: Okay.

Nung paalis na ko.

Sya: Kuya, pano ko pala malalaman pag luto na 'to?
Ako: Ahhh. (Napaisip talaga ako). Kapag mapula na? Hindi, kapag malambot na? Pag malutong? Ahh basta! Malalaman mo naman yan e, basta pag may lukso na ng dugo! >:]


Paokun's Thought 101: Hindi ako mahilig sa mga reunion, lalo na sa Family reunion. Nakakapagod kasi. Nakaka ubos ng energy ang makipag kumustahan. Nakakapagod ngumiti maghapon para masabing komportable ka. Anti-social kasi ako. >:] Pero gusto ko kayo ma meet! < 3 oha. 

P.S.

Dahil di ako mahilig jan, mamaya may pupuntahan akong reunion. Dalawa nga e. Fam at HS. Ttry ko mag post sa mga pang yayari kung makakasurvive pa ko. Papakita ko kung pano ako makipag plastikan sa kanila. JOKE! HAHAH! :))

Ciao!

Wednesday, December 26, 2012

Greetings from Paokun!

Happy Holidays! Pagbati ko para sa aking mga kapwa bloggers! :)

Merry Christmas and Happy New Year!

Ang mga nasa larawan ay mga friends ko sa Facebook and most of them ay member ng Pinoy Box Office! Chos! PBO as in Pinoy Blog Outreach. Yung iba naman ay subscribers ko. Yung iba naman ay mga blog friends ko na kahit hindi ko follower ay napamahal na sa akin! Kachao!;) At hindi ko kayo pipilitin na magsubscribe sakin, basta dalawin nyo lang ako dito kahit paminsan minsan masaya na ko (*with tears). :)

Yung ibang followers ko na wala jan, hmmm, kasi hindi tayo friends sa FB, hindi ko tuloy alam kung paano makukuha ang pictures nyo. Yung iba nga friend ko pero masyadong masikreto! Hindi ko tuloy nakuha ang picture nila. :))

Okay, bakit ngayon lang naupload? Kahapon ko yan tinapos, kaso ako'y pinaglaruan ng tadhana. Hindi ako makapag LOG IN! :( Pero ayan na, better late than never diba? Palusot.

Note: Pasensya na sa pagiinvade ko ng photos nyo, (Karamihan, nasa profile pictures nyo naman yan, ibig sabihin, pinagmamalaki nyo yang mga pictures nyong yan diba? HAHAH!) So pasensya na din sa  pag dutdot ko sa mga katawan nyo, yes dutdot talaga, kasi wala kong MOUSE! Poor me. :( [tinamad lang talaga ko mag lipat ng mouse, kasi laging ginagamit sa desktop]

MERRY CHRISTMAS EVERYONE! HAPPY YEAR NA DIN! 

Salamat sa Picture Greetings:

Bakit yung sa iba may mga trains, penguin, sakin wala T_T Dyuk! Thank you much! Thanks Rix! ^^
Thanks Lala! I'm touched! ^^

And thanks sa mga kainuman ko ng Icetea galing kay Rix nung pasko! Jok lang! At ang aming pulutan na Leche flan (from yours truly), Cake (from ate Arline of The Pink Line) and Fruchalad (from Ser Anthony of Free to Play). Sa Blue Coral kame nag inom ng Icetea. Underwater inuman. HAHAH!

SALAMAT sa lahat! This is my first Christmas Season as a blogger. I had fun. :)

Pao Kun's Thought 102: Isa ang longganisa sa mga paborito kong ulam (yung matamis). Ewan ko, pero siguro kasi nakasabay ko sa pila sa canteen yung crush ko nung college, tapos yun yung binili nyang ulam. Tinanong ko kung bakit hindi yung iba ang bilhin nya (yung mas masarap ba...) Sabi nya sakin, "hindi ako nagpapakapaos para bumili ng mamahaling pagkain" [Working student. Singer sya].
Nung nasa cashier na ko, hindi ko namalayan na longganisa din pala ang binili ko. :) HAHAH! Lande! ^_^

Ciao!

Sunday, December 23, 2012

Pasasalamat!

(mala Inong ng Kumonoy ang title)


Una, salamat kay ate Arline ng The Pink Line sa kanyang Christmas greetings! :)) kaganda tuloy ng umaga ko. Kasing ganda nya at ng cupcakes na to, so good for 3 days! [abot hanggang pasko!] :) Thank you!  

 Naprint ko na sya, at ang tharap! :D (talent ko ang pagkain ng papel, chos!)

Hiyang hiya naman ang doodle na binigay ko sakanya, na tinawag nyang "dood!" kasi bitin daw sya ;) 
Doodle-for-fun for ate Arline of THE PINK LINE

Nagpublic test pa ako kung anong basa ng mga kabataan jan, at nabasa naman nila ng buong buo kasama ang linya! :)

But no worries, darating din ang tunay. Mejo matagal pa naman ang deadline. :)

Pangalawa salamat sa kalderetang lamig ni Anthony ng Free to Play. May litson pa nga daw, nasa ref din! :) Pasensya na, SUGO lang ang naibigay ko. HAHAHAH!



Pangatlo Kagabi, ako ay sumali (for the last minute) ng PINOY HENYO sa munting Christmas Party sa tabihan ng aming bahay. :)) 

At eto... 
Hanapin...

Nakita nyo ko? Hindi noh! HAHA Yung upuan kasi ang pinapakita ko jan. Jan ako umupo. Pag tingin ko sa mga pictures, wala yung picture ko, at hindi na ko nagtataka kung hindi ako napicturan dahil sa stunning performance namin na 5 secs! Beat that! HAHAHAH!

Ang word ay "JESUS". 3 secs lang sana. Bakit naging 5 seconds? Two names ang binanggit ko, Una ay SANTA CLAUSE. 3 syllables yan for 1.5 sec. tapos huminga ako so add ng 0.5 second. Nasayang ang 2 seconds dahil kay Santa Clause. HAHAH! Shame on me.

SALAMAT SA AWARD!  

PANCIT CANTON + 3in1 Nescafe. Hati pa kame jan ng pinsan ko, which is my pakner in crime. 

+ etong kaisa isa ko atang piktyur, blurred pa! HAHAHAH! HAM! May makakain na kame on Christmas! Yeeey! :D

Dahil dito, nalaman kong hindi lang isa ang gumagalang camera, may pag asa pa kong makahanap ng iba pang piktyur! HAHAH!

And opkors, salamat ulit kay Cheenee of Kwentong Palaka sa doodle nya saakin. Eto yun! --> Click!


Kuya Arvin of Chateau de Archieviner  bukas ko nalang uupload sa twitter ang greetings ko sayo? San mo ba gusto? ^^



SALAMAT sa lahat! :)) Oh sya, let's go sago to church. ^^


Pao Kun's Thought 101: (mala Fiel kun ng Fiel-kun's thought) Ewan ko, pero gustong gusto ko talaga ang amoy ng mga gasolina sa gas station, and the smell of other kerosene! :) HAHAHAH! Adik adik lang!


Ciao!

Friday, December 21, 2012

Doodle doodle din! | Ewan

Ayun lang. Nagtry lungs! :) Halos mapudpod ang utak ko sa pag gawa nyan! Sana may natira pa.

For Cheenee|Kwentong Palaka :) [Lakas maka-elementary ng araw sa sulok!]

Alam ko namang hindi maiihilera ang doodle ko sa mga doodles nila. Bakit? Mukha naman kasing hindi  doodle ang nagawa ko. Hobyus naman ata? Parang drawing at pinagtagpi-tagping lettering lang na pinagsama-sama tapos dinumihan ng konti. Chos! HAHAH!

Sana magustuhan mo Cheenee! <3<3

Lande ^_^


This'll be added to my gallery. Here you can check out my other arts: click!



************************************

EWAN


Ewan ko, parang emo-emohan ako ngayon. Hindi e. Andami kong iniisip kagabi. Siguro mga 10GB. E 1.44 MB lang ang utak ko (pang floppy disk lang). Ayun. Ang tamlay ko pag kagising ko. Wala sa mood.

Hindi ko alam kung bakit, basta bigla nalang. Buti nga at naka pagpost pa. (Yung post ko sa taas, mejo jolly pa kasi kagabi pa yan nasa draft, may kasabay dapat ako mag uupload. Kaso hindi ko sya nahintay [sorry] nadalaw agad ako ng antok.) At ayan ang pramis ko, pagkagising ko upload agad.

Mamaya hindi ko alam kung kelan ako makakapag blog hop. Pag okay na mamaya ang kaartehan ng mood ko e di mamaya na din. +_+

Pramis magbabasa ako ng entries nyo pag natha mood nako.

Ciao.

*Good vibes everybody! (labas sa ilong)

Tuesday, December 18, 2012

The Versatile Blogger Award

Una sa lahat, gusto ko sana talaga magself pitty na hindi ako deserving sa award na 'to. Pero wag na lang, dagdag letra pa sa ittype. HAHAH!




The Rules: 
1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog.
2. Post seven random things about you
3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.


Dahil masunurin akong bata:

1. Thank you pretty and sexy ate Arline of the The Pink Line (na hanggang ngayon hindi ko po alam kung ano yung line na pink) sa award na to. Maluha-luha ako nang mabasa ang pangalan ko sa iyong entry. :) [Nicheck ko ulit kung andun nga, baka feelingero lang ako] Salamat ng marami! Marami ring salamat sa may pakana ng blog award na to. :)


2. Seven Random Things About Me.

TAMAD 
Oh yes! Alam na alam yan ng mga kaklase ko nung college pa ko at mga naging housemates ko. At isa ito sa mga bagay na alam kong hindi ko dapat ipagmalaki! HAHAH! Tamad, tipong pag may nalalaglag na gamit ko sa ilalim ng kama ko, hindi ko na sya kukunin kung hindi ko naman gagamitin. Kapag may ibang nakakuha, tsaka ko sasabihin na saakin yun. HAHAH! Hindi ko nga alam kung aasenso pa ang buhay ko! :( Pero hinde, once na gumawa ako, gusto ko laging plantsado, sureball, with finesse! pulido, hindi basta basta (kitang kita naman ang mga pruweba ko sa Hiroshima, Nagasaki and 7/11 bombing!) Oha! 9/11 bombing talaga yun.

SWEET TOOTH
Ako na nga ang may sweet tooth. Kaya kong umubos ng ilang lyanera ng leche flan. At isang garapon ng macapuno. Kaya ko pa lumampas, pero alam ko naman na asukal lang yung nagpapatamis dun so it's a no no! HAHAHAH! Napakataas ng tolerance ko sa sweetness ng pag-ibig pagkain. Tirador din ako ng icing/frosting ng cake at iba't ibang desserts. 

CURSE
Mabait akong bata, hindi ako nagmumura gamit ang mga tagalog lines na alam na alam kahit ng mga batang edad 2 years old sa lansangan. Pasosyal ako, ganto ako: WTH, holy crap! Stupid! ...Dyok lang! Walang ganyan. ^^

BLACK&WHITE
TRIVIA: Sa kabila ng aking pagpipinta gamit ang mga pastels, bulag ako sa mga kulay. :) Yung mga binibili kong crayola at pastels kailangang may mga labels ng kulay sa pabalat kasi nga black&white ang paningin ko. Chos! HAHAH! Sa tulong ng aking mga friends na may normal na sharingan, sa kanila nalang ako nagtatanong ng mga totoong kulay ng mga bagay bagay sa mundo. 

BABAE
Madami na akong napaiyak na babae (Shaks! Hampogi!). Dyok lang! Pero kagaya ni pareng Cyron, magaling din ako makipaglandian. Dyok ulet! HAHAH! 
Echusero lang! <-Yan lang talaga ang description sa portion na 'to.

HAYUP!
Ayy, mahilig ako sa mga hayop. Lalo na sa mga tiger aso kahit askal pa yan! Maawain ako sa kanila. Kahit yung mga daga na nahuli sa bahay, gusto kong pakawalan. Ang cute kasi! HAHAH! Nakakaawa. 
Pero ayaw ko sa mga insekto at gagamba. Kadiri. Nakakatakot. Lalo na pag kitang kita mo yung mga balahibo. Dati paborito kong paglaruan ang mga gagamba, pero nung natuto ako tumingin ng larawan sa encyclopedia, nakita kong nakakatakot ang mga balahibo nila. TARANTULA! Hindi ako fan nyan, feeling ko maliit lang syang gagamba, naka-ZOOM IN lang sa totoong buhay! OA diba!

BATA
Hindi ako mahilig sa mga baby. T_T  kabaligtaran ni ateng maganda at sexy Arline. Yung ibang baby pinaplastik ko lang na kunwari tuwang tuwa ako sa kanila. HAHAH! Dyok lang! Snob lang ako sa mga baby. Choosy ako, gusto ko cute! ^^ Mahilig ako sa mga batang... batang nauutusan na! (Kasi nga *balikan ang first random thing)


Ayan lang! Marami pang iba. Pero dahil nga masunurin akong bata, 7 lang. HAHAH! 


3. Tag 15 bloggers. (Yung iba natag na ^^ )
Nong Inong of Kumonoy
Mecoy of Mecoy
Cheenee of Kwentong Palaka
Littleyana of Thingking Outloud
Sunnytoast of SunnyToast
Fiel-kun of Fiel-kun's Thoughts
Anyone! [:)]


Have a good day sa lahat! 

Ciao! :D















Sunday, December 16, 2012

Lazy Sunday

Kagabi (Sabado) may batang pumunta dito sa bahay para mag patulong pagawa ng kanyang proyekto.

Bata: Kuya padrawing ako.
Ako: Anong iddrawing?
Bata: Parang farm. Basta may nagtatanim.
Ako: Anong tinatanim?
Bata: Kahit ano.

(Sa isip ko lang) Kahit ano pala, sige, paano ko iddrawing ang taong nagtatanim ng sama ng loob sa gitna ng bukid? Chos!:)

Ako: Osige, akin na ang mga gamit mo.
Bata: Binigay sakin ang illustration board at lapis.

Wow. Old school. Walang pambura. HAHAH!

Kaninang umaga (Sunday) pinuntahan ako ng bata para kuhanin na ang project. Kainaman, hindi ko pa nasisimulan. HAHAH! Ang plano ko kasi gabi nalang. Yung tipong last minute na, yun bang puro adrenaline rush nalang ang nagpapagalaw sa buong katawan ko! Tapos kinabukasan ko nalang sana ibibigay bago sya pumasok sa school.

Pero dahil nahiya ako sa bata na hindi  naalis hanggat hindi ko natatapos ang project nya (wala ata syang tiwalang gagawin ko yun!) e sinimulan ko nang gawin. At sa katunayan katatapos ko lang.


Dahil sa kakapusan ko sa mga kagamitan, purong lapis lang. Wala din akong signpen ngayon! Kahit My∙Gel wala! O kung ano pa mang source ng dark ink (hindi epek pag ballpen lang). So pinabayaan ko nang ganyan. Wala na ring tasa tasa! Sharp na kung sharp at blunt naman yung ibang strokes. HAHAH! Yun mga tinatanim na parang mga tae tae lang, cabbage yan! Pagbigyan na! At kamatis naman yung mga nasa bakod (ang gaganda kasi ng mga kamatis na nakita ko sa kamatisan dun sa nayon nung isang araw). At para maiba ang eksena, nilagyan ko ng ibat ibang uri ng damo sa gitna! HAHAHAH! (Napaglaruan pa)  Yung isa nga e malanding damo (yung parang paruparo). ^^

Ayun, salamat na rin sa bata at mejo nabawasan ang tumal ng maghapon ko! Dahil tinatamad ako, siya na ang pinagbura ko ng ibang mga excess na detalye.

:D

Kayo, gano katumal ang hapon nyo?

****
Tumal = Bagal. Colloquially "nakakatamad".

Friday, December 14, 2012

Early Worm

Lagi nalang kasing Early Bird ang napapansin. :) Oh BTW, I just had an idea sa word na "early bird" sa entry ni sir ZaiZai which he mentioned in his reply comment na masaya daw kapag early bird, which I seconded (About kasi sa foods yun, napaghahalata ang matakaw). HAHAH!

Maraming benefits ang pagiging early bird, unang una sa foods! sa pamumuhay. Kapag maaga kang gumising at gumayak at nagsimula, mas magiging produktibo ang iyong buong araw. Marami kang magagawa buong maghapon. Sa enrollment (review center), pag'early bird ka e may discount ka. At sa... basta, etc etc!;)

Okay, kwentong kuneho na.
***

Nung pauwi na ko, sumakay ako sa tricycle. Medyo traffic. Nasa backride ako. Sa likod mismo ng driver. Mura ng mura yung driver. Bakit daw kasi uso pa ang traffic. Tapos sigaw ng sigaw ng "ang inet!" tapos kada driver na makakasalubong e "o ano ano mainet?!" (yung kabilang lane lang ang nausad). Ewan ko kung ano yung sinasabi nyang mainit. E kasi naman gabi yon, mahangin. Maaliwalas naman ang paligid at carry lang ang panahon. ;) So tiningnan ko kung anong meron, yun pala nakashorts sya, tapos malapit sya sa makina at naiinitan yung mga binti nya. Kaya pala sya reklamo ng reklamo. Tiningnan ko yung driver, bata pa. Kaedad ko lang (bata pa ko ati koya). Pag tingin ko pa e parang namumukhaan ko. Kaklase ko pala sya nung elementary kame. May looks naman din, kaya nakakadami ng chiks nung HS na. Ayun, napasarap siguro sa pagkan panchichiks kaya maaga nakabuntis. Sa madaling salita, isa syang Early Bird Worm. Dahil din jan kaya napatigil sya ng pag-aaral at hindi na nakatapos. Napilitang magtrabaho ng maaga, gamit ang naiwang tricycle ng yumao nyang ama. Ang hirap ng buhay. Kitang kita ko ang hirap nila. Bata pa din yung asawa. Walang trabaho. Kasal naman sila, at alam ko kasi sa kapatid ko nanghiram ng susuotin nung kasal nila. 

Siguro nagsisisi sya sa ginawa nya. Masyado syang nag enjoy sa pagkabinata nya, ang hindi nya alam, mas malawak pa sana ang playground mundo nya kung medyo naghinay hinay sya. Marami na syang gustong gawin pero di na nya magagawa dahil may asawa na sya. Maraming "wants" para sa sarili pero hindi na pwede dahil may pamilya na syang dapat iprioritize. Pero at least nagsisikap sya. At hindi sya tumulad sa iba na tinatakasan ang problema.

Napaisip tuloy ako. Bakit kaya may mga taong hindi naiisip ang kanilang future, puro pag papakasaya lang sa present. Akala ba nila parang bahay bahayan lang ang magiging buhay nila? We're talking about future here. Security & Assurance, sa TOTOONG buhay. Kachaw! ;) Tsk! "Para!". Bumaba na ko sa tricycle. 

***

Isa pa. [Mahaba ang tenga ng kuneho. Maraming nasasagap. Chismoso. HAHAH!]

May nakachat ako sa FB, babae. Nagtatanong kung baby ko daw ba yung kasama ko sa photo ko. Sabi ko: "Ha? Anong baby? Nasaan?" Yung pala nasa kadulu-duluhang album na, sa madaling salita e nakapaghalikwat na at naghukay na sa baul ng FB ko ang babaeng to. HAHAH! 

Tinignan ko ang albums nya at nakitang may baby na pala sya. Sya naman ang tinanong ko kung anak nya yun. Oo daw. Tinanong ko kung nasan ang asawa. Wala daw. Puro pahirap at sakit lang naman daw ng ulo ang pag aasawa. May pahabol tanong pa syang "diba?" na umaasa sigurong sasang-ayunan ko. Pero hindi e. Sabi ko HINDI. Depende sa asawa. Ang "asawa" ang syang dapat na katuwang mo sa buong buhay mo, kasamang bubuo ng mga pangarap nyo. Kasama mo sa hirap at ginhawa... at (itanong nyo kay Mr.Father/Pastor sa kasal yung iba pa). Tapos hindi na sya nag reply. Ansama ko no? HAHAH! Pero nagsabi lang ako ng totoo. Pak! Philanthropist na kasi ako, ooh-raah! Echos lang.

***

Sana maraming kabataan ang matuto ng leksyon sa mga kapwa kabataan nila na nagiging "Early Worm". Pero sa nakikita ko, marami pa ring hindi nakakaintindi sa "hirap" na daranasin nila pag nagpadalos-dalos sila. :(

Kung tutuusin e wala akong karapatang magpayo about sa pag aasawa dahil hindi ko pa naman nararanasan yan. Ang taningn pinanghahawakan ko lang sa ngayon ay ang malawak na pang-unawa about sa matter (maarte pala) na yan. 

Buhay nga naman. ^^
***

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Salamat BDO sa gift na ito. :) Jan ko ilalagay ang lahat ng ma-wiwithdraw ko. HAHAH! ;)

Malambot pero makapal ang tela nya compared with other Eco bags


Inabot sakin ng kaibigan (who works there) kagabi, dahil 'daw' may account ako sa BDO. Ang totoo nyan P200 nalang natitira jan simula nung magbakasyon tumambay ako. Since mag papasko naman, bukal sa kalooban kong tumanggap ng cash at heto ang account number ko **********. HAHAH! 
Solomot! :3 (Hindi masama kung tototohonin ang ibang biro;))

Ciao! 


P.S. Wala pa akong baby. Naghahanap pa lang ng mommy. HAHAH! :)

Thursday, December 13, 2012

Quintessence

Umpisa palang, hindi na ako fan ng mga taong nagmamartir-martiran lang.

MARTIR. In english: Martyr. (Was this helpful?) HAHAH!

According to Merriam-Webster:

(1) a person who voluntaruly suffers death as the penalty of witnessing to and refusing to renounce a religion
(2) a person who sacrifices something of great value and especially life it self for the sake of people.\

Napaka noble ano?

Pero may mga taong namemeke lang ng kagitingan ng salitang ito.

Dun tayo sa pangalawang definition.

Yung ibang tao jan, nagpapakamartir para lang mapansin ng ibang tao (kalimitan e pag nagpapaimpress) ouch!;) Pero ang totoo naman e may ibang hangarin. So sige, kalimitan kay kras, may mga taong nagpapakamartir mapansin lang ni kras! o kapag nanliligaw. Pero pag sila na, wala na. Katapusan na rin ng false martyrdom. 

Ang pinakaayaw ko naman, na kadalasang nararanasan KO (at siguradong naranasan nyo na din) ay ang makasalamuha ng taong martir, ehem! Pekeng martir. Tipong magpapakamartir sila, pag tinitingnan mo sila halos mahulog ang loob mo sa kanila, na tila nasa tuktok ka ng Mount Everest at sila e nasakaibuturan ng Marianas Trench. Gusto mo silang tulungan pero syempre tatanggi sila, nagmamaasim pa (Tandaan: Yung mga nagmamaasim ang unang namamatay sa pelikula), iiling na parang kyut na kyut na tuta. Ikaw naman, abot langit ang konsensya. Kaso yun pala ginagawa lang nila yun at sinasadya para makonsensya ka, tapos sa bandang huli e isusumbat sayo! Ano 'to, lokohan? Ginusto mo yan in the first place. Walang sumbatan!

Naalala ko ang sinabi ng aking propesor sa pilosopiya nung nasa kolehiyo pa ako: "What more do you want, when you've done a man a service".  Wala lang, naalala ko lang (masingitan lang ng english). Feeling ko kasi may relevance sya jan.

Ang bottom line: Ang tunay na kawang gawa at totoong pagmamalasakit, walang hinihinging kapalit. 

:)

Wednesday, December 12, 2012

Super Mr. Popular (SMP) Blog Award

Maaga akong gumising kanina, mga 5:00AM. Kinailangan kasi naming pumunta sa Alabang para ipachange-oil ang sasakyan. Chek-up na din para sa kung ano mang mga dapat nang palitan o kung ano pa man. Bago mag 7:00AM Andun na kame. #2 sa appointment. Nalaman namin na 4:00PM pa matatapos ang pag aasikaso sa sasakyan. Yung sasakyan nga pala e pinangalanan ng mga classmates ko: "SHIRO". Ang shiro ay salitang hapon, na ang ibig sabihin ay "Puti". Ngayon may idea na kayo kung ano ang kulay ng sasakyan na minamaneho ko. Tumpak! ITIM ang kulay nito. HAHAH!

Dahil mahaba haba pa ang oras na aming hihintayin, napagpasyahan namin na pumunta muna sa dental clinic at mag padental check up. Nagpa *tooooot* este tooth cosmetic ako. May sira na ang ngipin ko, wala kasi akong toothbrush since birth e. HAHAH!  Ayun, matapos ang nakakangilong proseso, feeling ko isa akong super hero at nalampasan ko ang sakit! Ten-te-ne-nen! Ten-ten-ten-ten-ten-ten!!! (tunog pang videoke paglabas ng score)


Natutuwa ako para kay Doc, kasi may bago syang printer sa kanyang clinic. At tuwang tuwa sya nung maitest ito. ^^ At dahil jan, natuwa na rin ako. May mga matataas pa rin palang tao na mababaw pa rin kaligayahan, at nakakagaan ng pakiramdam ang mga aura ng mga taong kagaya nila, napaka inviting ng presence.  :)

***


SMP Blog Award

Maraming salamat kay Mr. Cyron of Ikwento and Mr. Anthony of Free to Play  for tagging me and Ms. Maria of Super Wander Girl na pinagmulan ng blog award na ito.

Super Mr. Popular Blog Awardees

Mecoy of Mecoy

 Super Mr. Popular Blog Awardees


Phioxee of  Wanderer
Sunnytoast of Sunnytoast 
Ms. Joy of Joy's Notepad
Jessica of Sketches of Words

Yung ibang hindi ko na ni-tag e nakita ko na sa iba na nakatag kayo. You can tag yourself, after all  you are all deserving to have this award! :)


RULES
-Answer the same questions I answered above below.
-Choose your Super MR. Popular and Super MISS Popular who you want to give this award. (Maximum of 15 people)
-Copy the questions above below or you may create a new question you want to ask them.
-Don't forget to send me the link of your post so I can see it, too.


Q&A
1. Your life is going to become a script for a movie. Whose local/foreign celebrity would you want to play you?

  • Cam Gigandet (aksyun-aksyon din!) HAHAH! Sa local e wala akong maisip e. :D 

2. You get to become a villain for a day from a Disney movie. Which villain are you?

  • Jafar of Aladdin. Gumegenie! Gusto ko ang powers nya. HAHAH! Pati si Hades of Hercules (may sasama pa ba sa name?) ^^


3. Aside from family, what's your greatest accomplishment in life?

  • Sa ngayon e yung pagkagraduate ko pa lang sa kurso ko. At ang susunod, yung makakuha ako ng lisensya bilang isang inhinyero. HAHAH! :D 

4. In your own views, what's the spirit of Christmas?

  • Kapayapaan! :) Pagiging kuntento sa puso ng bawat isa. Pag bibigayan, pagmamahalan at pakikipag-ayos sa mga taong medyo naging malayo ang loob sayo. :)
  • Para sakin hindi ito panahon para sa mga kalandian  pagkainlab (na tipong malaPBB teens)! And actually, may napatulan nga akong picture/mensahe na nakita ko sa newsfeed ko... at eto yun:




Hayun! Makatulog muna! :D  Ewan ko ba, pero amoy stationery dito sa bahay. -_- HAHAHAH! Ciao!

Tuesday, December 11, 2012

December Breeze | Baguio Escapade

The reason of my absence in the limelight! Whoah! HAHAH!

Don't worry, I'm already done reading all your latest entries while I'm gone. Just comment and leave the link if you think I missed something! It's my pleasure to read it. ;)

Well I just want to share with you the happiness and joy I experienced in high lands together with my family. :) I thank God for the beautiful weather! We stayed there for 3 days and 2 nights, and every moment was a blast!

Day 1

We started the roadtrip at exactly 3:41 AM. My dad drove the way to EDSA and we switched seats before we reached the SCTEX. At around 7:00 AM we reached the Paniqui and since we haven't had our breakfast yet due to our early departure, we decided to stop over and eat. We ate and had a stop @ Pangasinan's Best Pasalubong Center. The place is very native and cozy. You can feel the fresh morning breeze swooshing through the leaves of palayan. We do not want to continue the travel without filling up our empty stomachs so we ordered plenty of their best dishes to dig in.

Served with Bulalo afterwards
Driving through Tarlac is really a pain in a butt literally. And again "literally" a long drive. After having our breakfast, my dad did the driving until we reach our destination. And since my hands are empty, I managed to took the photos of almost all "welcome arcs" of every point until we reached and arrived in our destination.

We arrived earlier than the meeting time so we cannot proceed straight to our transient house. We decided to just kill some time in Burnham Park. And while we are waiting, I insist to tag along with my mom and dad to look for and buy some fresh veggies, crops and fish for our lunch. And as usual, the price here is so cheap that you can actually shop for your whole-day-meal for only a couple of hundreds. One is enough actually! ;)

After some nice shopping and lot of bargains, we packed up to go and get some rest in our transient house. My mom, cousin and grandma did the cooking.


Since we're on a vacation, we want everything to be different from the way we live in our hometown. We're in to living a healthy lifestyle here! ;) Veggies, fruits, fish and other seafoods were the only ones you'll see prepared at the center table. Yes! Milk na lang ang kulang! HAHAH!

We had our soundly rest for a few hours and again, we're ready to fly again! We went back to the Burnham park and had some activities.

We also didn't let the night just pass us by without  going to the Night Market! One of the most ideal place to shop for some presents or pasalubong for your mga inaanaks! There are souvenirs too!
Shirt prices ranges from 100 to 150 and can be bargained for 80-130. And can get even lower if you buy more. ;)

We went boating, bicycle riding, carousel, bump car, and had our picture picture until the night was over. The temperature gets even lower as the  night's getting darker and darker.

Therefore, temperature and daylight is inversely proportional to each other. Kachaw! ;) HAHAH!




And this is our family picture of the day! ;)

Me, my cousin Shirley, my sis Joyce, my brother Jeff, and one and only inaanak, my mom, lola, and dad. 

Day 2

We had a looong day for the first day so we woke up late, but not that late but later than our planned schedule. We went out around 11 AM na. We went straight up to the horse back riding camp and get our horses (Feelingero, parang may sariling kabayo) and yaah! 


Feeling ko naman ako si Cedie. White horse kuya pwede?
We had our horse back riding for 30 minutes. Nakakainip! At sakit ulit sa butt! HAHAH! 

No different from driving. You get to control the horse by maneuvering the rope attached to him. The sun is high but not is not harsh to your skin (di ko talaga alam kung pano sasabihin) HAHAH! Just like in Tagaytay. We tried to visit the butterfly ek-ek but it is unattended.

After that, we went to the Tree Top. But nope, we didn't try any of their activities. Our province is Alfonso, Cavite from which you can also have some treks and expeditions @ CAMPO TREXO Inc. for a lower and more ideal price. Sa totoo lang, wala na kasi kaming pera, saktuhan lang pang gas pauwe! Chos lang. HAHAH! 



Then we decided to get some pasalubong and souvenirs in the Mines View Park. We bought walis tambo, keychains, shirts, lenguas, strawberry and blue berry wines, peanut brittle etc. And of course, the famous Ube Jam of the Good Shepherd. So much more to tell!

Oh by the way! Our dinner menu for the night is Ginataang Kalabasa. Nainggit kasi ako kay Sir Mots of Teacher's pwet in his Happiness entry. (Kasi nga inggitero ako HAHAH!)


And, our family picture for the night?


Day 3

The last day of our stay in Baguio. Also, PMA day! Before that, we went back to the market to buy more of pasalubong but this time are all wet goods. :) HOHOHOH!

Our PMA gallery:



Do I need to say more? Oh! We bought souvenirs from here as well, my dad was a former soldier so I can see his excitement when we got here. HAHAH!



On our way home, we bought the bests of Pangasinan and other places too. We had our stop over and coffee break @ one of NLEX's gas stations.



And I really thank God for this blessing! And when we arrived home, the morning we woke up, we suddenly heard that BAGYONG PABLO already entered the La Union. See? We just went there with a beautiful weather, and it's God's favor that he held away the storm while we're there! :)

HAHAH! And that's it! Oh and if you're asking why we had an early vacation in Baguio, well... we can't afford to go this coming summer (next year's) because hindi na kami kumpleto. My dad works in the vessel so... ayun! :)

Our family picture for the last day:

Shirley, bebe, Lola Remz, Joyce, Kuya Jeff, Mom, Dad & Me


Looking forward for more family bonding and trips! Kachaw! ;)

Sunday, December 2, 2012

All I Want for Christmas

Magpapasko nanaman. Uso nanaman ang tagu-taguan. Pahirapan nanaman sa pagtatago para sa sangkatutak na inaanak. HAHAH! Yan yung sabi ng iba na lagpas 'sang dosena ang mga kumuha bilang ninong/ninang sakanila. E ako isa lang naman ang inaanak ko. :)

Maraming salamat kay Sir JonDmur [http://jondmur.blogspot.com/] at kay Miss Maria [http://mariaswanderland.blogspot.com/] sa pag tag sakin neto. :)



This tag post has rules.

1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.

2. List 6 things that you want to receive for Christmas. 

3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs). 

4. Send me the link so I could check it out too.



***
I PRAY for more blessings, good health, happiness, security and safety ng mga taong mahal ko sa buhay. Basta I pray for all intangible things na gusto kong mangyare sa buhay ko, yung mga bagay na tipong iwiwish mo pag nasa Q&A portion ka sa pageant, o nasa harap ng camera at ibino-broadcast sa buong Pilipinas, yung iwiwish mo pag nasa job interview ka o pag-iniinterview ka ni Boy Abunda, at tipong i-wiwish mo pag nagsasagot ka ng exam sa VALUES / EP (Edukasyon sa Pagpapahalaga) / GMRC (Good Manners and Right Conduct) o kung ano mang tawag nyo jan. :)

So hindi ko na sila isasama sa Christmas wishlist ko! :D Ayaw ko naman magpaka wholesome na "NEEDS" ang ilagay ko. All I "WANT" for Christmas naman ang title. Want oh! "Want"! :) Pagbigyan na! ^^
***



So here's my WISH LIST!

Hindi ko pa sana to ippublish kasi baka may mabago pa, pero naisip ko na baka sakaling may mag bigay ng isa sa mga ito, mabuti nang maaga ipaalam para mapaghandaan diba? :)


1. POSTCARDS/CHRISTMAS CARDS


Nakigaya lang ako sa iba. Napaisip kasi ako, ano bang meron sa postcards? Kasi sa buong buhay ko, hindi pa ko nakatanggap kahit isang postcard. Ano bang feeling? HAHAH! Kahit 1x1 size wala. So sige, para maiba naman. Christmas cards din ata hindi pa (hindi ako sure), kasi mas uso ang Christmas letters samin kaya yun nakakatanggap naman ako. Parang ganun din naman siguro yun, hindi nga lang sa card. :) HAHAH! So this Christmas, I wish for a Post/Christmas Card. :)


2. SET OF OIL PASTEL



Ayan, para sa mga hindi po nakakaalam, mahilig po ako magpinta gamit ang mga pastels. At matutuwa po ako kung mag kakaroon po ako ng new set nito ngayong darating na pasko. :) At kung aabusuhin ang request, sana yung SENNELIER ang brand kagaya ng nasa larawan. Bilang isang amateur artist, naghahangad akong makagamit ng isa sa mga sinasabing pinakamainam na brand ng oil pastel (oil pastel at its finest sabi nga! ^^ )  [You can add me up on my FACEBOOK ACCOUNT and visit my "Watashi no Geijutsu" album to see my amateur works. Pero actually gusto ko rin isama sa blog ko ang aking mga likha. 


3. SALAPI




Siguro naman wala na akong dapat ipaliwanag dito. Lahat naman tayo kailangan nito, tanggapin na natin na isa ito sa mga pangunahing kailangan natin para makasurvive sa mundong to, otherwise, hindi na kailangan ang salitang "pagta-trabaho". At kung tatanungin ako ni Willie at Vic Sotto kung san to gagamitin, ang isasagot ko ay "para makatulong po sa mga mahihirap". Therefore, para makatulong sa sarili ko. :)


4. BICYCLE


Ang nasa isip ko talaga e sasakyan. Yung Grandis o kaya naman e Mazda 3. Pero naalala ko na sinabi ko sa sarili ko na gusto ko e ako mismo ang mag iipon para makabili ng sariling sasakyan (para walang sumbatan! HAHAH!). So bike nalang para mas posible. ^^ Tipong chill chill lang! :D


5. PEN TABLET / GRAPHIC TABLET


Yan, gusto ko kasi pasukin ang digital arts. So, bago yun, kailangan ko muna mag karoon nyan. :D Sa pagkakaalam ko e Wacom|Bamboo ang sikat na pentab dito sa Pinas ayon sa aking kaibigang digital artist. Gusto ko itry. Puro trad arts kasi ako. :) I badly wish for this one! 




6. DOG


I just lost this friend of mine 6 months and 11 days ago.  It's not that I want a replacement (I believe a friend is never replaceable, especially who is a family member), I just want to have a new one. Pramis, gagawan ko sya ng espasyo dito sa blog ko bago matapos ang taong 'to. I miss you. :(




And... That's it! Maliban sa Pentab hindi na ko magdadagdag ng mga gadgets. Sa ngayon kasi, too good to be true na makatanggap ako ng ganyan. :D




Sa mga nagbabalak jan. THANK YOU IN ADVANCE! :D


P.S.
About sa tagging ng friends, uhm, tingin ko wala akong maiitag dito, halos lahat na ata ng followers ko e nakagawa na ng ganto, o naitag na. Wala pa kasi akong one month sa blogging kaya wala pang masyadong followers. :) Pero sa mga bloggers out there na makakabasa neto na wala pang ganto, you're free to do so. ^^

Saturday, December 1, 2012

Silip! ;)

Keinemen! Hanggang ngayon wala pa rin akong maiisip na next entry. Medyo madamdamin ang nakaraan kong post, so gusto kong sundan ng kakaiba naman (moodswing ang peg^^,).  Pero kahit anong kalog at pukpok ko sa ulo ko e walang lumalabas na ni isang butil ng bigas na idea sa utak ko. Iba na talaga pag nabubulok na ang kalahati ng utak na 'sing liit ng munggo. Ikaw ba naman ang tumambay sa loob ng bahay for more than a month. TV at internet lang ang kaharap. Nakakabobo. Pero sa totoo lang medyo nag eenjoy pa ko, nageenjoy din ako sa blog hopping. Hmm. So pano, sisimulan ko na ang kwentong kuneho ko.


"SILIP"

...yung totoo? Ano unang pumapasok sa isip mo?

Oyyy, wag ka na magmalinis jan, karamihan satin e "boso" ang naiisip jan. Alam mo na! :) Pero hindi yun ha, wag kang berde jan. Hindi yan yun. Pero pwede na rin! (Gusto rin HAHAH!) Dyok lang!


***


(sa totoo lang, wala pa kong insights at kasaluyan ko pang pinag-iisipan ang ilalagay dito, impromptu to, pramis! HAHAH! at mamaya ipapakita ko kung bakit SILIP ang title ko)

***

SILIP - TRUST

Hindi ba nakakainis kapag may sumisilip sa mga pinapagawa sayo? Yung mga etchusero? Tipong binabantayan ka sa mga ginagawa mo, na para bang walang tiwala sayo. Malimit yan sa trabaho (Actually, wala akong experience sa pagttrabaho, maliban sa pagiging intern ko). May ipapagawa sayo, pero bantay sarado sya sayo. Lahat nichecheck kung totoo ba ang nilalaman ng reports mo, minsan may duda pa kung ikaw ba talaga ang gumawa. Dulce de leche! Sana ikaw nalang gumawa ng reports ko, o pinavideo mo.  Minsan e okay lang din naman yung ganyan, at least hindi na mag aatempt ang isa na mandaya o kung ano pa man, pero pag OA na, as in OA na... ay sya ayawan na! Patakbuhin mo ang kumpanya mo mag isa. Ang matatag na pundasyon ng isang samahan ay nagsisimula sa malalim na pagtitiwala.


SILIP - COMPARISON

Maipapasok din natin yan sa pagkukumpara. Sinisilip kung ano bang kakayahan ng ibang tao na wala sayo.  At sa totoo lang hindi nakakatuwa. Hindi nakakatuwa pag ikaw ang mukang kawawa. HAHAH! Yung tipong pag ikaw ang laging masama, nakikitaan ng mali at kung ano pa man.  Pero malamang sa alamang e taas noo ka pag ikaw yung nasa upperhand ng pagkukumpara. Baka taas noo kang nakikipaglaban nang titigan sa matinding sikat ng araw!


SILIP - INGGIT
Minsan tayo din ang nagsisimula e. May mga bagay na nasisilip mo sa ibang tao na meron sila at ikaw wala. So iniisip mo ngayon na "bakit sila may ganito, ganyan?" ... "Kailangan maging ganun din ako!" ... "Kailangan meron din ako nun!". Iniisip mo na mas maganda kung lahat ng meron sya e meron ka din, lahat ng kaya nyang gawin e kaya mo rin! Competitive ka! Iniisip mo na ikauunlad mo yun. Minsan naman talaga ganun tayo. Wag na nating ipag-kaila, tatanggi ka pa e kitang kita naman sa mga mata mong kumikislap na halos lumuwa ito sa labas ng iyong mga talukap. Lalo na pagdating sa pera, nakita mong yumaman ang iba dahil sa "business" nya, so pinasok mo rin. Ayan, na bankrupt ka. Inggitero ka kasi. Minsan kailangan nating makuntento kung ano ang mayroon tayo.  Wag na tayong sumilip sa iba. Mind your own business ika nga. Alam mo, ang pagiging kuntento ay pagiging mayaman na din. Sinabi sakin yan ng isang kaibigan. May ibang mayayaman jan, na kahit kayang bilhin ang lahat, hindi pa rin makuha ang contentment. Balewala rin, so sana ibigay na lang sakin yung yaman nya! :) So maging satisfied ka kung anong meron ka. At mag pasalamat kung may mga blessings na darating pa. Wag kang abuso sa panghihingi, mamingay ka rin! (Aray ko!) HAHAH!


SILIP - PREVIEW
Ayan, nairaos ko rin. Mukang nag speed-typing lang ako noh? HAHAH! Pero kahit magulo e sana nakuha nyo ang aking nais ipasilip. :)

At gaya ng sinabi ko, sasabihin ko kung bakit "SILIP" ang naisip na title ko.

Dito ko sya nasilip; Ohhh, heto:




Nakakatuwa mag impromptu. Nakakahasa ng utak kahit pano. ;) HAHAH! Try nyo din! :D

Have a good day!^^

Thursday, November 29, 2012

Shooting Star



How I wish some sayings are true

 ”WHEN YOU WISH UPON A STAR YOUR WISH WILL COME TRUE”
  
"Shooting Star" | Oil on canvas. [10" x 14"]

When I was in grade school, 4th grade to be exact, my teacher asked some students to report about heavenly bodies. Unfortunately, I’m one of them. But then I gladly accepted the offer. Not to mention that that was my first time to do some reporting in front of the class. I also wanted to see if I can pull it off.

The actual encyclopedia we used years ago
On my way home, all I think about is my topic. How do I deliver it in front of my classmates when I know nothing much about comets? Yes, my topic is about comet that happened to be my most unforgettable topic. Before the day ended, I asked my mom to help me out regarding my report. Then she went straight to our bookshelf to get an encyclopedia. Then we started reading it. I learned so much about comets; its parts, movement, speed, and how it shines brightly in the sky. I was amazed, as if everyone in the world is looking up to the arrival of that one little comet in the sky, like a shooting star! And she continued reading it. The book mentioned that the next comet will appear on 2061, and the world will be able to see it for a couple of seconds, like once in a life time moment!  So I computed what would be my age by that time. I got shivers! I told my mom with overflowing excitement that WE HAVE TO SEE THAT COMET! WE HAVE TO! WE MUST! But I didn’t get any reply, not a single word from her.


Silence struck.

I was suddenly stunned for a second. Then the moment I snapped out of it, I started calculating again. I looked at my mom, seriously writing my report.





2061: I’m already 70 years of age.
and my mom…





When I wish upon a star,







I wish…


Wednesday, November 28, 2012

Morning Vibes! (Filler Entry)


Supposedly, this entry shouldn't be my entry for this day. I have my entry readied last night... pero nagkaroon ng biglaang lakad kaninang madaling araw (di nakatiis, nagtagalog!:]). Pero hindi ko na mahihintay pa ang bukas habang sariwa pa ang pakiramdam ko ngayon, bukas kasi baka panis o spoiled na.  Pero ilalagay ko nalang sa fridge para ready to publish nalang. 


4:00 AM. Ginising ako dahil gusto akong isama ng aking ama sa kanyang opisina. So ayun, gumising naman ako. Magppublish sana ako kanina pero kailangan na daw mag gayak agad kasi maaga aalis, di tuloy nakapag online!:). At any rate, morning person naman ako so hindi ganun kahirap para sakin kumilos kilos kahit madaling araw.

5:15 AM. Ready na. Umalis na kame. Maluwag ang daan, at buti nalang e hindi trapik pagdating sa Magallanes, bale bandang 5:45 yun. Bandang 7 pasado kasi e nagiging parking lot na ang lugar na yan. Tipong mga sardinas ang mga sasakyan na nag-uunahan makipagsiksikan sa loob ng lata.

Bandang 6:00 e Andun na kame sa destinasyon. As expected, nagmamadali lagi ang tao. Nope, actually, "nagmamadali ang Maynila".

So pumunta na kame sa opisina, wala pang masyadong tao. Lumabas ako, tapos nanonood ng mga taong naglalakad. At nakakagaan ng pakiramdam pag nakakakita at nakakarinig ako ng mga taong nag-ggreet sa isa't isa ng "good morning!" habang nakangiti. Tipong sakalagitnaan ng kanilang pagiging abala sa trabaho, nagagawa pa rin nilang magspend ng konting segundo para lang bumati. :). Nakaka-GOOD VIBES! Parang feeling ko nakakagaan ng trabaho sakanila. Feel na feel ko na parang gusto ko ring makibati ng "good morning!", hindi kagaya nung elementary students kame na basta na lamang makabati ng "Good morning mam, good morning classmates, good morning!" Tapos monotone. Walang ka epek epek! HAHAH!

We had our breakfast sa Mcdo. Habang nandun ako, pinagmamasdan ko yung mga tao. Nakakatuwa yung ibang grupo, mga empleyado sila (hindi sa Mcdo). Wala lang, ang saya-saya nila, nagkkwentuhan. Parang ang gaan ng feeling. parang yung sa movies? kapag nakain sila, tapos walang specific topic. Dun na sila nagbbreakfast, coffee coffee. Gusto ko sana kunan ang mga tao dun, kasama ang masaya nilang aura, na nakakahawa :D Pero dahil wala naman akong dalang camera, wala akong nakunang moments! Pero eto nag speed-sketch ako:

Pasensya na. Hindi halata pero masaya sila :)

Namiss ko tuloy yung times na estudyante pa ako. pag napapaaga ang pasok ko. Minsan sa cafeteria (pasusyal lang ang tawag) muna tatambay, tapos kwentuhan! :)

Walang kwenta pero gusto ko lang talaga ishare sa inyo ang Good Vibes na nakuha ko kaninang umaga! :D

***********************************************************************
At nga pala, para sa mga gusto mag papayat jan: Habang nasa opisina ako, narinig ko nakakapayat daw ang pag-inom ng prune juice. Oha! At may dagdag pang impormasyon, available daw sya nationwide sa supermarket. meron nga daw yung magnolia e. :) [chismoso] HAHAH!


***********************************************************************

P.S.
Ang sarap kasama sa tanghalian ng mga tropahan ng mga seaman. HAHAH! -lalo na pag kabababa lang ng barko ;) Kachaw! HAHAH! Mukang kailangan ko na din ng prune juice na yan! ^^



Monday, November 26, 2012

A Message from a Priest




Monday today. As I woke up, nag-iisip talaga ko ng panibagong entry. Ayaw ko kasi sumabay sa agos ng buhay sa tinatawag na "Monday Blue". Wala lang, mahilig lang talaga ako kumontra sa nakasanayan na. Pero sa totoo lang e tinatamaan talaga ako ng Monday Blue. Ang sakit nga e, pero eto, bumangon ako at pilit na lumalaban! HAHAH! Naiintindihan nyo naman siguro ako. ;) Lalo na sa mga estudyante jan! :)



So kumukuha ako ng ibang inspirasyon para lang may maisulat. I visited some blogs, and yes, andaming iba't ibang teknik at estilo ang aking nakita. Still, wala pa rin akong topic. Then I browsed my neewsfeed sa Facebook, and I saw a status that really caught my attention. Actually mahaba kasi so eye catcher talaga. And I'll share this to you (nag paalam naman ako sa kanya ha, hindi naman ako basta basta nag nanakaw lang ng mga posts. HAHAH!)

A family friend's post:
"nag attend ako ng sacramento ng binyag knina (catholic) , dhil isa ako sa napiling maging ninang ng anak nang aking kaibigan :)


ngunit sa simula sinabi ng pari "na kung sino man daw ang naroon na isang born again ( he then also refers to other religion, the priest also "named" leaders of diff churches) AY ISANG HILAW na NINONG/NINANG!!!

ayaw ko na i detalye pa isa isa kung ano pa ang sinabi ng "tao" na iyon... i am in the state of shock at pagka inis sa mga oras na un... GOD BLESS HIM :)

kung ako ay isang ninang na hilaw sa kanyang sariling pananaw... ANO NAMAN KAYA SIYA... ????

I know from the bottom of my heart and my mind kung sino lamang ang karapat dapat bigyan ng pinakamataas at pinakamainam na papuri parangal at pasasalamat.. at ito'y walang iba kundi ang ating DIYOS AMA at ang kanyang bugtong na anak na si JESUS :) na pinagkakautangan natin ng ating buhay ..... at hindi kung sinong tao at mga taong cla mismo lang ang ngtalaga upang sambahin...

hindi ako relihiyosa, hindi ako perpektong tao, maraming pagkakataon na ako ay ngkakamali... pero hindi ko kayang sang ayunan ang kanyang mga winika...

kailangan ko lang po ito ibahagi upang akoy mkatulog ng mahimbing mamaya :)"



-end-

Ayan, wala na na siguro akong maidadagdag pa, nasabi nya nang lahat ng gusto kong iparating. :)

Ang sa akin lang, wag tayo maging utak talangka. Na kailangan nating ibagsak ang iba para lang iangat ang sarili natin. Ang bawat relihiyon sa mundong ito ay nakakatanggap ng aking respeto. Still, naroon pa rin ang respeto ko sa paring ito, kung yun talaga ang kanyang paniniwala. Wala naman sa relihiyon ang kaligtasan ng isang tao. Dahil kung nasa relihiyon yan, malamang lahat ng relihiyon nasalihan ko na! :) Nasa sarili natin yan, kung paano natin tatanggapin si Lord sa buhay natin.

(oha, wala na nga naman akong naidagdag pa! HAHAH!)

Have a happy Monday! :)

Sunday, November 25, 2012

Teka! Touch Move ka!

Ang susunod na quote ay basahin sa tinig ni Morgan Freeman:
Like is like a game of Chess. "You don't need to someone to play it for you, rather, someone to play it with you." -The Young Victoria

Touch Move - Isa sa mga nakakainis na rule sa larong Chess, lalo na paghindi mo sinasadyang mahawakan ang isang chess piece. Basta pag nahawakan mo ang isang tauhan, kahit hari pa yan, kailangan mong igalaw yan. Yan ang isa sa mga dahilan ng pagkatalo ng ibang players. Yung mga malilikot na players. ;)

Actually applicable sya sa totoong buhay, at mas nakakainis yun! Isipin mo nga pag may nahawakan kang bagay e kailangan mo na itong igalaw? Pano kung mahawakan mo ang statue of liberty, sige nga? Igalaw mo! O kapag tao ang nahawakan mo nang 'di sinasadya, kailangan mo syang galawin! Oyyy. HAHAH! Hindi naman. Hindi sya literal na ina-apply. Yung thought o concept lang ng "touch move".

Common yan na nangyayari (Tama ba spell? Hindi yung "common" ha, yung "nangyayari") sa buhay natin. Lalo na sa mga taong madadaldal. May mga taong basta nalang makapagsalita, na hindi iniisip ang mga sinasabi nila. Pero actually, dahil likas na nga silang madaldal at nabiyayaan ng mga napaka talim na dila na mala double-edged sword, hindi na nila talaga naiisip ang damdamin ng iba. Hiwa na lang ng hiwa. Sanay na sila kumbaga. At wala tayong magagawa kung hindi mag-adjust sa kanila kadalasan. Buti pa sila.

"Speak when you're angry, and you'll make the best speech you'll ever regret!"

Yan, yan ang point ko. Kapag galit tayo. Nakakapagsalita tayo ng mga bagay na dala ng bugso ng dadamdaming naglalagablab at naghihimagsik. Yung moment na galit na galit ka, na handa kang pumatay ng kaaway gamit ang mga ngipin at kuko mo. Pero hindi, ginamit mo ang bibig at mabahong hininga mo. Minsan nga mag u-umingles ka pa, na kada bitaw mo ng salita e nagdadasal ka na sana huwag kang mabulol. At kapag success ang iyong talumpati ay mapapa "YES!" ka ng malakas sa kaloob-looban ng iyong lungs. "Sa wakas nasabi ko rin!" Dinaig mo pa si Eula, Gladys Reyes, at madam Claudia sa pagkakontrabida, isama mo na rin si Angelica Santibañez ng Marimar.

Pero pagkatapos nun ay ang truth and shocking moment. Yung tipong matitigilan ka na para bang may mali sa script na sinabi mo, at hinihintay mo lang ang direktor na mag sabi ng "cut!". Pero hindi. The show must go on. Ngayon parang may mga palad na humahawak sa puso mo, na ano mang oras ay pwede itong pisilin. Take note, may hawak itong mga thumbtacks. Wala e, wala ka ng magagawa. Nasabi mo na. Touch move!

Galing-galingan ka kasi sa isang banda. Nag adlib ka pa na pati yung unang araw nyo ng pagkikita e naisumbat mo pa, na siguro nga kung may nahingi syang candy sayo noon e ipaluluwa mo pa. Hayaan mo, may award ka pagkatapos. Siguradong maraming mga taong pag-uusapan ka paglabas mo ng theater. Best Antagonist ka. Ang mas masakit, yung malalaman mo pa sa mga paparazzi na nagkamali ka ng akala, mali ang iyong hawak na impormasyon. Hindi pala si Marimar o Mara ang inaway mo kundi si Sarah, ang munting prinsesa. Tsk! (Corny ko jan! HAHAH!)

Gusto mong baguhin ang lahat. Dahil sa isang banda ay nagkamali ka.

Huwag ka mag-alala. Pwede ka namang humingi ng tawad. Nasa script din yan. Hindi ka lang nagbabasa. May fans ka parin naman jan, pwede ka humingi ng tulong nila. Yun nga lang, may posibilidad na hindi na maibalik yung dating "tiwala" na nasira. Swerte mo pagnaibalik yun. Pero kadikit na nyan ang "doubt o duda".

"There's a very thin line between confidence and arrogance".

Applicable din ang "touch move" sa mga bagay na ginagawa, kanina speech lang. Ngayon with actions na. Artista ka na talaga. May mga bagay na confident tayong gawin. Tipong maipagmamalaki natin na magaling tayo sa bagay na 'yon. Pero minsan, nagiging mayabang na tayo. Dahil jan, magkakaron nanaman tayo ng haters! Yes, haters gonna gate. Pero aminin, may mali pa rin tayo.

Minsan akala mo nakakatuwa pa ang mga ginagawa mo sa ibang tao. Yun pala hindi na. Nakakasakit ka na. Kaya minsan, pag-aralan ang buong script. May mga characters kasing sobrang bait, at sa sobrang bait, hindi nila binabasa yung script na masasaktan ka. Kaya ikaw nalang ang magbasa para sa kanila. Kusa kang tumigil kung sa tingin mo sobra na. Tama na.

Laging tandaan,  "Don't make a permanent decision based on your temporary emotion". Masaya ka man, galit o malungkot. :) Chill lang! Cheers! ^^
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...