Wednesday, November 28, 2012

Morning Vibes! (Filler Entry)


Supposedly, this entry shouldn't be my entry for this day. I have my entry readied last night... pero nagkaroon ng biglaang lakad kaninang madaling araw (di nakatiis, nagtagalog!:]). Pero hindi ko na mahihintay pa ang bukas habang sariwa pa ang pakiramdam ko ngayon, bukas kasi baka panis o spoiled na.  Pero ilalagay ko nalang sa fridge para ready to publish nalang. 


4:00 AM. Ginising ako dahil gusto akong isama ng aking ama sa kanyang opisina. So ayun, gumising naman ako. Magppublish sana ako kanina pero kailangan na daw mag gayak agad kasi maaga aalis, di tuloy nakapag online!:). At any rate, morning person naman ako so hindi ganun kahirap para sakin kumilos kilos kahit madaling araw.

5:15 AM. Ready na. Umalis na kame. Maluwag ang daan, at buti nalang e hindi trapik pagdating sa Magallanes, bale bandang 5:45 yun. Bandang 7 pasado kasi e nagiging parking lot na ang lugar na yan. Tipong mga sardinas ang mga sasakyan na nag-uunahan makipagsiksikan sa loob ng lata.

Bandang 6:00 e Andun na kame sa destinasyon. As expected, nagmamadali lagi ang tao. Nope, actually, "nagmamadali ang Maynila".

So pumunta na kame sa opisina, wala pang masyadong tao. Lumabas ako, tapos nanonood ng mga taong naglalakad. At nakakagaan ng pakiramdam pag nakakakita at nakakarinig ako ng mga taong nag-ggreet sa isa't isa ng "good morning!" habang nakangiti. Tipong sakalagitnaan ng kanilang pagiging abala sa trabaho, nagagawa pa rin nilang magspend ng konting segundo para lang bumati. :). Nakaka-GOOD VIBES! Parang feeling ko nakakagaan ng trabaho sakanila. Feel na feel ko na parang gusto ko ring makibati ng "good morning!", hindi kagaya nung elementary students kame na basta na lamang makabati ng "Good morning mam, good morning classmates, good morning!" Tapos monotone. Walang ka epek epek! HAHAH!

We had our breakfast sa Mcdo. Habang nandun ako, pinagmamasdan ko yung mga tao. Nakakatuwa yung ibang grupo, mga empleyado sila (hindi sa Mcdo). Wala lang, ang saya-saya nila, nagkkwentuhan. Parang ang gaan ng feeling. parang yung sa movies? kapag nakain sila, tapos walang specific topic. Dun na sila nagbbreakfast, coffee coffee. Gusto ko sana kunan ang mga tao dun, kasama ang masaya nilang aura, na nakakahawa :D Pero dahil wala naman akong dalang camera, wala akong nakunang moments! Pero eto nag speed-sketch ako:

Pasensya na. Hindi halata pero masaya sila :)

Namiss ko tuloy yung times na estudyante pa ako. pag napapaaga ang pasok ko. Minsan sa cafeteria (pasusyal lang ang tawag) muna tatambay, tapos kwentuhan! :)

Walang kwenta pero gusto ko lang talaga ishare sa inyo ang Good Vibes na nakuha ko kaninang umaga! :D

***********************************************************************
At nga pala, para sa mga gusto mag papayat jan: Habang nasa opisina ako, narinig ko nakakapayat daw ang pag-inom ng prune juice. Oha! At may dagdag pang impormasyon, available daw sya nationwide sa supermarket. meron nga daw yung magnolia e. :) [chismoso] HAHAH!


***********************************************************************

P.S.
Ang sarap kasama sa tanghalian ng mga tropahan ng mga seaman. HAHAH! -lalo na pag kabababa lang ng barko ;) Kachaw! HAHAH! Mukang kailangan ko na din ng prune juice na yan! ^^



16 comments:

  1. nakaka good vibes din itong post mo... na miss ko na rin ang makakita ng mga masayang environment.. dito kasi sa disyerto.. puro sigawan ang naririnig ko...

    walang good vibes na makukuha hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po! :) Baka may mga camels po jan! parang malakas silang maka-goodvibes!

      Nga po pala. Salamat po sa pag-tag sa last entry nyo! ^^ Ngayon ko lang po nakita. Bale, sige. Sisimulan ko na po mamaya o bukas pag kagising! :)

      Delete
    2. Mejo patatagalin ko pala muna ang Christmas wish list ko... baka sakaling mag bago pa, wala namang time limit diba :)

      Delete
  2. Prune Juice? Mas masarap ang dates juice! Hahaha Good Morning!

    ReplyDelete
  3. Ray-Ban
    one day sale
    List:€125.00
    Price:€19.99
    Ray-Ban

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...