Monday, November 26, 2012

A Message from a Priest




Monday today. As I woke up, nag-iisip talaga ko ng panibagong entry. Ayaw ko kasi sumabay sa agos ng buhay sa tinatawag na "Monday Blue". Wala lang, mahilig lang talaga ako kumontra sa nakasanayan na. Pero sa totoo lang e tinatamaan talaga ako ng Monday Blue. Ang sakit nga e, pero eto, bumangon ako at pilit na lumalaban! HAHAH! Naiintindihan nyo naman siguro ako. ;) Lalo na sa mga estudyante jan! :)



So kumukuha ako ng ibang inspirasyon para lang may maisulat. I visited some blogs, and yes, andaming iba't ibang teknik at estilo ang aking nakita. Still, wala pa rin akong topic. Then I browsed my neewsfeed sa Facebook, and I saw a status that really caught my attention. Actually mahaba kasi so eye catcher talaga. And I'll share this to you (nag paalam naman ako sa kanya ha, hindi naman ako basta basta nag nanakaw lang ng mga posts. HAHAH!)

A family friend's post:
"nag attend ako ng sacramento ng binyag knina (catholic) , dhil isa ako sa napiling maging ninang ng anak nang aking kaibigan :)


ngunit sa simula sinabi ng pari "na kung sino man daw ang naroon na isang born again ( he then also refers to other religion, the priest also "named" leaders of diff churches) AY ISANG HILAW na NINONG/NINANG!!!

ayaw ko na i detalye pa isa isa kung ano pa ang sinabi ng "tao" na iyon... i am in the state of shock at pagka inis sa mga oras na un... GOD BLESS HIM :)

kung ako ay isang ninang na hilaw sa kanyang sariling pananaw... ANO NAMAN KAYA SIYA... ????

I know from the bottom of my heart and my mind kung sino lamang ang karapat dapat bigyan ng pinakamataas at pinakamainam na papuri parangal at pasasalamat.. at ito'y walang iba kundi ang ating DIYOS AMA at ang kanyang bugtong na anak na si JESUS :) na pinagkakautangan natin ng ating buhay ..... at hindi kung sinong tao at mga taong cla mismo lang ang ngtalaga upang sambahin...

hindi ako relihiyosa, hindi ako perpektong tao, maraming pagkakataon na ako ay ngkakamali... pero hindi ko kayang sang ayunan ang kanyang mga winika...

kailangan ko lang po ito ibahagi upang akoy mkatulog ng mahimbing mamaya :)"



-end-

Ayan, wala na na siguro akong maidadagdag pa, nasabi nya nang lahat ng gusto kong iparating. :)

Ang sa akin lang, wag tayo maging utak talangka. Na kailangan nating ibagsak ang iba para lang iangat ang sarili natin. Ang bawat relihiyon sa mundong ito ay nakakatanggap ng aking respeto. Still, naroon pa rin ang respeto ko sa paring ito, kung yun talaga ang kanyang paniniwala. Wala naman sa relihiyon ang kaligtasan ng isang tao. Dahil kung nasa relihiyon yan, malamang lahat ng relihiyon nasalihan ko na! :) Nasa sarili natin yan, kung paano natin tatanggapin si Lord sa buhay natin.

(oha, wala na nga naman akong naidagdag pa! HAHAH!)

Have a happy Monday! :)

29 comments:

  1. pakshet na pari yan. nag-papariparian lang yata e.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHA! Cyron, hindi ko sya kilala, at kahit ako hindi ko pa nakikita. :)

      Delete
  2. Amen! somehow nakakabastos din yung pari, dahil sa sinabi nya. Maski naman kasi ano religion iisa lang naman ang Diyos. Hilaw o hinog?? man ang pagiging ninang/ninong ang mahalaga nandyan sila sa Pasko. lol joke! seriously though, kung ako ang magulang ang mahalaga nandyan sila para sa anak ko para tumayo bilang mga pangalawang magulang maski na ano pang religion nyan. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natawa naman ako sa "pasko". Pero sa totoo lang, masarap magkaroon ng ninang/ninong, kahit ano pa man ang relihiyon o estado nila sa buhay. Yung "ninang/ninong" na kahit "hilaw" e parang second mommy/daddy mo talaga! ^^

      Delete
  3. hindi ko matanggap na kaya magsalita ng pare ng ganun :)ewan ko ba.

    Bago po dito.
    Salamat po pala sa pagbisita sa aking tahanan at pagiiwan ng bakas.

    Magandang araw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr. Jay, oo, ako din naman. Pero hindi ko talaga sya kilala. HAHAH!

      Walang anuman, at salamat din!

      Delete
  4. Naku, hindi pinapatulan yung ganun. Nginingitian lang. Mababaw kasi na tirada :)

    ReplyDelete
  5. hindi nga maganda ang sinabi ng pari...

    di ko akalain na masasabi ng isang pari yan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako man po. Pero sadyang may ganyang tao lang po siguro sa mundo. ^^ Sa isang banda, nakakalimutan ang estado nila. :)

      Delete
  6. Kung ilalagay po natin sa konteksto ang lahat ng sinabi ni Father at yung kahulugan ng sakramento ng binyag sa Simbahang Katoliko, eto po yun.

    Binyag/Bautismo - Unang sakramento na tinatanggap ng isang kristyano katoliko.

    Hilaw - meaning hindi hinog. pag hindi hinog, ibig sabihin hindi pa po kumpleto.

    Ninang/Ninong - Ang ninong/ninang kasama ng magulang ang gabay, testigo at taga-tanggap ng sakramento ng batang bibinyagan. hindi pa makakasagot ang bata sa kanyang sarili kaya sila nandito.

    Ang binyag po sa katoliko ay madalas i-criticize ng ibang sekta dahil po sinasabi na dapat daw hindi binyagan ang bata dahil hindi pa nakakaunawa at di pa kayang tumanggap ng sariling pananampalataya. Pero marami pong mga verses sa bible kung saan binanggit na ang buong mga kabahayan kasama ang mga bata ay nabinyagan ng mga apostol. Di ko na po ibibigay dito ang mga ito dahil hindi naman po ito ang point ng usapan. Pero yun po ang dahilan kung bakit po may Ninong/Ninang. Sila po yung tumatanggap ng sakramento "IN BEHALF" ng baby. Dahil ang baby nga po, tulad ng nabanggit sa taas, hindi pa nakakasagot para sa sarili.

    Kung paano pong tatanggapin ng Ninong at Ninang na sila mismo binyagang katoliko ang sakramento para kay baby, yun po ang pakahulugan ng pagiging "HILAW" sa aking palagay.

    Kaya rin po may confirmation o kumpil ang batang katoliko ay ito po ay para i-confirm (from the word itself) na tinatanggap na nila ng buong buo bilang sila ang pananampalatayang tinanggap ng kanilang ninong, ninang at magulang nung siya ay bininyagan.

    Tingin ko naman walang pakahulugang masama si Father at ang pakahulugan niya ay para sa faith lang hindi sa pagiging mabuting ninong/ninang para sa bata.

    Yun po. It's my first time here. No offense meant, nagpapaliwanag lang po sa aking pagkakaunawa sa pananampalatayang aking tinanggap. :)

    Salamat din sa pagbisita sa aking blog by the way. :)

    - Rogie

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oooh. Dami ko nalaman. :) Maraming salamat sa impormasyon ser! ^^ At, walang anuman. :D

      Delete
    2. And of course, no offense taken. :)

      Delete
    3. you're welcome pao. :)

      dagdag ko pa pala, kasi yung hilaw na term common naman talaga. tulad sa magsing irog, ang tawag sa mga magulang ng fiance nila kadalasan ay "biyenang hilaw" and hindi naman yun derogatory. :)

      Delete
    4. Nasa hilaw tayong position to give our full opinion sa pangyayaring nabanggit. Wala tayo sa actual na pinangyarihan and hindi tayo mismo ang nakarinig o naka experience neto. I will give the benefit of the doubt sa Priest. I was not there and I can't just base my opinion sa isang side lang. But I can't tell also na mali ang naging reaksyon nong babae na umattend ng binyagan. Sya ang naka experience and maybe she had all the reasons to react and feel offended.

      Provided, the priest is just pertaining to Faith when he said Hilaw... Ito naman yata ang hayagang pagkundena sa pananampalataya ng iba. Faith is something personal, the very essence of your relationship sa Lord. And no one, nobody can tell or condemned anyone's faith. It is just between you and God. Your ownn personal dealing sa Panginoon. So to judge other's faith as Hilaw na pananampalataya, I'm sorry but i have to disagree.

      Delete
    5. Ako din. I beg to disagree.

      kapitbahay namin yung nagsabi. Parang gusto nya daw umalis. Kung di nya lang kaibigan yung pinuntahan nya don e baka nag walk out na sya.

      Faith naman is our personal relationship with God. Walang ibang nakakaalam kung gano kalalim ang faith mo kund ang sarili mo. Anyways, mag rereflect naman yon sa iba kung talagang malalim nga ang faith mo.

      Delete
  7. wahhh! grabeh naman si Father. sure ka ganun yung nasabi? meron din naman discipline para sa pare. at yung ngang 12 disciples ni jesus may hudas tayo pa kaya :-) mapanghusga talaga tao anoh? mere human

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Oo nga, pero sabi ni Mr. Ignored_Genius... (ayun, nag comment sya). I got his point.

      Pero oo, nasa ugali na talaga ng tao ang manghusga. Nakakalungkot.

      Salamat sa pagdalaw! :)

      Delete
  8. Ray-Ban
    one day sale
    List:€125.00
    Price:€19.99
    Ray-Ban

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...