Friday, November 23, 2012

Yung mga Nagmamaasim ang Syang Unang Namamatay sa Pelikula




EKSENA:


Ang mga zombies ay nanghahabol sa mga bida. *Takbo takbo takbo* (tumatakbo ang mga bida). Yung mga zombies lumalakad lang pero sa bandang huli maabutan nila yung mga tumatakbong bida.

Pag malapit na ang mga zombies sakanila, takbo ulit ang mga bida. Pero sa isang grupo ng mga bida, hindi mawawala ang mga lampang karakter. *Maarteng karakter.

Madadapa, matatalisod, madudulas, o kung ano pa mang mga pwedeng mangyare basta madelay lang ang pagtakbo ng isa sa kanila. Minsan sasabit ang damit, o kahit matatanggal lang ang sintas. Matitigilan din ang mga natira pang tumakbo kapag mga 10 metro na ang layo nila sa nadapang kasama.

ACTION! "Takbo! Bilisan mo!" Sigaw ng mga natirang bida habang naglalakad naman ang zombies na may 15 metro pang distansya sa nadapang kasama. Todo sigaw naman ang lampa ng "iwan nyo na ko!" habang nangingilid ang luha at may pawis pa (10 metro nalang ang pagitan ng zombies sakanya).  May isang magpapakabayani kapag ang zombies ay malapit na (mga 5 meters nalang sa mabibiktima). Tatakbo si "hero" papunta sa nadapang kasama. Pilit aakayin.

ANG DRAMA:
Lampa: "Iwan nyo na ko!" (ang sigaw habang papalapit na ang tagapagligtas nya)

"hero": "Bilisan natin, kaya mo ba tumayo? Tara aakayin kita." 

Lampa: *ugh! *ugh! (Hirap tumayo) "Tara!"

Zombies: *groans* (hahawakan ang lampang bida.)

Lampa: *Aaah! 

"hero": Laban laban ng konti, sabay atras ng mga 5 meters na ang stunt ay tipong babalikan pa ang biktima.

Lampa: "Iwan nyo na ko! Iligtas nyo na ang mga sarili nyo! AAAHHH!"

Mga natirang kasama: Lalapit sa "hero". Sabay tatapikin sa balikat. Sabay sabing: "tara na!"

Tatakbo ang mga natirang bida at iiwan na ang lampang kasama!

Lampa: Aaaah! Deads. >Full of regrets<


*END*


MORAL LESSON:
Kung nagpaakay ka sana, baka matulungan ka pa. Baka buhay ka pa. Kahit sa paraang pagkakaladkad sayo, e halos mapudpod na pride at dangal mo, at least, buhay ka. May mga bagay kasi sa mundong ito na masmahalaga pa sa pride o dangal mo. Kapag may tutulong sayo, wag ka na magmaasim pa. Lunukin mo ang pride mo, na parang paglunok ni darna sa kanyang bato. Dahil sa bandang huli ikaw din naman ang magsisisi. Ikaw din ang olats!

COMMON ILLUSTRATION:

*Exam: May kumalat na leakage pero hindi nakarating sayo. Hindi ka nabigyan ng bespren at mga sanggang-dikit na kaklase mo. So papakopyahin ka ng katabi mo. Nagmamalasakit. Pero dahil nagmamaasim ka at tampu-tapuhan ang peg mo, mataas pa sa sikat ng araw ang pride mo kaya tinanggihan mo ito. Hindi ka lumingon sa papel nya. Maarti ka na may matching pag-irap pa. Ang result, bagsak ka. Kahilera ng grades mo ang mga kaklase mong hindi na kakuha ng exam. At the end of the day, wala kang kasama sa canteen na kumain at kasabay umuwi. Dahil gusto mong ipakitang galit ka sa ginawa nila. Pero pag-uwi mo sa bahay bago matulog, iisipin mo kung paano ka bukas pag pasok mo. Wala kang kabonding. Sana hindi ka nalang nag-maasim.

*Lakaran/gala/hangout  Hindi ka nasabihan ng barkada mo nung unang gala nila (Kasi biglaan, at sa totoo lang, kalimitang mangyari yan). So tampu-tampuhan ka ulit. Nung pangalawang lakad, sinabihan ka. Pero dahil nag mamaasim ka, tinanggihan mo. Ang pagmamaasim mo na may halong "pilitin nyo ko" sa likod ng mukha mo, hindi umepek. Tipong ginawa mo na din yung "pilitin nyo pa ko" expression. Pero wala talaga. Pero dahil may pride ka, paninindigan mo ang eksena mo. Hindi ka sasama. 24 hrs later. Makikita mo ang facebook ng mga friends mo na puno ng picture nila, tag tag pa ha. ANG SAYA SAYA NILA! Sa isip mo, e ano ngayon kung nagsaya sila na may halong panlalait pa. Pero deep inside, merong "sana sumama nalang ako". At the end of the day, ikaw na naman ang talo. Wala e, nag maasim ka.


Alam nyo, ang pagmamaasim e gawain lang ng mga taong immature! HAHAH! Although minsan, umeepek din naman yan; (1)dun nga lang sa mga taong nagmamahal talaga sayo, at (2)sa taong guilty sa nagawa nilang kasalanan sayo. Otherwise, 'pake nila sayo? Malas mo lang pag walang taong nakapaligid sayo na under sa 2 categories.

Kaya ngayon, masmabuting wag na mag maasim pa. Pakamature ng konti pa mga ate, kuya. Nang hindi ka mapagsakluban ng langit at lupa. Lugi e. HAHAH!

Tandaan: Mas giginhawa ang buhay, kung ang pag-mamaasim ay babawasan. Hindi ka sinigang at lalong hindi ka paksiw! Expired na hotdog lang!

14 comments:

  1. gusto ko ang mga banat mo... saka style ng pagkakasulat sa entry na ito..

    keep on posting ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po. :) Ganun din po sainyo! ^^

      Delete
  2. Di ako makarelate sa pangongopya! Besides, mas gusto ko pa bumagsak sa exam kesa pumasa dahil sa pangongopya! Masama yon eh!

    Sa pag mamaasim na yan, maging sensitive din, di ka nga nag maasim, eh ayaw ka naman pala talaga isama, ipinilit mo sarili mo, in the end, di ka rin nag enjoy dahil walang gustong kumausap sayo! Hindi ka nga maasim! Mapait lang hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naguilty naman ako. Hmmp.

      hahaha natawa ko don ah. Sabagay. pero. hmm. sana sabihin nalang nila na ayaw ka nilang kasama. :( Thakit yon!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...