Wednesday, February 13, 2013

Walang Lihim


     "Pwede niyo po ba akong kwentuhan bago matulog?"

     "Ano ba’ng gusto mong kwento?"

     "Gusto ko po ay istorya niyo"

     "Sige, iku-kwento ko ang aming istorya ng matalik kong kaibigan"

    "Sige po."

    "Si Mikko ang aking matalik na kaibigan. Matagal na kaming magkakilala. Mula pa noong kami'y musmos pa lamang lagi na kami magkasama; sa pagkain ng paborito naming sorbetes, sa paglalaro maghapon at maging sa pagligo araw-araw.  Sabay kaming natutong magsulat at magbasa. Sabay kaming natutong bumilang at sabay natutunan ang iba pang mga bagay-bagay na itinuturo sa elementarya. 

     Si Mikko at ako ay hindi naging magkamag-aral pagtungtong ng sekondarya ngunit madalas pa rin ang aming pag-istambay pagkatapos ng klase. Tumatambay kami sa ilalim puno ng mangga hanggang abutin ng madaling araw na gamit lamang ang munting liwanag na nagmumula sa lamparang nakasabit sa sanga. Hindi namin alintana kung anuman ang iniisip ng iba. Matapos ang apat na taon, sabay din kaming nagtapos ng sekondarya. Magkasama sa kalokohan, tawanan at saksi kami sa bawat pag-ibig na nadaanan ng bawat isa. Ang unang pag-ibig, unang halik at unang pakikipagtalik, unang pagkabigo sa pagmamahal, problema sa pamilya ay hindi lingid sa kaalaman naming dalawa. Walang inililihim kumbaga, maging libag sa bawat singit at kuyukot ay alam naming dalawa nung kami'y mga bata pa. 

   Walang lihim. Iyan ang pangako naming dalawa. Mga salitang iniukit namin sa puno ng mangga. Habambuhay na pagkakaibigan ang sumpaan namin sa isa't isa. 

     Si Mikko at ako ay sabay na tinahak ang mundo ng kolehiyo. Ako bilang isang nars at siya naman bilang isang inhinyero. Bagamat magkaiba ang aming talakdaan ng pagpasok sa unibersidad ay pinipilit pa rin naming magkita kapag may bakante kaming oras o araw. Kalimitan, isang araw lamang sa loob ng isang buwan kami kung magkita, pero ang araw na iyon ang siyang nagiging pinakamasaya sa lahat. Bawat araw ng pagkikita ay pagbuo ng mga bagong pangarap. Pangarap para sa sarili at pangarap para sa bawat isa.

     Nauna ako kay Mikko na makapagtapos ng kolehiyo. Bago siya makapagtapos ay may trabaho na ako. Mas naging mailap ang aming pagkikita. Isa hanggang dalawang beses sa loob ng kalahating taon.  Gayun pa man, kagaya ng dati, ang aming araw ng pagkikita ay ang siyang nagiging pinakamasaya sa lahat.  May kaunting pagbabago pero batid pa rin niya kung ano ang gusto at kung ano ang ayaw ko. Hindi niya ginagawa ang kanyang mga bisyo lalo na ang paninigarilyo sa harap ko dahil alam niyang may hika ako. Lagi rin siyang may baong medisina para sa akin. Iniisip niya lagi ang karamdaman ko. Matalik na kaibigan ko talaga si Mikko. 

     Lumipas ang ilang taon ay nagkaroon ako ng kasinatahan at sa huli’y nagpasyang magpakasal sa susunod na taon. Si Mikko at ang aking mapapangasawa ang kasama ko sa pag-aasikaso nito. Kasama si Mikko sa pagtakda ng araw at oras kung kailan ang kasal. Kasama siya sa pagpaplano kung saang simbahan at katulong din namin siya sa paggawa ng listahan ng mga panauhing imbitado. Kasama siya sa pagpapasya kung saan gaganapin ang salu-salo at kung ano ang ihahandang pagkain sa araw ng aking pakikipag-isang dibdib. Ganyan kabuti at talagang maasahan ang matalik kong kaibigan.

     Isang taon ang lumipas, dumating na ang araw ng kasal ko. Malapit na magsimula ang seremonya. Handa na ako at ang magiging asawa ko. Ilang minuto na lamang subalit wala pa rin si Mikko. Para na akong alupihang hindi mapakali sa paghihintay sa kanya. Naghihintay na ang lahat ng tao pero hindi ko itutuloy ang kasal na ito kung wala ang matalik na kaibigan ko. Wala akong pakialam sa kahihiyang matatamasa ko kahit mailathala man ito sa peryodiko. Hinanap ko siya sa loob ng buong simbahan, ginala kong parang ahas ang aking paningin at nagtanong-tanong kung siya ay nasaan. May isang batang lumapit at nagsabing bago raw siya dumating ng simbahan, nakita raw niya sa ilalim ng punong mangga ang aking matalik na kaibigan. 

     Mangiyak-iyak ako sa aking napakinggan. Naglalakad akong patungo sa manggahan habang napapaluha sa sobrang tuwa dahil akala ko ay bibiguin ako ng aking matalik na kaibigan.  Sa ilalim ng puno ng mangga, kung saan nakakabit pa rin ang lumang lampara, nakita ko si Mikko. Nakaupo sa damuhan. Nakangiti sa akin habang ako'y papalapit sa kanya. Pinaupo niya ako sa kanyang tabihan. 

     Si Mikko ang aking matalik na kaibigan. Masayahin pa rin siya. Walang humpay na tawanan at walang hanggang kwentuhan ang aming napagsaluhan sa ilalim ng puno ng mangga. Walang pakialam sa tumatakbong oras. Ito ang unang beses na nagkita kami ngayong taon, at gaya ng dati, ang araw na ito ang siyang pinakamasayang araw sa lahat, isang kasiyahan na hindi mailalarawan kahit kuhanan pa ito gamit ang kamera. Malapit na ang ika-lima ng hapon at ito ang takdang oras kung kailan nakatakda ang seremonya. Parehong oras ng aming pagkikita rito sa ilalim ng puno ng mangga noong kami'y mga bata pa. Biglang nanariwa ang aming masayang nakaraan at nagbalik-tanaw sa makukulay na napagdaanan. Tahimik ang paligid. Pinapikit niya ako. Hinawakan ang kamay at hinalikan sa pisngi at nagbanggit ng mga katagang "Malungkot, pero masaya ako para sa'yo!". Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Napamulat ako at nakita kong siya'y naglalakad papalayo sa simbahan. Hindi ko siya magawang tawagin. Napansin ko lamang ang isang papel na kanyang iniwan sa puno ng mangga. Tinaga niya ng malalim ang dati naming inukit  na salita at doon isiniksik ang papel.

Para sa matalik kong kaibigan, 
         Bata pa lamang tayo ay nahulog na ang loob ko saiyo. Hindi ko saiyo sinabi dahil isang matalik na kaibigan lamang ang tingin mo sa akin. Ayaw ko itong sirain. Umaasa akong mawawala din ang pagtingin ko saiyo kasabay ng paglipas ng panahon. Subalit nagkamali ako. Sa paglipas ng mga araw na hindi tayo nagkikita, mas higit ang pananabik ng puso ko saiyo. Sinibukan kong magtapat saiyo pero kapagkaharap na kita, nawawala ang aking pagkabarako. Naduduwag ako. Sinubukan ko rin ang iba't ibang bisyo at nagbaka-sakaling makalimutan kita subalit bigo pa rin ako. Bawat araw na nagkikita tayo sa ilalim ng puno ng manggang ito, ibang bisyo pa rin ang nagagawa ko, at iyon ang bisyo ng pag-ibig sa'yo. Ang bawat araw kung kailan tayo nagkita ay ang siyang pinakamasaya sa lahat.
           Patawarin mo ako dahil naglihim ako sa'yo. Sinira ko ang pangako nating inukit sa punong ito. Ngayong ikakasal ka na, ayaw kong maging parang puta na nagmamalinis at nagtatago ng kasalanan kapag kaharap ka. Ayaw kong madagdagan ang kasalanan ng paglilihim sa'yo.
           Ngayong araw ang una at huli nating pagkikita sa taong ito. Masasabi kong ang araw na ito ang siyang pinakamapait, subalit kagaya ng dati, ito pa rin ang pinakamasayang araw sa lahat. Salamat!
             Masaya ako para sa'yo.
  
Nagmamahal mong matalik na kaibigan,
Mikko


'Yan ang istorya ko at ng taong nagbigay sa atin ng magandang buhay. Ang dahilan kung bakit kita isinilang. ‘Yan ang istorya ko at ng iyong ama, si Mikko, ang pinakamatalik kong kaibigan, ang lalaki na siyang una kong minahal, at habang buhay na mamahalin."



Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy

88 comments:

  1. Wow ang ganda... Maganda ang pagkakahabi ng mga salita... Hahahaha.. alam mo na...

    Gudlak sa atin!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Whahahah!!! Kung lugar itong post ko paano? "Gusto ko makapunta jan" hahah!

      Good luck satin! :) Maraming maraming salamat Senyor <-alam mo yan! :D

      Delete
    2. No Joke... maganda ang lapat ng istorya... bwahahaha... na-sad ako at may mga skip readers... hehehe

      Delete
  2. yun oh!!!! salamat sa paglahok :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang ano man. Isang karangalan ang mapasali sa BnP. ;)

      Delete
  3. magaang basahin . Kinilig ako sa istorya .hahaha

    angkop na angkop para sa buwan ng mga puso.

    Goodluck sa BNP :)

    Panahon na nga ng pag-ibig.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magaan lang talaga. Hahah! Kikiligin bagotilyo, harot mo kasi! :P

      Happy hearts' day!

      Good luck satin in both love and entry. LOL

      Delete
  4. kilig much me... ang ganda tipong pang movie ang peg..
    pasok sa puso ng mga hopeless romantic na gaya ko..
    good luck po sa entry mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Akala ko ikaw yung kakilala ko. :) Pero nung nabasa ko yung hopeless romantic e mukang hindi pala. Anyway, wag ka mawalan ng pag asa. True love waits. :)

      Salamat!

      Ano ang blog mo?

      Delete
  5. Tama ang kutob ko nang binabasa ko ang unang bahagi pero ako'y nagkamali sa pagtatapos ng kuwento. Eto ang ikatlong lahok na aking nabasa at wala akong masabi sa inyong tatlo, magaling ang paglalahad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamt sir Jonathan! Marami pa kayong lahok na mababasang masmaganda. :)

      Delete
  6. ayy hala di kaya ito ay base sa kinukwento ni senyor???
    hahaha ganda ng story best friend na nagkainlaban
    akala ko nung una parehas lalaki haha
    anyways saklap para kay mikko neto!
    so ang ending ee sila din pala eeh nu?
    ganun ung pagkakaintindi ko ahh
    malamang hinabol nya si mikko nu?

    by the way hand writing mo yan pao senpai?
    inggit much naman ako sa ganda

    ReplyDelete
    Replies
    1. nope it's not based on anyone's story. :)

      Yep! Iniwasan kong gumamit ng "nobya/nobyo" at mga salitang mag li-lead sa kung ano ang kasarian ng narrator. :)

      Yes, penmanship ko yan. Nanginginig pa dahil nakailang ulit na ako. haha! salamat!

      Delete
  7. Simple pero rock!

    Di binanggit sa unang mga talata na ang mommy pala ng bata ang nagku kwento kaya I was a bit tricked. I thought si Mikko ay bading at ang nagku kwento ay isang lalaki.

    But in the end part, it explained the whole thing. Good luck sa entry mo Pao!

    Regarding sa paggamit ng mga required words naisingit mo ng maayos ang lahat ng mga words na kailangan sa kwento. Thumbs up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat daddy Jay! :D

      M2M story kasi yan. lol Iniwasan ko ang mag lagay ng words na mag llead sa gender ng narrator. Ayun lang yun. At dahil male ang author, yun yung papasok sa isip nyong narrator. ;)

      Thanks dad! Good luck po sa entry natin! :D

      Delete
  8. bungad palang ng araw ng mga puso 12:03 am nalungkot ako bigla dahil dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko alam kung bat ka nalungkot. hahaha! :)

      Delete
  9. Happy Hearts day... Humabol sa last day of submission!

    Happy ang ending at sila ang nagkatuluyan... Kala ko sad story na kasi iba ang pakakasalan... buti na lang pasok sa masayang ending!

    Mahirap i-incorporate ang mga salitang required gamitin sa ganitong tema ng kwento, pero nagawa mo ng hindi pilit!

    Magaling! Magaling!

    At naipasok pa rin ang letter at ang magandang penmanship! hahaha! Ikaw na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo naman. Sainyo ako nag hihintay ng sad ending e. hahaha! Sad story, asan na?

      Salamat super M! :D Pilit ang letter! hahahaha!

      Delete
  10. akala ko lalaki yung nagkkwento hehehe.. kapangalan ng crush ko na taga-CDO :)
    natunaw ang puso ko sa last paragraph.. happy valentine and goodluck sa entry mo Pao :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah! Oo naalala ko nga e! :D

      Salamat ate Arline!:)

      Delete
  11. naks galing naman.... mahusay ang pagkakabuo..... galing din ng ending ^^

    Good luck sa entry mo....

    Happy Heart Day!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas magaling ka mag gawa ng story kuya Jon! :D Salamat!

      Delete
  12. happy balentayns! humabol ^_^ hindi ganon kahaba pero anhusay ng pagkakagawa.. nice wan tol..

    ReplyDelete
  13. Sad story, but beautifully written. God luck sa talented blogers like you!

    ReplyDelete
  14. Nakakalungkot nga ang mga ganitong story. I just thought of a happy ending for both pero hindi. Anyway, mas maigi pa rin iyon kaysa sa naiisip ko habang binabasa pa lang ang ending na inakalang 'dedo' na si Mikko. Anyway, ganyan talaga buhay, may mga twists. Good luck to your entry! God bless!

    ReplyDelete
  15. Ang ganda ng ending... hindi din pla nauwi sa luha lang ang storya ni mikko... sorry na nga lang doon sa supposedly mapapangasawa nung girl... hehehehe
    Good luck sa iyong lahat na sumali...nais ko pa sanang sumali kaso ala talagang pumapasok sa kokoti ko ngayon at tagalog pa... hayss...sabaw moment ika nga ni Senyor...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama, wala din akong balita sa muntik mapangasawa nung girl e. :D

      Sayang sana sumali ka! :D galing mo pa naman gumawa ng story!

      Delete
  16. Mali ako ng akala, may kwento kasing nabubuo sa isip ko habang binabasa ko, pero ang ending, dun ako nagkamali. Happy and hindi nagtapos sa paghihiwalay ng magkaibigan, bagkus ay alam mo na. :) Astig!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa ka din sa mga biktima! Good luck sa entry natin Tonio! :D Ang galing nung entry mo! grabe lang si tata Jose! :) Alaykdastori!

      Delete
  17. ang ganda ganda ng story mo Pao. Promise cross my heart kinilabutan at teary eyed ako sa letter ni Mikko..kinda relate kasi ako..chos! Anyways, ang ganda talaga ng story :) At ang ganda din ng sulat mo ha!

    good luck sa entry Pao, again super nice one! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pero wala paring tatalo sa madugong pakikipagpatayan ni joanne sa istorya mo ;) Good luck sa Entry natin kuya Zai! :) Salamat!

      Delete
  18. Sana lahat ng love story gan'to no, happy ending, bestfriends turned lovers, parang yun napanood ko na love story ng 2 broadcasters ng GMA, ganda! Good luck dito sa entry mo Pao. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you Talinggaw! :)) Hindi ko alam ung lovestory nung sa GMA ee. ^_^

      Delete
    2. Raffy Tima & Mariz Umali, bestfriends turned lovers...kakapanood ko lang kase tas nabasa ko 'tong post mo. hehe....

      Delete
  19. woah! nice twist sa ending, pentium 1 ang utak ko, ang hina mag process..hahaha

    inggit lang sa penmanship, akala ko computer lang..hehe

    good luck sa pacontest ni Bino! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha thank you! Nakailang try ako sa sulat na yan kaya pumangit na! haha! Salamat Zion! :D

      Delete
  20. Ang galing. :) God bless sa contest!

    Tamang Valentine's post. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you Zezil! :) Sana palarin! Pero okay lang kung hindi, masaya naman ako sa naisulat ko e haha!

      Delete
  21. ay! frens became lovers pala yung story. buti naman sila yung nagkatuluyan ;-)

    ReplyDelete
  22. ok u got me!

    ang galing mo palang gumawa ng twist pangkalawakan talaga ang hirap abutin :) Nice one Pao! Good luck!

    ReplyDelete
  23. Ay ang saya ko lang at sila pa din pala sa huli.. Belated Happy Valentine's.. Mukhang inspired ka ah! Haha. Good luck sa entry mo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman, sadyang napressure lang sa deadline! ;) Thanks ate joanne! :)

      Delete
  24. Bromance ang theme and i like it! Ung writer mukng may experience sa ganun, meron b pao kun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayy dapat kasi binasa mo hanggang ending! Hindi yung skip read ng skip read! hahaha!

      Delete
  25. Waah, so sorry for this very late response Pao-kun.

    @topic, whew grabe na impress mo ako sa writing skills mo ha. Ang galing kaka inlove ung story ng dalawang pusong nag-iibigan. Pero di man lang namin nalaman ung name ng girl hehe.

    Goodluck sa entry mo aking kapatid na Kuneho :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahhh yung name ng girl? Hindi ko din alam e. hahaha! Salamat pusa! :3

      Delete
  26. ang ganda ng story.... sa una ganyan naman di ba? tunay na kaibigan mula sa simula hanggang huli.. nakakalungkot lang yung bandang huli.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat kasi binasa mo hanggang huli para di ka nalungkot! :)

      Delete
  27. binasa ko, inulit ko ulit hahaha.
    malungkot kasi sayang, torpe-torpe eh.. ganyan.. hahahha....

    bromance much...

    ReplyDelete
    Replies
    1. o ayan ulit, binasa mo ulit, skip read ulit! ulit ulet? hahahaha!!!! ewan ko sayo AXL! hahaha!

      Delete
  28. basa ulit hahaha...

    ooh i seee
    so iniwan niya yung dapat niyang pakakasalan tama ba?

    tsssk.. hapi ending naman pala eh...

    mali ang interpret ko hahahaha...


    ReplyDelete
  29. Just desire to say your article is as astonishing. The clearness in your post is just great and i can
    assume you are an expert on this subject. Well with your permission let me
    to grab your RSS feed to keep updated with forthcoming post.
    Thanks a million and please continue the rewarding work.

    Here is my website :: epapieros
    Also see my web site: liquid

    ReplyDelete
  30. nice story...totoo ba to?...ala lang...pwedeng basa basahin paulit ulit....another nice work....:) ganda ng ending...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Syempre hindi ^_^ Salamat ate Grah! See you again!

      Delete
  31. Yiii nagkatuluyan sila, ganda-ganda ng istorya, mahusay ka Pao ha anlinis ng pagkakagawa. Nagsisi ako bakit di ko agad ito nabasa dati, sensya kana late bloghopping. hugs at good luck sa entry mo!

    ReplyDelete
  32. Pang-WATTPAD na .

    ReplyDelete
  33. nakarelate ako, i begin to love reading your blog. Thanks for inspiring ! Keep it up. :)

    --spider08

    ReplyDelete
    Replies
    1. More than halfway through the story, I was still confused and had no idea kung san ito hahantong. When I finished reading it, I smiled.

      Epektib! :)

      Delete
  34. Nice one...Was confused a liitle bit...then...wala akong masabe...ANG GANDA..haha

    ReplyDelete
  35. Si mikko ba ung bida... parang kilala q xa e >.< well done pre :)

    ReplyDelete
  36. Akalain mong talented si Pao kun! Ang galing lang! Clap clap! Parang bromance sa simula, binigyan lng ng ibang twist yung ending! Haha..

    ReplyDelete
  37. Ikaw pala to Pau, Nice one. Nagulat ako :)

    -Carlo Loyola

    ReplyDelete
  38. your requirements however the atavist.com/ issue is to earn a wise option because some Here of them are useful while others are Tutu Helper Download - for PC, APK, iPad Install promotional and also packed Tutu Helper App with ads that a person method or the Tutu Helper VIP App various other, grab your money to work with smoothly.

    ReplyDelete
  39. Products are WQA zohosites.eu/ Certified Having this Official Website seal of authorization gives What Does Fleck Water Softeners Do? you self-confidence that exactly what Fleck Water Softener Reviews you have is absolutely offering the Fleck Water Softener very best high quality of soft water.

    ReplyDelete
  40. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com




















    Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...