Thursday, December 13, 2012

Quintessence

Umpisa palang, hindi na ako fan ng mga taong nagmamartir-martiran lang.

MARTIR. In english: Martyr. (Was this helpful?) HAHAH!

According to Merriam-Webster:

(1) a person who voluntaruly suffers death as the penalty of witnessing to and refusing to renounce a religion
(2) a person who sacrifices something of great value and especially life it self for the sake of people.\

Napaka noble ano?

Pero may mga taong namemeke lang ng kagitingan ng salitang ito.

Dun tayo sa pangalawang definition.

Yung ibang tao jan, nagpapakamartir para lang mapansin ng ibang tao (kalimitan e pag nagpapaimpress) ouch!;) Pero ang totoo naman e may ibang hangarin. So sige, kalimitan kay kras, may mga taong nagpapakamartir mapansin lang ni kras! o kapag nanliligaw. Pero pag sila na, wala na. Katapusan na rin ng false martyrdom. 

Ang pinakaayaw ko naman, na kadalasang nararanasan KO (at siguradong naranasan nyo na din) ay ang makasalamuha ng taong martir, ehem! Pekeng martir. Tipong magpapakamartir sila, pag tinitingnan mo sila halos mahulog ang loob mo sa kanila, na tila nasa tuktok ka ng Mount Everest at sila e nasakaibuturan ng Marianas Trench. Gusto mo silang tulungan pero syempre tatanggi sila, nagmamaasim pa (Tandaan: Yung mga nagmamaasim ang unang namamatay sa pelikula), iiling na parang kyut na kyut na tuta. Ikaw naman, abot langit ang konsensya. Kaso yun pala ginagawa lang nila yun at sinasadya para makonsensya ka, tapos sa bandang huli e isusumbat sayo! Ano 'to, lokohan? Ginusto mo yan in the first place. Walang sumbatan!

Naalala ko ang sinabi ng aking propesor sa pilosopiya nung nasa kolehiyo pa ako: "What more do you want, when you've done a man a service".  Wala lang, naalala ko lang (masingitan lang ng english). Feeling ko kasi may relevance sya jan.

Ang bottom line: Ang tunay na kawang gawa at totoong pagmamalasakit, walang hinihinging kapalit. 

:)

34 comments:

  1. Umpisa palang, nanosebleed na ako. Haha. Hindi ko alam ang Quintessence kaya nangulit nanaman ako kay pareng google.

    At oo, mababagal ang mga zombies pero nahahabol parin ang mga lampang bida. Ganun ang life eh, minsan kelangan mong madapa. Ang bottom line: Wala lungs. Magdala ng baril para mapatay sila.

    Eniwey, tnxtnx sa pagbigay ng SMP award pre! XD

    “You can give without loving, but you cannot love without giving.”
    ― Amy Wilson-Carmichael

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ewan ko ba kung bat yan ang title ko. HAHAH! Tama :) Loving is giving without expecting anything in return.

      Delete
  2. agree much
    well sana lang alam yan ng mga politiko no?
    anyways tatry ko isingit ung tinag mo sakin mejo busy pa ee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama tama! :) Masigla sila pag malapit na ang eleksyon!

      Delete
  3. halalalalalalalaala dobidobidodooooooooo.... ahhhhhhh... joke ahahaha natawa ako sa topic na ito dahil naranasan ko naya.

    ReplyDelete
  4. parekoy naisingit ko na sa post ko haha dapat kanina pa peo naun lang nging free

    ReplyDelete
  5. ano daw?? kaloka.. Quintessence ???

    hahaha.. pero tama ka.. kapag nagbigay wag maghintay ng kapalit..

    kungwari tumulong, uso yan ngayon mga pulitiko namimigay ng pamasko tapos ang laki ng nakasulat sa bag.. FROM MAYOR KEME or GOV CHURVA.. ayos..


    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Magagaling sila pag anjan na ang eleksyon. At kung gusto talaga nila tumulong, dapat yung hindi na nila kailangang ipangalandakang sila ang tumutulong. Kahit wala namang names nila e marerecognize pa din naman sila ^^ Diba diba! :)

      Delete
  6. napaisip ako sa post mo hehehe

    sabagay may point ka.... ung iba kapag may binigay na tulong naghahangad ng kapalit

    Hirap nga sa mga ganyang tao hehehe

    ReplyDelete
  7. magpakatotoo at baka bumoto pa sa kanila yung tao. hindi yung peke.

    ReplyDelete
  8. Akala ko tungkol sa physics. lol. Quintessence kasi, force. PEro tamang tama ka jan parekoy. Ang tatlong dakilang martir ay nabitay na. Kinilala na at huwag ng dagdagan pa. I-tag natin ito sa mga kakandito ngayong eleksyon. Na ang pagtulong ng tapat ay walang boto na hinihingi. Ayos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Physics nga! :D ewan ko ba kung bakit yan! Basta, fifth essence. kAilangan tumulong ng walang kapalit. HAHAH!

      Delete
  9. Boom.. para kanino yan? pangalanan na yan. lol. Makataksik dugo sa nose ang title ah. Ang alam ko sa Quintessence eyung about sa science ba yun. Nakarelate ako :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Ayaw ko nga baka mabasa nya (although wala naman sya sa bloggers HAHAH!). :)) Fifth essence sya. Naku, talamak kasi ang mga ganyan dito sa mundo. HAHAH! (may pinaghuhugutan)

      Delete
  10. You are right! We should be helping without waiting ng kapalit sa tinulungan. God will bless thoe who help anyway.
    Naka relate din ako sa story mo coz naka met t din ako ng ganong tao, but I just let God be the judge.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes po Ate Joy. tama. pagdasal nalang natin sila :)

      Delete
  11. Ang sarap basahin nito ng naka mic sa taong pekeng martir.

    Martir: madalas iba na pakahulugan ng mga tao dito, nagiging negatib ba.. nagiging masakit sa mata. At iilan lang ang masasabi kong pwedeng gawaran ng pagkilalang tulad nito, lalo na kahit bayani pa yan hindi natin alam ang dahilan kung bakit niya ginawa ang isang gawang kabayanihan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! natawa ko dito ah! Tamaan sana sila at magising sa katotohanan! ...At kunsensya! ^^

      Delete
  12. mukang malalim ang pinaghugutan nito ah hmmmmm....

    ReplyDelete
  13. Replies
    1. The aspect of something regarded as the intrinsic and central constituent of its character.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...