Sunday, December 2, 2012

All I Want for Christmas

Magpapasko nanaman. Uso nanaman ang tagu-taguan. Pahirapan nanaman sa pagtatago para sa sangkatutak na inaanak. HAHAH! Yan yung sabi ng iba na lagpas 'sang dosena ang mga kumuha bilang ninong/ninang sakanila. E ako isa lang naman ang inaanak ko. :)

Maraming salamat kay Sir JonDmur [http://jondmur.blogspot.com/] at kay Miss Maria [http://mariaswanderland.blogspot.com/] sa pag tag sakin neto. :)



This tag post has rules.

1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.

2. List 6 things that you want to receive for Christmas. 

3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs). 

4. Send me the link so I could check it out too.



***
I PRAY for more blessings, good health, happiness, security and safety ng mga taong mahal ko sa buhay. Basta I pray for all intangible things na gusto kong mangyare sa buhay ko, yung mga bagay na tipong iwiwish mo pag nasa Q&A portion ka sa pageant, o nasa harap ng camera at ibino-broadcast sa buong Pilipinas, yung iwiwish mo pag nasa job interview ka o pag-iniinterview ka ni Boy Abunda, at tipong i-wiwish mo pag nagsasagot ka ng exam sa VALUES / EP (Edukasyon sa Pagpapahalaga) / GMRC (Good Manners and Right Conduct) o kung ano mang tawag nyo jan. :)

So hindi ko na sila isasama sa Christmas wishlist ko! :D Ayaw ko naman magpaka wholesome na "NEEDS" ang ilagay ko. All I "WANT" for Christmas naman ang title. Want oh! "Want"! :) Pagbigyan na! ^^
***



So here's my WISH LIST!

Hindi ko pa sana to ippublish kasi baka may mabago pa, pero naisip ko na baka sakaling may mag bigay ng isa sa mga ito, mabuti nang maaga ipaalam para mapaghandaan diba? :)


1. POSTCARDS/CHRISTMAS CARDS


Nakigaya lang ako sa iba. Napaisip kasi ako, ano bang meron sa postcards? Kasi sa buong buhay ko, hindi pa ko nakatanggap kahit isang postcard. Ano bang feeling? HAHAH! Kahit 1x1 size wala. So sige, para maiba naman. Christmas cards din ata hindi pa (hindi ako sure), kasi mas uso ang Christmas letters samin kaya yun nakakatanggap naman ako. Parang ganun din naman siguro yun, hindi nga lang sa card. :) HAHAH! So this Christmas, I wish for a Post/Christmas Card. :)


2. SET OF OIL PASTEL



Ayan, para sa mga hindi po nakakaalam, mahilig po ako magpinta gamit ang mga pastels. At matutuwa po ako kung mag kakaroon po ako ng new set nito ngayong darating na pasko. :) At kung aabusuhin ang request, sana yung SENNELIER ang brand kagaya ng nasa larawan. Bilang isang amateur artist, naghahangad akong makagamit ng isa sa mga sinasabing pinakamainam na brand ng oil pastel (oil pastel at its finest sabi nga! ^^ )  [You can add me up on my FACEBOOK ACCOUNT and visit my "Watashi no Geijutsu" album to see my amateur works. Pero actually gusto ko rin isama sa blog ko ang aking mga likha. 


3. SALAPI




Siguro naman wala na akong dapat ipaliwanag dito. Lahat naman tayo kailangan nito, tanggapin na natin na isa ito sa mga pangunahing kailangan natin para makasurvive sa mundong to, otherwise, hindi na kailangan ang salitang "pagta-trabaho". At kung tatanungin ako ni Willie at Vic Sotto kung san to gagamitin, ang isasagot ko ay "para makatulong po sa mga mahihirap". Therefore, para makatulong sa sarili ko. :)


4. BICYCLE


Ang nasa isip ko talaga e sasakyan. Yung Grandis o kaya naman e Mazda 3. Pero naalala ko na sinabi ko sa sarili ko na gusto ko e ako mismo ang mag iipon para makabili ng sariling sasakyan (para walang sumbatan! HAHAH!). So bike nalang para mas posible. ^^ Tipong chill chill lang! :D


5. PEN TABLET / GRAPHIC TABLET


Yan, gusto ko kasi pasukin ang digital arts. So, bago yun, kailangan ko muna mag karoon nyan. :D Sa pagkakaalam ko e Wacom|Bamboo ang sikat na pentab dito sa Pinas ayon sa aking kaibigang digital artist. Gusto ko itry. Puro trad arts kasi ako. :) I badly wish for this one! 




6. DOG


I just lost this friend of mine 6 months and 11 days ago.  It's not that I want a replacement (I believe a friend is never replaceable, especially who is a family member), I just want to have a new one. Pramis, gagawan ko sya ng espasyo dito sa blog ko bago matapos ang taong 'to. I miss you. :(




And... That's it! Maliban sa Pentab hindi na ko magdadagdag ng mga gadgets. Sa ngayon kasi, too good to be true na makatanggap ako ng ganyan. :D




Sa mga nagbabalak jan. THANK YOU IN ADVANCE! :D


P.S.
About sa tagging ng friends, uhm, tingin ko wala akong maiitag dito, halos lahat na ata ng followers ko e nakagawa na ng ganto, o naitag na. Wala pa kasi akong one month sa blogging kaya wala pang masyadong followers. :) Pero sa mga bloggers out there na makakabasa neto na wala pang ganto, you're free to do so. ^^

63 comments:

  1. Haha tama uso na nga ang tagu-taguan buti na lang konti pa lang yung mga inaanak ko hehe.

    Gusto ko yung #5 wish mo, mahilig din ako magsketch mostly mga dresses na gusto ko.

    aww sorry to hear that. malungkot mawalan ng pet friend lalo na pag naging part na ng daily life, super daming memories. I once lost a cat madalas katabi ko sya pagtulog at lahat ng kaartehan ko, inaabsorb niya. hehe. nakakamis -_-

    Thank you for sharing your wishes, hope matupad lahat! Godbless. ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bilis ah, ililink ko pa lang sana sayo to (accdg to tag rule). :)

      HAHAH! Yan magkakasundo tayo sa sketches. Try ko magpasok ng entry ng ilang obra ko.

      About sa pet. Sobrang nakakamiss. Masyado silang malambing, na minsan mas malambing pa sa tao. ^^

      Salamat Ms. Maria! God bless din! :)

      Delete
    2. Hehe! d naman xadu halatang nag-aabang ako hahaha ^_^

      yep share your masterpieces, we would love to see them!

      agree, buti pa ang mga pet, mas malalambing. aww. -_-

      Delete
    3. HOHOHO! Minsan lang naman! Hindi kasi sila marunong magtampo, although lagi sila nagpapalambing :)

      Delete
  2. Akin na ang iyong postal address tutuparin ko ang No. 1. Ang cute ng aso :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Seryoso to ser? :) Sige ba immessage ko nalamang sa inyo. HAHAH! MARAMING SALAMAT! First time to pag nangyari nga ^^ woot!

      Delete
  3. wow may talent ka pala sa pagpinta... tuloy tuloy mo lang yan...

    Cute naman ng aso... sayang naman.... sana mahakanap ka ng new puppy...

    Goodluck sa mga wishes..... andiyan na si pareng archiviner para tuparin ang unang wish hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po. Hayaan nyo po at bibigyan ko rin ng espasyo ang mga arts ko dito para maipakita sa iba. :))

      Delete
  4. Naglaway ako sa Pen Tablet! Yan din ang gusto ko!

    Ayos ang hiling sa oil pastel ah! Yung pinakamahal talaga! Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahh ako din e! Pag iipunan ko pa! >.< HAHAH!

      HAHAHAH! hihiling na rin nalang naman edi nilubos lubos ko na! Pero binigyan ko lang naman sila ng idea. :)

      Delete
  5. ai gusto ko yang wish #5 mo. katulad mo rin, pangarap ko ding magkaraoon ng malupit na tablet dahil yung totoo, trending kasi. hahaha...XD pero seryoso, mas mainam pa rin yung traditional art kasi mabilis mong matapos yung ginagawa mo kaysa sa digi-art. yun nga lang kailangan pang i-scan at upload pero hindi naman ganung ka hassle.

    o ayan si pareng archie o.. wish come true na ang una mong kahilingan. yihiii...

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! kaya pala! Pag iipunan ko talaga yan! :D Pero kung makakashortcut ako (through wishlist na to) e mas masaya! :D
      Ahh oo, enjoy din naman magtrad art. NakakaEnjoy kasi ang amoy ng mga pangkulay! HAHAH! Adik! ^^


      O yes! HAHAHAH! Ang real life Santa! :) Teka, issend ko muna sakanya ang postal ko, baka malimutan ko pa. HAHAH!

      Delete
  6. napaisip ako sa tagu-taguan..yun pala magtatago sa inaanak..di ko nagets agad hindi kasi ako nagtatago sa mga inaanak ko eh..haha charots!

    nagpipinta ka pala..gumagawa ka ng portrait? baka pwede maka-request hehehe..

    ayan si archie na ang bahala sa number 1 mo..haha! dun naman sa iba eh im sure nabasa to ni santa..sya na bahala jan! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. bakit wala kang add friend option sa fb?

      Delete
    2. HAHAHAH! Yan ang mga gusto kong ninang! :)

      Nako hindi ee. HAHAH amateur pa po, at dahil sa kawalan ng budget e hindi rin constant ang practice ko. :) Don't wory. Pag pro na ko. Ako na mismo mag ooffer^^

      Delete
    3. Okay na po. Pwede na maiadd :)

      Delete
  7. yay, ung aso naming ganyan ninakaw. sana may magbigay ng aso sayo bibigyan kita ng leash. hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayyy! Malambing kase kaya madaling nakawin! Sige. Bigyan mo ko ser, wag kakalimutan ha. HAHAH!

      Salamat po sa pagbisita dito ser! ^^

      Delete
    2. unga malambing sobra kahit kanino gustong sumama. ayun napasama tuloy sinamahan nya.

      oo ba. just pm me pag meron ka na at ipadala ko ung leash ng mahal kung si Toby sayo. :)

      Delete
  8. uyy nakarating na dito to ha heheh anyways sana matupad lalo na yung number 3 haha kasi kung meon na nyan madali na ung iba

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH oo nga, san ba galing yan? :) Pero nakakatuwa kasi mapapaisip ka din talaga. HAHAH!

      Sana nga matupad lahat ng wishes natin! At kapag natupag ang #3 ko, nako, sana sapat para matupad yung the rest! ^^

      Delete
  9. gustong gusto ko din yang number 3 wish mo $$$
    sino ba ang may ayaw nyan... hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! :) Kung pwede mga lang talaga ang instant! :)

      Delete
  10. gusto ko din ng pentab.. yun pala ang tawag dun.. haha.. sana matupad lahat ng wish m.. :) pag may pentab kana pahiram ako ha??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat! ^^ Oo naman! :) Tapos dun mo ako ipagdoodle, kasi hanggang ngayon wala pa ang request ko :) HAHAH! Thanks in advance! ^^

      Delete
  11. ai...sana maka kuha na ng dog...i know how heartbreaking loosing one is...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e. At sana makuha mo rin lahat ng iwwish mo this Christmas! :) Salamat sa pag bisita hugs&kisses_grah :)

      Delete
  12. sana makuha mo lahat ng wish mo. okay lang ba yung email card for xmas? hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Phioxee! Yes naman! :) Kahit ako na mag print. HAHAH! :) Salamat!

      Delete
    2. ;-) sige bigay ka agad ng email address

      Delete
    3. jppaopaul@yahoo.com :) Thanks! I'll send one din sayo. Inggitero. ^^

      Delete
  13. wow frustration ko ang maging painter.. so inaadmire kita being artistic hehe :) sama matupad lahat ng wish mo

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat. Pero amateur pa lang ako ser^^

      Delete
  14. cartoonist ako dati at namimiss ko na din gumamit nyang oil pastel na iyan. at dati yan din ang wish ko na magkaroon ng wacom tablet para sa rektang mga drowing, nakagamit ako ng tablet na yan pero mahirap kapag hindi ka ganun kasanay. pera! gusto ko yan matanggap sa Pasko, lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dati? Ngayon ayaw mo na? ^^ tingin ko kailangan lang ng constant praktis.

      Ahhh ako din, pera sa pasko.^^ Salamat sa pag bisita ser

      Delete
  15. Pao Kun!!! thanks for following my blog. followed u as well :)

    wow nice sets of wish list. pinaka important talaga jan ung good health at safety ng ating mga loved ones.

    sana magkatotoo lahat ng nasa listahan mo parekoy!

    happy christmas!

    ReplyDelete
  16. Yep yep! Thanks din!

    Ganun din sayo! ^^ Sana matupag din wishes mo! :D

    ReplyDelete
  17. Hi there. Visiting your blog for the first time. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi virkky mums! Welcome! And thanks for the visit! :)

      Delete
  18. Madami akong inaanak! Pero hindi ako nagtatago, madali naman pasayahin ang mga bata, kahit ano naman basta naka-giftwrap e masaya na sila! Mahirap lang pag yung tipong above 10yo, medyo nagiging choosy na!

    I agree, para saken ang wishes at prayers ay 2 different things! Wishes para kay Genie, prayers ko kay God! Pero sana may mag-ala Genie at tuparin ang wishes mo! Bibigyan mo ko ng hany di ba? Bigyan kita ng Christmas Letter.. Deal? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Oo nga e. I'll give you Christmas letter din. Lahat kayo dito! ^^

      Delete
  19. Creepy siguro dahil sa blogspot lang kita nakita pero I'll send you a Christmas card, or postcard (na hindi pang Christmas). ;-) Para maraming kang matanggap na regalo for Christmas, kahit na puro card lang, basta dumaan sa post office. :D email mo ko kung gusto mo (monette_893 at hotmail dot com). Parang trip na trip kong magpadala ng cards ngayon, nakabili na kasi ako ng marami, di ko alam sino papadalhan ko haha :D

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Not really. Sige po! :) Then I'll email my post address. :) Thank you so much! babawi ako. Kahit thru email lang. HAHAHAH! Maraming salamat po! ^^

      Delete
  20. Hindi pa ako nakakatanggap ng post card kaya hindi ko rin alam ang pakiramdam.

    Nakakalungkot naman ng pagkawala ng iyong kaibigan, pag usapang aso talaga iba ang pakiramdam---iba kasi sila magmahal, ewan ko basta mahal ko ang mga aso...aso ata ako haha

    Sana matupas yang mga nasa list mo sir! Maligayang Pasko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Inong. Super Late ang reply ko ha. Hahaha!

      Mahal ko rin ang aso. Baka aso rin ako? hahaha!

      Delete
  21. Ngayon ko lang nabasa to at meron akong gustong gawin! Agad agad! Biglaan kasi baka mag maasim ka na naman hahaha!

    ReplyDelete
  22. Aw, this was a very nice post. Taking the time and actual effort to produce a superb article… but what can I say… I procrastinate a whole lot and never manage to get anything done.
    Yeh Rishtey Hain Pyaar Ke Today Episode

    ReplyDelete
  23. I Love your website design, colour. I procrastinate a whole lot and never manage to get anything done.
    alleppey houseboat booking

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...