Saturday, December 29, 2012

Reverted

BABALA: Walang kwenta.

Ayun, I have reverted my previous entry to draft. Binisita ko kanina. Ano yun? Ka-emohan. Hindi ako yun! hindi yun galing sa aking kalawakan. HAHAH! Masyado lang akong nadala ng bugso ng damdamin. LOL.

Swerte lang ng mga nakabasa. Nakita nila ang aking DEEP DARK SIDE! ;) Although, I will forever keep your comments in my heart. :D Oha. Alam nyo kung sino kayo. napangiti nalang ako kasi parang hindi ako yung kausap nyo. Kasi in the first place parang hindi ako yung nag post nun. HAHAH!

Ngayon okay na. Bumalik na ang puso ko sa kaliwang dibdib. Ginamitan ko ng stapler para kumapit sa mga ugat ugat at mag function ulit ng tama.


Kwentong kuneho. Kanina lang:

Ako: (nagluluto ng hotdog) Pakitingnan naman 'to pagluto na. May pupuntahan lang ako sandali.
Sya: Okay sige.
Ako: Ihanda mo na pag luto na.
Sya: Okay.

Nung paalis na ko.

Sya: Kuya, pano ko pala malalaman pag luto na 'to?
Ako: Ahhh. (Napaisip talaga ako). Kapag mapula na? Hindi, kapag malambot na? Pag malutong? Ahh basta! Malalaman mo naman yan e, basta pag may lukso na ng dugo! >:]


Paokun's Thought 101: Hindi ako mahilig sa mga reunion, lalo na sa Family reunion. Nakakapagod kasi. Nakaka ubos ng energy ang makipag kumustahan. Nakakapagod ngumiti maghapon para masabing komportable ka. Anti-social kasi ako. >:] Pero gusto ko kayo ma meet! < 3 oha. 

P.S.

Dahil di ako mahilig jan, mamaya may pupuntahan akong reunion. Dalawa nga e. Fam at HS. Ttry ko mag post sa mga pang yayari kung makakasurvive pa ko. Papakita ko kung pano ako makipag plastikan sa kanila. JOKE! HAHAH! :))

Ciao!

78 comments:

  1. Haha Pao! kaya pala nagulat ako bigla nawala yung ABCDEF na post mo kagabi. :D

    Naku same here. Hindi din ako sanay sa mga family gatherings and reunion. Nakakangalay ang maghapong pag-ngiti sa bawat kamag-anak na dumarating haha.

    Batiin na din kita ng Happy New Year! Ingat sa pagpapaputok. Sa labas dapat ha at gumamit ng proteksyon XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong flavor? HAHAHAH! Happy new year din Fiel~kun! :) Kalimutan na nating lahat ang abcdeF! na yun! HAHAH!

      Delete
  2. Nasaan na 'yon F! ? Lol, nabasa ko kaso hindi kaagad ako naka-comment, sayang. Ayaw ko rin ng mga reunion na iyan, kakamustahin eh meron namang text messaging, hindi matapos-tapos na kamustahan kahit alam naman nilang ok lang sila. Lol sa pagpi-prito ng hotdog. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tinapon ko na yun! Wag mo na hanapion kuya Tonio! HAHAH!

      Ikaw, magaling ka ba sa pagpprito ng hotdog? :D

      Delete
  3. kaya naman pala "error" ang lumalabas sa ABC... post ngayon ko palang sana babasahin. Hindi ko rin alam kung kailan luto ang hotdog, dinadaan ko lang din sa lukso ng dugo haha.

    Di ako kumportable kapag family reunion, ewan ko ba basta ang daming expectation kasi nakakalunod hahaha. Buti pa kapag HS friends, ngayon din ang reunion naming magkakaklase kaso hindi ako agad nagising kaya eto naiwan ako haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Odiba. May lukso talaga ng dugo sa pag luluto! :))

      Kumusta ang reunion? :)

      Delete
  4. Hinanap ko yung previous nyahahaha... ayaw mo pa umamin kagabi eh NYAHAHAHAHAHAHA!

    ReplyDelete
  5. Nabasa ko yung post mo na yun di lang ako nagkoment hehe. Same here don't like family reunions kakastress!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eeeew wala po akong naaalalang post na yun. Kayo din po diba? Joke! HAHAH! Baon po tayo ng stress tab! HAHAH!

      Delete
    2. dia tab lang binabaon ko e :D

      Delete
  6. nawala ba ang abcde? hahaha sick-sikan kasi ako kaya di na namalayan. masaya ang fam reunion kapag every 10 years! haha para tapos ang plastikan at usapan! kuneho ka nga guloh gulo hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siguro nga pag every 10 years, kaso, antagal nun. HAHAH! Kunehong kuneho. :)))

      Delete
  7. buti na lang may google reader. nabasa ko ang post hehehe

    ReplyDelete
  8. kahit ako di rin sanay... saka minsan lang magkaroon ng ganun hehehe

    Di ko rin nakita ang previous post na un...

    Enjoy lang sa reunion na pupuntahan mo ngayon hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku kuya Jon, wag nyo na po problemahin ang previous post na yun. HAHAHAH!

      Delete
  9. haha oo nga emo post nga ung kahapon
    okay lang yan kahit ako may down lows aura din
    actually madalas haha

    well ako want ko naman ung reunion kasi dun ko napapakita ung kinaiba nun mecoy non sa mecoy naun haha

    natawa ako sa lukso ng dugo nagana pala ung sa pagluluto

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! naks! so ano, madami ka bang napakitaan ng transformation mo? :))

      oo nagana yun, madalas! :))

      Delete
  10. About dun sa post mo na abcdeF nakita ko lang title pero di ko naman nabasa...sayang. Regarding reunion gusto ko actually ng reunion kasi people person ako at masaya ako na makamusta ang kung sino man ang umattend. It's a matter of perspective lang siguro yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Jay, hayaan nyo na yun. Nasa basurahan na ang abcdeF na yun. HAHAHAH!

      Oo nga po, halata naman sa updates nyong mataas ang social skills nyo :) Max! ^^

      Delete
  11. Nabasa ko yung abcde mo. Mahilig ka sa Pinya. dyuk!

    Ayos lang yun. Lahat naman siguro ng taong tanga sa pag-ibig nararanasan yun. Isa nako dun sa mga nagpakatanga. :'(


    Mahiyain ako sa mga reunion lalo na kung sosyal at tagal kong di nakita ang mga imimit ko. Pero gusto ko naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo. Nakakakilig ang pinya! :) HAHAHAH!

      <//3 HAHAHAH!

      Parang ganun din ako! ^^

      Delete
  12. sayang naman di ko naabutan ang post na may deep dark side! makiki chismis na lang ako :)

    okay lang yang mga reunion, ang technique, kumain ka ng kumain para di ka nila gaano kausapin. Pag may kwarto, dun ka, mag power nap ka. Haha, umiwas din pala no? :)

    pag nagkita kita tayong mga blogger at ginawa mo ang mga yan, alam na ako dapat ang sisihin.

    anyways, advance Happy New Year Pao!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay, nako nahigop na yun ng black hole sa kalawakan ko. HAHAH!

      HAHAHAH! Natawa ako sa technique na yun! :)) Gusto ko yun! HAHAH!

      Happy new year din sayo kuya Zai! ^^

      Delete
  13. hahahaha tawang tawa ako sa lukso ng dugo..patay na yung hotdog kasi naluto na..wala ng lukso

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Minsan meron! Nag papatay patayan lang sila! :))

      Delete
  14. sayang, ganda pa naman ng simula ng entry. sinaksak ang puso ko back and front, ini-slice na parang cake, nilamas na parang clay. HAHAHA...XD Tapos ikinalat sa sahig, sinagasaan ng pison, winalis at nilagay sa dustpan, derecho sa basurahan!lol!!

    dami ko lang tawa promise. Benta sa akin. ;))

    pero katulad mo rin pareng pao, hindi rin ako mahilig sa mga family reunion. paubos oras talaga sila, lalo na't kung sabahay nyo pa manunuluyan. pakshet lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaaaaah! Ano yun?! san mo napulot yan? HAHAHAH! pero mas imba ang comment ni Mr.tripster. :D

      HAHAH! Ayun pa, kakatamad mag entertain! >:]

      Delete
  15. "Anti-social kasi ako"

    ako din. LoL! pero minsan minsan lang naman yan, kaya go nalang ok? o siya, enjoy! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Tama. Basta, hindi ko talent ang pakikipag kumustahan. HAHAHAH!

      Delete
  16. At dahil jan, na-curious ako.
    Intro lang nabasa ko eh nasa dash ko. haha.
    IBALIK MO KAYA! XD

    Pareho lang thoughts natin sa mga reunion... nakakapagot ngumiti, though hindi ko talaga mapigilan ngumiti kasi deep inside natatawa ako sa sarili ko, so natural lang. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. AYAW! >.<

      HAHAHAH! Oh bat ka naman natatawa sa sarili mo? HAHAH! Baka mapagkamalan kang baliw ng mga kamaganak mo :))

      Delete
  17. di ko nabasa yung post na sinabi mo... deleted na siguro o ibinalik sa draft? hehe, ok lang yun..reunion? nagka-phobia din ako sa reunion... may session din pala mga classmates ko dati (session sa drugs!). Minsan sa mga family reunion naman, hindi maiwasan ang pataasan ng ihi (I mean payabangan, alam mo yun!) kaya siguro medyo.. at madalas sarili ko na lang ang kinakausap ko, hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nirevert ko na po sa draft. At hindi nyo na po ulit yun makikita pang muli. HAHAHAH!

      Ayy nako. Ganun nga po minsan! Compare dito compare kay ganyan. Blah blah blah. Icompare mo sarili mo sa pader! Yabang yabang din! Kwento mo sa pagong! HAHAHAH! >:)

      Delete
  18. Actually I like reunion kong ang ma meet mo ay mga ka close mo. But pano kung di o kakilala? Boring:)
    Napasama ako sa reunion sa husbands side ko this year and although everyone was nice and smiling, I really don't know them, don't know whom they were talking about and etc. The result, I played word feud in my Iphone. Ang laki tuloy ng nabayaran ko sa telephone bill:( Lesson learned!
    Anyway, looking forward sa mga pictures mo about family reunion:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun! yun yung point. Kunwari text text ako. (kahit wala naman). Nood po ng tv. HAHAH!

      Youve seen my reunion with my HS. Yung fam reunion po namin, di po ako nag dala ng cam. Sila po ang kumuha ng mga pictures. Di ko po alam kung makakakuha ako ng copy. :)

      Delete
  19. Ang duga Paotot! Ba't naman hinide na kagad. Hindi ko pa nabasa! Pwede isend mo na lang sa email. Haha. Iba ako macurious, kelangan mabasa ko yun! Lol.

    Para mas masarap ang hotdog, pakuluan muna saka iprito. Enjoy the reunion kahit plastikan! Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Ibaon mo na sa limot yun gointot! HAHAH!

      Ayy oo minsan ginagawa ko yun, once in a blue moon. HAHAH! Naenjoy ko naman (kunwari) HAHAH!

      Delete
  20. Naliligaw ako dito. teka lang, san ba ako galing, di ko na maalala. hehehe.

    happy new year na lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matagal ka ng naliligaw Lawrence. Tara na akayn kita pabalik LOL!

      Delete
    2. Happy new year Lawrence!:)) HAHAH! Ayan sasamahan ka na ni miss Balut! ^_^

      Delete
  21. Kini-click ko yung abcdeF eh ayaw na hmp! Ha-huntingin ko yan sa cache he he :P

    Wagas yung kwentong hotdog ha ha.
    I'm not anti-social but kung alam kong boring yung reunion at kaplastikan lang hindi rin ako pupunta. Taklesa kasi ako baka isigaw ko pa na "Ang boring naman ditoh mga plastik kayoh!" LOL

    Happy New Year Pao! I wish you the best for 2013 at wish ko lang wag ka na ulet magtatago ng post ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Happy new year din ms balut! ^_^

      Hindi na po :))

      Natawa naman ako sa pag sigaw nyo. Nakakatakot. HAHAH!

      Delete
  22. Asan na mga pix mo ng reunion? Para makita ko pagka antisocial mo. Lols.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH hindi ako nag dala ng cam sa fam reunion. HAHAH! Wala akong guts kumuha ng pix! ^^

      Delete
  23. Haha nakakatakot naman magkaroon ng lukso ng dugo sa hotdog! Baka kung saan mapunta LOL. Tikman na lang siguro para sure na sure haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Tama sir glentot! :)) Happy new year master! :)

      Delete
  24. Replies
    1. HAHAHAH! tsaka palang hahanguin!:) happy new year Kulapitot! :)

      Delete
  25. haha! tama ka nakakapagod ang reunion..nakakapagod ngumiti haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Diba diba!:) Happy new year po Littleyana!:)

      Delete
  26. ang daya daya! me sakit me so di ako naka pag blog hop. pabasa mo naman kahit seconds lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakahiya. At, ano ba yun? HAHAH!:)) keep smiling! ^_^

      Delete
  27. hahaha. natawa ako sa ''lukso ng dugo'' meron palang ganun.. hahahaha.. anyway happy new year!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. happy new year din Cheenee! :) Oo merong ganun! HAHAH!

      Delete
  28. Hahaha, kakatawa naman ang term na makipag-plastikan.. pati sa lukso ng dugo sa pagluluto ng hotdog!

    Happy New Year!! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH hapy new year! :)) Epektib yan kahit nakapikit. HAHAH!

      Delete
  29. sayang nemen hindi ko nabasa ang emo post na yun..pwede mo bang ibasa saken exclusive?!

    alam mo tama ka naman eh sa lukso lang ng dugo malalaman kung luto na ba ang hotdog ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, hindi! Kalimutan na nating lahat ang nakaraan, past is past. HAHAH!

      Oyeah! diba diba? :)

      Delete
  30. Anung nangyari sa reunions?

    Just added you on one of my favorite blogs...yey...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeeeeyyy! Yungfam reunion, wala pa yung mga piktyurs e! :)) Yung sa HS reunion ayoko ilagay. HAHAH!

      Nakita ko na!

      SALAMAT SENYOR!

      Delete
  31. At dito nag umpisa ang alamat ng lukso ng dugo!

    Naiintriga ako sa ABCDEF na yan! Paki email sa kin! Or else I will fade away hahaha nanakot! Nagbabanta!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...