Una sa lahat, gusto ko sana talaga magself pitty na hindi ako deserving sa award na 'to. Pero wag na lang, dagdag letra pa sa ittype. HAHAH!
The Rules:
1. Thank the blogger who gave you this award. Don’t forget to link her blog.
2. Post seven random things about you
3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.
Dahil masunurin akong bata:
1. Thank you pretty and sexy ate Arline of the The Pink Line (na hanggang ngayon hindi ko po alam kung ano yung line na pink) sa award na to. Maluha-luha ako nang mabasa ang pangalan ko sa iyong entry. :) [Nicheck ko ulit kung andun nga, baka feelingero lang ako] Salamat ng marami! Marami ring salamat sa may pakana ng blog award na to. :)
2. Seven Random Things About Me.
TAMAD
Oh yes! Alam na alam yan ng mga kaklase ko nung college pa ko at mga naging housemates ko. At isa ito sa mga bagay na alam kong hindi ko dapat ipagmalaki! HAHAH! Tamad, tipong pag may nalalaglag na gamit ko sa ilalim ng kama ko, hindi ko na sya kukunin kung hindi ko naman gagamitin. Kapag may ibang nakakuha, tsaka ko sasabihin na saakin yun. HAHAH! Hindi ko nga alam kung aasenso pa ang buhay ko! :( Pero hinde, once na gumawa ako, gusto ko laging plantsado, sureball, with finesse! pulido, hindi basta basta (kitang kita naman ang mga pruweba ko sa Hiroshima, Nagasaki and 7/11 bombing!) Oha! 9/11 bombing talaga yun.
SWEET TOOTH
Ako na nga ang may sweet tooth. Kaya kong umubos ng ilang lyanera ng leche flan. At isang garapon ng macapuno. Kaya ko pa lumampas, pero alam ko naman na asukal lang yung nagpapatamis dun so it's a no no! HAHAHAH! Napakataas ng tolerance ko sa sweetness ng pag-ibig pagkain. Tirador din ako ng icing/frosting ng cake at iba't ibang desserts.
CURSE
Mabait akong bata, hindi ako nagmumura gamit ang mga tagalog lines na alam na alam kahit ng mga batang edad 2 years old sa lansangan. Pasosyal ako, ganto ako: WTH, holy crap! Stupid! ...Dyok lang! Walang ganyan. ^^
BLACK&WHITE
TRIVIA: Sa kabila ng aking pagpipinta gamit ang mga pastels, bulag ako sa mga kulay. :) Yung mga binibili kong crayola at pastels kailangang may mga labels ng kulay sa pabalat kasi nga black&white ang paningin ko. Chos! HAHAH! Sa tulong ng aking mga friends na may normal na sharingan, sa kanila nalang ako nagtatanong ng mga totoong kulay ng mga bagay bagay sa mundo.
BABAE
Echusero lang! <-Yan lang talaga ang description sa portion na 'to.
HAYUP!
Ayy, mahilig ako sa mga hayop. Lalo na sa mga tiger aso kahit askal pa yan! Maawain ako sa kanila. Kahit yung mga daga na nahuli sa bahay, gusto kong pakawalan. Ang cute kasi! HAHAH! Nakakaawa.
Pero ayaw ko sa mga insekto at gagamba. Kadiri. Nakakatakot. Lalo na pag kitang kita mo yung mga balahibo. Dati paborito kong paglaruan ang mga gagamba, pero nung natuto ako tumingin ng larawan sa encyclopedia, nakita kong nakakatakot ang mga balahibo nila. TARANTULA! Hindi ako fan nyan, feeling ko maliit lang syang gagamba, naka-ZOOM IN lang sa totoong buhay! OA diba!
BATA
Hindi ako mahilig sa mga baby. T_T kabaligtaran ni ateng maganda at sexy Arline. Yung ibang baby pinaplastik ko lang na kunwari tuwang tuwa ako sa kanila. HAHAH! Dyok lang! Snob lang ako sa mga baby. Choosy ako, gusto ko cute! ^^ Mahilig ako sa mga batang... batang nauutusan na! (Kasi nga *balikan ang first random thing)
Ayan lang! Marami pang iba. Pero dahil nga masunurin akong bata, 7 lang. HAHAH!
3. Tag 15 bloggers. (Yung iba natag na ^^ )
Ric of Life N Canvas
Nong Inong of Kumonoy
Zai of Zai Moonchild
Gracie of Gracie's Network
J.A. Guevarra of Sweet. Sour. Bitter. Whatever.
Mecoy of Mecoy
Arvin of Chateau de Archieviner
Cheenee of Kwentong Palaka
Littleyana of Thingking Outloud
Joy of Joy's Notepad
Sunnytoast of SunnyToast
Lhalah of Captured Realities
Gord of Crumpled Papel
Fiel-kun of Fiel-kun's Thoughts
Anyone! [:)]
Have a good day sa lahat!
Ciao! :D
Lol sa sweet tooth. Para kang yung isang fren ko din. Hinay-hinay din parekoy baka mauwi sa diabetes. Haha pareho kayo ni pareng Cy sa babae
ReplyDeleteOyeah!!! Salamat sa concern parekoy! ^^
Deleteser pao, congrats sa award :)
ReplyDeletegawa ka din ser! :) Salamat po!
Deleteikaw na ang galing sa angkan ng Uchiha nyahahaha.
ReplyDeleteanung Uchiha?
DeleteSa naruto yun! haha
Deletehihihi panatik din po ba Gord? Pinky, Anime po yung Naruto at yung Uchiha clan po eh gumagamit ng sharingan.
DeleteSpeaking of Naruto, namatay na po si Hyuuga Neji, ang henyo ng Byakugan. Naruto Manga 614.
DeleteWaah! Bakit si Neji pa?! T_T HAHAH! Sir naman, spoiler ka:)) Iniipon ko pa man din ang Narutong yan kasi inip na inip ako! HAHAH!
Delete@anthony uu nga daw eh, takle isa pa naman sa mga mabangis na jounin yun....
Deletenatawa ako sa tirador ng icing.. marunong ako gumawa ng icing/frosting bigyan kita isang timba dyuk!
ReplyDeletesige bigay ko na lang sayo yung mga babies ko na pwede ng utusan dyuk ulet!
pag nagkita tayo bulong ko sau kung ano yung pink na line ;)
nice to know you more pao pao :)
Sakin Pink ipakita mo ah. dyuk!
DeleteHAHAH! oo nga at kitang kita ko sa fb ang husay mo:)) Rainbow ang kulay pwede? :) HAHAH!
DeleteOsya, yung mga babies ko e ibibigay ko naman sayo hanggat bawal pa utusan. HAHAH!
Ayy, gusto ko din makita! HAHAH! (Ano ba kasi yun?^_^)
Same here ate Arline:)
@archie may bayad pag pinakita hanggang bulong lang para libre lols
Delete@pao kun rainbow? hmmmm..pagiisipan ko hahaha!
haha congrats Pao, isa ka na din Versatile Blogger :)
ReplyDeleteayun, mas nakilala pa kita ng lubusan dahil sa post mong ito.
animal lover din ako, I prefer cats pero gusto ko din ng dogs.
HAHAH salamat! Sayo din Ser fiel! :)
DeleteOkay din ang cats. Kaso parang hindi nasunod sa amo. HAHAH! ^^
hehe. congrats pare sa award! congrats! congrats! hehe.
ReplyDeleteparehas tayo pastel din ang ginagamit ko, at dahil sa ebolusyon ng panahon, lately gumagamit na ako ng colored pencils, hayun lang.
AHAHAH! Nag level up na din ako ha:) Konti konting acrylic. ^^ Thanks pare!
DeleteTAMAD at SWEET TOOTH aminado din ako dito
ReplyDeletecolor blind din ako haha
well pinaka malalang naranasan ko ee may nag suicide attempt sa mga ka landian ko nuon katakot haha
hmm ako mejo lan pag baby gusto ko sila haha
ako din di maxado mahilig sa bata pero dipende pa din
salamat sa pag tag muli aah,
kso nakagawa na ko ng post about dito nuon pa man
Nako. Andami pala nating sweet tooth dito!:))
Deletehampogi:)) Kakatakot yun, kakakaba.
yes, dahil ikaw ay talagang versatile:)
Apir sa sweet tooth, babae at baby!
ReplyDeleteMukang ayos kang pagtripan sa mga kalahi ni spiderman! Haha.
Tnxtnx at kasama ako sa list mo. XD
Oha! Dami nating sweettooth dito! HAHAH! Nako,. tatapakan ko yang mga yan! HAHAH!
DeleteNo prob ser Gord! :))
Matamis ba yung sweet tooth? lol
ReplyDeleteAba ang daming lalaking malalandi. dyuk! Parang gusto ko magpacontest ng palandian. dyuk ulit! talunin nyo daw ako. (hung gwapo natin. lol)
Ako din di mahilig sa bata. Nagsawa na kasi ako kakaalaga sa mga kapatid ko nung bata ako :)
Salamat pala sa award :)
DeleteMatamis den! HAHAH!
DeleteAyy, sige sali ako jan! dyok lang! HAHAHAH! Wala na atang makakatalo sayo? ;)
Welcome, dahil ikaw ay sadyang versatile!:)
Sweet Tooth! Cheers tayo dito...:) Na curious tuloy ako sa photo mo...hmmm...haha
ReplyDeletexx!
weee! dami nating sweet tooth dito! :) Photo? Nako baka matakot ka! HAHAH! ^^
DeleteCongrats! deserve mo tong award parekoy! Salamat din sa pag-tag (katulad mo tinignan ko uli kung kasama nga ba ako)
ReplyDeleteMagkakasundo tayo sa mga hayop haha. At sa gagamba naman mukhang hindi kasi nageenjoy akong pinagmamasdan sila at napapamangha sa galing nila. haha
Salamat ser nong! :) HAHAH! baka namamalikmata lang ano? ^^
DeleteAnong galing? Si spiderman ba yan? :D HAHAH! Numbata ako lagi ako nangunguha at inilalaban sa tingting! ^^
Basta yung gagambang spiderman lang ayaw ko na yung may kamangdag haha
Deletecongrats ...nakakaaliw naman mag basa ng mga tungkol sayo...
ReplyDeleteSalamat Genskie! :)) Gawa ka din!
DeleteYou made me smile again Pao Kun. Anyway , thanks for tagging, pero di ko na alam kung ano pa di ko na share about myself. Magisip muna:)
ReplyDeleteHAHAH! Welcome po ate Joy! Natutuwa po ako pag nadadagdagan ko ang pagsmile nyo. :) Okay po, will be waiting! ^^ keep us posted!
Deleteat ngayon ko lang nakita to. hahaha il make one like this? yon ba ang rule nito? hehehe sige gagawa ako!! hehehe thanks for this pao!!!
ReplyDeleteYes po Lala! :)) Gawa ka, and keep us posted! :))
Deletenakakatuwa talaga tong mga tag tag na to hehehe
ReplyDeleteHAHAH oo nga po. Palipas oras din! Gawa ka din kuya Bino! :D
Deletemarunong ka din ba ng chidori? wahahahha
ReplyDeletetakot din ako sa mga gagamba .
creepy XD
Nako hindi. Puro gentle fist lang. HAHAH! Isa akong hyuga. HAHAH!
Deletepareho tayong tamad... nakakatamad kasing maging masipag diba? sweet tooth din ako...animal lover din ako... dami nating similarity... soulmates ba tayo? bwahahaha
ReplyDeleteMakasoulamate ka naman jan kuya. Malay mo nga noh? HAHAHAHAH!
Deletehindi talga ako maka-move on sa post na ito... we're destiny bro...
ReplyDeleteOo nga at after 5 mins e binalikan mo to. :))
DeleteSalamat ng marami sa tag Pao! Aliw ako sa pagbasa ng mga sagot mo nyahaha!
ReplyDeleteTamada ka din pala, at takot sa insekto at gagamba. Buti ka pa nakita mo na ang soul mate mong si Senyor Iskwater haha :)
Welcomes! HAHAHAH!
DeletePagnatagpuan ka nya, baka ikaw na ang soulmate nya! HAHAH!
ayaw, baka humadlang pa ako sa tadhana nyong dalawa! haha
DeleteCongrats sa award! I have a sweet tooth din kaya lang di ko namn kaya umubos ng isang garapong macapuno! haha!
ReplyDeleteSalamat! HAHAHAH! OA na ba ang 1 garapon? :) thanks sa pag follow! ^^
DeleteCongrats sa award and thank you for including me on the list:) God Bless.
ReplyDeleteby the way its nice to knw more a little about you with this entry..I guess some we are the same..tamad lol
Merry christmas:)
HAHAH welcome SunnyToast! :)) God bless you too!
DeleteMy greetings will be on Christmas! :))
Hindi moko sinabihan naka-tag pala ako dito Pao, musta naman yun kung sakali pala ay 2013 ko pa to makikita haha pero biro lang yan. Nakatanggap na ako nito pero mag iisip ako kung pano kita ma-acknowledge sa pagbibigay mo ng award sa akin. Maraming salamat sa ngayon. Btw, naimpress naman ako sayo bilang artist ay color blind ka pala.. hmm diba't karamihan yata ng artist ay ganun? Palaisipan..
ReplyDeleteHAHAHAH! Okay lang! Enough na ang comment na to para maacknowledge ako sa pag tag sayo. :))
DeleteAyy hindi ko alam, ang alam ko lang na sikat na colorblind e yung retired vice president ng "CRAYOLA". :)
Ay kasali pala ako dito. Thanks pao! Busy lang ang lola mo kaya baka next week ko na ito magawa.
ReplyDeleteYesss! Welcome po :)) Take your time po! ^^
Deleteha ha ha naaliw mo naman ako ng husto sa 7 random things about you. gusto ko mamili ng best among the seven but gusto ko lahat ang pagka-weirdo mo lol :P
ReplyDeleteCongrats sa award!
Tamad! IKR? hahaha
ReplyDeleteSweet Tooth: Thugar Cruth!
Curse: I can imagine you doing a conyo way of cursing... sample nga? hahaha
Black & White: may naalala ako dito, sa pagfill up ng form, nilagay sa Color of your eyes - black and white; hahaha tama naman di ba?
Babae: What's the point of typing a long sentence and then you strike-through it. Eh sa totoo lang, yan talaga gusto mo ilagay at ipabasa sa amin. hahaha
Hayup: May strike-through ulit! Tiger! Smile!!!! hahaha
Bata: naku! Naku! Di ko ipapalaro sayo ang mga super mariong maliliit! Mahirap na! baka saktan mo! hahahaha
Tamad: Hmm wala e. hahaha! Di ako makahabla. haha!
DeleteSweet tooth: DIVINE!
Curse: Oh man! You D*mb*ss! hahaha! heh!
Black and white: hahaha may tama sya! Feeling ko ikaw nag lagay non e. hahah!
Babae: hahaha ewan ko sayo. Wala yan!
Hayup: Iupload ko kaya ang video mong pilit pinapasmile ang tiger! haha!
Bata: HINDI! Nagbago na ko! Haha! Mag nanakaw ako ng isang super mario pag di mo sila pinayagang makipaglaro sakin. hahaha!
cheap ugg boots
ReplyDeletenike outlet
ugg uk
ugg sale
new balance shoes
p90x dvd
ugg boots outlet
ugg boots for women
ugg boots for women
genuine ugg boots
mulberry outlet
uggs outlet
uggs sale
ugg boots sale
ugg boots sale uk
ugg outlet store
ugg boots outlet
ugg uk
genuine ugg boots
uggs on sale uk
ugg boots sale
genuine ugg boots
ugg boots for cheap
ugg boots cheap
ugg boots uk
uggs outlet
cheap uggs
uggs black friday 2014
ugg outlet
ugg boots sale
woolrich jackets
cheap ugg boots
ugg boots sale
uggs outlet
uggs outlet online
ugg outlet store
jordans for sale
ugg outlet store
burberry, swarovski, cheap michael kors, rolex replica, abercrombie kids, nike outlet store, tory burch shoes, ugg australia, louis vuitton taschen, nike free run 5.0, relojes especiales, louboutins, swarovski crystals, gucci uk, roshe run, celine bag, abercrombie, coach outlet store, nike.com, true religion outlet stores, toms shoes outlet, converse outlet, oakley vault, pandora, nike air force, new balance, longchamp outlet, lulu lemon, oakley sunglasses, cheap vans, tiffany und co, nike outlet, rolex watches for sale, nike huarache, rayban, ralph lauren, hermes bags, gucci outlet, www.lululemon.com, north face outlet, tommy hilfiger, tory burch shoes, knockoff handbags, tommy hilfiger canada, nike air, christian louboutin shoes, giuseppe's, toms outlet, louboutin shoes,
ReplyDelete2015926dongdong
ReplyDeletelouis vuitton outlet online
Air Jordan 6 Champagne Bottle
michael kors outlet online
ugg boots sale
Montblanc Pen Refills Outlet
ray-ban sunglasses,ray ban sunglasses,ray bans,rayban,ray ban wayfarer,raybans,ray ban glasses,ray ban aviators,ray ban clubmaster,ray ban eyeglasses,cheap ray bans,ray bans sunglasses,ray ban aviator,ray bands,fake ray bans,ray ban prescription glasses,ray ban outlet,ray ban canada,ray ban sunglasses sale,ray ban sale
Louis Vuitton Official Site Outlet Stores
Coach Outlet Handbags With Factory Price
true religion outlet
michael kors outlet
Coach Outlet Discount Clearance Coach Handbags
cheap uggs
Michael Kors Factory Outlet Online Official
Jordan 8 Phoenix Suns
michael kors outlet
Abercrombie & Kent Luxury Travel
Jordan 3 Retro 2015
ugg boots sale
ugg outlet
Cheap Michael Kors Handbags Outlet
Authentic Louis Vuitton Handbags Outlet Sale
mihchael kors bag
ralph lauren
michael kors outlet
nike air max 90
Abercrombie and Fitch USA Outlet Store
Abercrombie and Fitch Store
Nike Kobe Bryant Basketball Shoes
Hollister Tees for Men
coach outlet
canada goose, montre pas cher, canada goose, converse outlet, moncler uk, lancel, canada goose outlet, links of london, michael kors outlet, thomas sabo, swarovski crystal, doke gabbana, canada goose uk, pandora uk, juicy couture outlet, ugg,ugg australia,ugg italia, ugg pas cher, replica watches, moncler, ugg,uggs,uggs canada, ugg, canada goose outlet, canada goose jackets, moncler, hollister, moncler, louis vuitton, pandora jewelry, barbour, barbour uk, louis vuitton, louis vuitton, karen millen uk, supra shoes, toms shoes, ugg uk, juicy couture outlet, pandora charms, louis vuitton, doudoune moncler, marc jacobs, moncler outlet, coach outlet, ugg australia, swarovski, canada goose, louis vuitton, canada goose outlet, wedding dresses, moncler outlet, pandora jewelry, moncler
ReplyDeleteninest123 11.23
goyard
ReplyDeletekd shoes
kobe shoes
coach factory outlet
michael kors outlet
off white jordan 1
golden goose sneakers
yeezy boost 350
christian louboutin shoes
mbt shoes