Saturday, December 1, 2012

Silip! ;)

Keinemen! Hanggang ngayon wala pa rin akong maiisip na next entry. Medyo madamdamin ang nakaraan kong post, so gusto kong sundan ng kakaiba naman (moodswing ang peg^^,).  Pero kahit anong kalog at pukpok ko sa ulo ko e walang lumalabas na ni isang butil ng bigas na idea sa utak ko. Iba na talaga pag nabubulok na ang kalahati ng utak na 'sing liit ng munggo. Ikaw ba naman ang tumambay sa loob ng bahay for more than a month. TV at internet lang ang kaharap. Nakakabobo. Pero sa totoo lang medyo nag eenjoy pa ko, nageenjoy din ako sa blog hopping. Hmm. So pano, sisimulan ko na ang kwentong kuneho ko.


"SILIP"

...yung totoo? Ano unang pumapasok sa isip mo?

Oyyy, wag ka na magmalinis jan, karamihan satin e "boso" ang naiisip jan. Alam mo na! :) Pero hindi yun ha, wag kang berde jan. Hindi yan yun. Pero pwede na rin! (Gusto rin HAHAH!) Dyok lang!


***


(sa totoo lang, wala pa kong insights at kasaluyan ko pang pinag-iisipan ang ilalagay dito, impromptu to, pramis! HAHAH! at mamaya ipapakita ko kung bakit SILIP ang title ko)

***

SILIP - TRUST

Hindi ba nakakainis kapag may sumisilip sa mga pinapagawa sayo? Yung mga etchusero? Tipong binabantayan ka sa mga ginagawa mo, na para bang walang tiwala sayo. Malimit yan sa trabaho (Actually, wala akong experience sa pagttrabaho, maliban sa pagiging intern ko). May ipapagawa sayo, pero bantay sarado sya sayo. Lahat nichecheck kung totoo ba ang nilalaman ng reports mo, minsan may duda pa kung ikaw ba talaga ang gumawa. Dulce de leche! Sana ikaw nalang gumawa ng reports ko, o pinavideo mo.  Minsan e okay lang din naman yung ganyan, at least hindi na mag aatempt ang isa na mandaya o kung ano pa man, pero pag OA na, as in OA na... ay sya ayawan na! Patakbuhin mo ang kumpanya mo mag isa. Ang matatag na pundasyon ng isang samahan ay nagsisimula sa malalim na pagtitiwala.


SILIP - COMPARISON

Maipapasok din natin yan sa pagkukumpara. Sinisilip kung ano bang kakayahan ng ibang tao na wala sayo.  At sa totoo lang hindi nakakatuwa. Hindi nakakatuwa pag ikaw ang mukang kawawa. HAHAH! Yung tipong pag ikaw ang laging masama, nakikitaan ng mali at kung ano pa man.  Pero malamang sa alamang e taas noo ka pag ikaw yung nasa upperhand ng pagkukumpara. Baka taas noo kang nakikipaglaban nang titigan sa matinding sikat ng araw!


SILIP - INGGIT
Minsan tayo din ang nagsisimula e. May mga bagay na nasisilip mo sa ibang tao na meron sila at ikaw wala. So iniisip mo ngayon na "bakit sila may ganito, ganyan?" ... "Kailangan maging ganun din ako!" ... "Kailangan meron din ako nun!". Iniisip mo na mas maganda kung lahat ng meron sya e meron ka din, lahat ng kaya nyang gawin e kaya mo rin! Competitive ka! Iniisip mo na ikauunlad mo yun. Minsan naman talaga ganun tayo. Wag na nating ipag-kaila, tatanggi ka pa e kitang kita naman sa mga mata mong kumikislap na halos lumuwa ito sa labas ng iyong mga talukap. Lalo na pagdating sa pera, nakita mong yumaman ang iba dahil sa "business" nya, so pinasok mo rin. Ayan, na bankrupt ka. Inggitero ka kasi. Minsan kailangan nating makuntento kung ano ang mayroon tayo.  Wag na tayong sumilip sa iba. Mind your own business ika nga. Alam mo, ang pagiging kuntento ay pagiging mayaman na din. Sinabi sakin yan ng isang kaibigan. May ibang mayayaman jan, na kahit kayang bilhin ang lahat, hindi pa rin makuha ang contentment. Balewala rin, so sana ibigay na lang sakin yung yaman nya! :) So maging satisfied ka kung anong meron ka. At mag pasalamat kung may mga blessings na darating pa. Wag kang abuso sa panghihingi, mamingay ka rin! (Aray ko!) HAHAH!


SILIP - PREVIEW
Ayan, nairaos ko rin. Mukang nag speed-typing lang ako noh? HAHAH! Pero kahit magulo e sana nakuha nyo ang aking nais ipasilip. :)

At gaya ng sinabi ko, sasabihin ko kung bakit "SILIP" ang naisip na title ko.

Dito ko sya nasilip; Ohhh, heto:




Nakakatuwa mag impromptu. Nakakahasa ng utak kahit pano. ;) HAHAH! Try nyo din! :D

Have a good day!^^

32 comments:

  1. Akma ang mga sinabi bro. Kadalasan nangyayari yan sa work. At naranasan ko na yan ng makailang beses. It somehow annoying that somebody is spying on you or somehow eyeing on what you do. Sort of like they don't have trust to your capacity. Nakakabad trip ang ganun. Pero, sadyang may mga pagkakataon talaga na ganyan, let's live it by that. Ang iba kasi talagang may ugaling ganyan eh. Siguro we should display nalang to whoever is doing the "silip" kung ano ang kaya nating gawin sa ini-asign sa ating task. And forget about them who make silip. Kasi kapag inintindi natin sila it can cause a lot of stress eh which can result to lots of negative vibes. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siguro we should display nalang to whoever is doing the "silip" kung ano ang kaya nating gawin sa ini-asign sa ating task.

      -yes po ser jay. Wag lang sana gumawa ng plan B sila silip boy. AHAHAH! Lam nyo naman, yung iba kontrabida talaga. ^^

      Delete
  2. agree ako diyan... lalo na sa work.. ang daming naninilip hehehe...

    nakaka inis ung ganun....

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Pati nakalimutan ko rin isama na pati ang sweldo pilit sinisilip. :D HOHOHO!

      Delete
  3. ayoko rin nung mina-micro manage ako.lalo ako di makatrabaho. gusto ko hinahayaan lang ako.

    and ok din ang ibang konsepto mo ng word na silip. marami ngang ibig sabihin yan depende sa gamit at pakahulugan. pag sinabi nga naman kasing silip e ginagawa yun na pasimple at palihim. meaning may tinatago. hehehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! tama, may tinatago. :D Actually, kahit simpleng pag-ihi pag sinisilip e mahirap gawin. WHAHAH! >:)

      Halos ganto: http://did-you-kno.tumblr.com/post/36821770227/source

      Delete
  4. Haha. Preview pala yung silip. True etong mga silip mo. Lagi kong nararanasan ang silip-trust dito sa opis. Pag may nakatingin pa naman sa ginagawa ko feeling ko sakin sya nakatingin. Nacoconcious tuloy ako. feeling ko crush nya ko. dyuk!

    Yan tatlong OFW ang unang nagcomment sa entry mo nato. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oyes, tagalog kasi ang settings neto. HAHAH! natawa ko dun ah. Oyy ha pero minsan ganun din ako, pag may nakatingin sa ginagawa ko e feeling ko sakin nakatingin... Feelingero. HAHAHAH!

      Opo nga po. Kayo po ba? Sang lugar po kayo nag w'work ser?

      Delete
  5. Ay nagcomment narin pala si ser ignored genius :D

    ReplyDelete
  6. haha never thought of so much about that word before haha i mean silip ay plainly silip para sakin minsan mejo green minsan wala lang haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH neto ko lang din napag isip isip yang mga yan. :) Wala kasi akong maisip na title. HAHAH!

      Delete
  7. Hahaha nice one!

    Btw, i tagged u sa viral post: All i want for Christmas, you might want to share your wishlist too.. you can view it HERE

    Thank u!


    Maria

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Ms. Maria! :) Sige po, hanggang ngayon nagiisip isip pa ko ng Wish list! :D Thanks sa pag tag! ^^

      Delete
  8. Hindi rin ako kumportable sa mga pasilip silip na yan ng mga tao sa paligid ko. Nananapak ako bigla ng mga sumisilip sa akin habang nagsusulat ako. Joke lang.

    Kung silip at silip lang, yung sinisilip natin ay yung pagkakamali ng iba, madalas yun ang napapansin kesa sa mga mabubuting gawa.

    Taas kamay ng mga GREEN dyan! \(--),

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Grabe yun ah. ^^ Ayy tama, mas tumatatak pa nga satin yung mga nasisilip nating pag kakamali kesa mga tama.

      uhm.... \(^^,)/ HAHAHAH!

      Delete
  9. wahahahaha! this is proof that inspiration is everywhere! silip lang ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Yes po! Salamat po sa pag bisita! :)

      Delete
  10. hahahaha super relate ako dito sa silip topic mo...parang yung tao lang na nakaupo ngayon sa bandang likuran ko... hahahaha...
    kung pwede lang bunutin isa-isa ang buhok nya hanggang sa makalbo gagawin ko... kaimbyerna ang pag kainggitera nya di naman nya sya kumikita hehehe... kung pagiging ingget ay trabago tiya milyonarya na sya heheheh

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Natawa ako ah, hindi ka nman masyadong naiinis sa taong nakaupo sa likuran mo nan ha? HAHAH! Ay naku, kung may kita nga lang ang inggit, magpPhD ako para mas mas mabilis ang pag yaman. AHAHAH! Dyok lang! Have a good day, wag pansinin ang mga badvibes sa paligid!^^

      Delete
  11. akalain mo yun ng dahil lang sa tinagalog na preview eh nakagawa ka ng post! ako kasi pag emo lang nakakagawa ng impromptu post hehe..

    hindi ako green minded kaya hindi bastos ang naisip ko nung una kong mabasa ang silip :P

    ReplyDelete
  12. hanggang dito na lang ang backreading ko kasi pag inoopen ko yung november post mo eh malaware ekek ang lumalabas..syempre takot ako sa virus kaya di ko na tinuloy hehe..

    november ka lang pala nagstart mag-blog?

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo ate arline. O ha ngayon lang ako nag reply. pero nasabi ko na sayong nabasa ko na to diba :)

      Delete
  13. Silip silip din pag may time! Inaantok na ko ka ka backread dito sa blog mo! Bukas naman ako sisilip dito! Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha! adik ka kasi! May post kang nakasilip diba? para sayo ang post nato. haha!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...