Saturday, November 2, 2013

Appetizer!

Madaling araw nang magising siya sa malakas at nakaririnding alingawngaw ng alarm clock.

Alas-kwatro ng madaling araw. Bagsak na bagsak pa ang mga mata. Bumangon siya at nagtungo sa kusina upang kuhanin ang takure, maglagay ng tubig, at i-init ito. Halos nakapikit na ginawa ang mga nasabing bagay.

Habang nagpapakulo ng tubig, dumiretso sa banyo at nagsipilyo. Antok na antok pa. Napakabagal ng galawan.

http://iphc.org/sites/default/files/resources/2010/Oct/images/CHM-Coffee-Mug.png

Bumalik sa kusina upang magtimpla ng kape. Kailangan upang ang diwa ay tuluyang magising. Naglagay ng pulbos na kape, creamer, asukal saka kinuha ang takure at nagsalin ng mainit na tubig. Hinalo. Sa paghahalo ay may mga buo paring maiitim na pulbos na kape na lulutang lutang. Hinayaan. Upang tuluyang magising sa pait.

Kakaiba ang lasa. Marahil dahil sa hindi tuluyang tinunaw ang pulbos na kape. O marahil, dahil kakasipilyo lamang niya.

Naubos ang kape. Nagising na siya ng tuluyan. Kinuha ang takure upang lagyan muli ng tubig, painitan at ihalo sa pampaligo. Mabilis ang galawan.

Binuksan ang takip ng takure. Habang pinupuno ito ng tubig ay may nakitang mga lumulutang na pulbos na kape sa loob ng takure. Maiitim.

Nakapagtataka.

Kaunting pag-angat pa ng tubig, nakita ang hindi kalakihang piraso ng itim na plastik na hugis bilohaba...

Mga pakpak.




Sumilip, at nakita ang lasog-lasog na katawan ng ipis. 

Monday, October 28, 2013

For Your Information

FYI, may trabaho na ako sa kabila ng adversities ko sa buhay.

Nagta-trabaho ako sa isang kompanya kung saan anlakas maka-bobo sa English. For example, kung ita-translate ang "Hindi natapos ang problema dahil walang ginawang paraan", ito ang kalalabasan: "Problem not solve because no action.".  


http://m.memegen.com/woncf8.jpg

Sa totoo lang, base sa assessment ko sa role ko sa trabaho, masyado lang marami pero hindi naman ganun kahirap ang ginagawa (yabang!). Nagkataon lang na bago pa ako at marami pa akong hindi alam gawin, maraming hindi alam na terms, at kung ano-ano pa. Sa loob ng mahigit isang buwan, sinusubukan kong mag-increase dramatically ang mga kaalaman ko, pero hindi ko nagawa. Ang kapalit, kinain nito ang oras ko. Salamat sa Batangueñong kaibigan na nagpa-alala. 

Kaya heto na ulit ako ngayon, nagbabalik! Hintayin nyo ako sa inyong mga lungga. 

Meanwhile...

Congratulations to Pinoy Bloggers Outreach for the success sa ginawang bazaar netong nagdaang weekend lamang! Salamat sa lahat ng sumuporta. Ehem! Paumanhin sa hindi ko pag dalo. Naging busy lang. 


Kita kits soon!


Para sa mga nagtatanong, isa akong Production Engineer sa Technopark, Sta. Rosa, Laguna. 

Thursday, July 18, 2013

Color Vision Impairment

Marami na ring nagtanong sa akin kung ano ba ang feeling ng isang colorblind. Feeling talaga? Normal lang. Parang wala lang. Wala lang, hindi ka lang naman makakapasok sa mga kompanyang nagre-require na dapat e hindi ka colorblind especially sa field ko bilang isang ECE. Kumbaga pagdating sa application, 'yun yung tipong naipasa mo na lahat ng interviews and exams and other medical requirements pero pagdating sa colorvision, saka naman papalpak. Very frustrating. Sayang ang pagod, pera at ang oras! I'm telling you, FRUSTRATING. It's up to you kung paano ka makaka-move on. 

Maraming gustong malaman kung ano ang aking nakikita kumpara sa nakikita ng iba. So para maintindihan nyo, heto po:



Yan po ang mga mushrooms ni Kuya Mar Super Mario na kamakailan ko lang nalaman na magkaiba pala ang kulay. RED para lumaki si Super Mario and GREEN naman for "1 up" or additional extra life. Buong kamusmusan ko akala ko wala silang pinagkaiba.

Iniisip nyo siguro na kaya ko naman palang itama ang paningin ko. Siguro po, pero pag maliliit na, hindi ko na po talaga kaya. 

Like this one: 

Someone who is deuteranopic might not see this number (49). Please note that the second digit in this number may be difficult to discern even by those with normal vision.

Kita nyo yung 49? Ako po hindi. Hindi ko makita. Plain lang ang nakikita ko. Panong plain? Parang ganto:


O ha! Pare-pareho na tayong walang nakikitang numbers! Parang ganyan ang nakikita ko pag tumingin ako sa mas naunang larawan. 

Kadalasan napagkakamalan lamang ng ibang tao na dala lamang ito ng kalabuan ng mga mata. Pero hindi. Gaano man kalinaw ang mata ko, hindi pa rin tama ang paningin ko pagdating sa mga kulay-kulay na yan. Kahit pagsuotin nyo ako ng salaming may pinakamataas na grado. 

Hindi kagaya ng ibang medical ailments, ang colorblindness ay walang lunas. Kaya 'pag ito ang ikinabagsak sa medical exam, wala nang second chance, hindi na mare-remedyohan. 

So ayan na, pinakasimpleng paliwanag as much as possible! Nawa'y ngayon alam nyo na kung ano ang panigin naming may mga color vision impairment.

Tuesday, July 9, 2013

A to Z

Una ko itong nakita kay Senyor Iskwater, and since tagged naman ako, gagawin ko na dahil interesting din kasi. Isa lang ang naaalala ko dito, ang pagpatol ko sa Bulletin Board surveys ng Friendster noon. lol


A. Attached or Single?

Attached. Not necessarily mean taken, right?

B. Bestfriends

Ahh yes, bestfriends. Aside from my "bestfriends",  dog is a man's bestfriend sabi nila, so I had two.




C. Cake or Pie

I choose 3.1416. Not that pie na sikat here in Laguna but just an EGG PIE!



D. Day of Choice

The day today, Tuesday. ;)



E. Essential Items

Money. Phone. PC/internet connection. Pen&paper.

F. Favorite Color

White and Blue.

G. Gummibears or Worms

Worms! Yung maasim na maasim! >.<





H. Hometown

Calamba, Laguna. Hometown of our National Hero. The resort capital of the Philippines!




I. Indulgence.

Sweets!

J. January or July

January. New Year celebration. Madami kasing pagkain at fireworks.



K. Kids

Dati ayaw ko sa mga kids. Ang iingay kasi, ang lilikot at ang kukulit. haha! But after the First Event ng PBO, I started to like kids, miss ko na nga sila e.

L. Life isn't complete without...

God. *spotlight* <insert singing angels here>

M. Marriage date.

Wala pa.

N. Number of brothers and sisters

I have one oldah brothah and one youngah sistah!



O. Orange or Apples

Apples. Most of the time, tinatanggal ko ang balat ng apple. :)

P. Phobias

I think I have this trypophobia? O arte lang? lol
Ayaw ko makarinig ng mga accident stories involving physical injuries and the likes. O.o kaya nagskip read ako ng slight sa Worst Habit ni Fiel Kun at damang dama ko ang July Please Be Good to Me ng celebrity blogger na si Ms. B!

Q. Quotes

"Humankind cannot gain anything without first giving something in return, to obtain, something of equivalent value must be lost."

"Change is the only permanent thing in this world"



R. Reason to smile

http://25.media.tumblr.com/tumblr_m75e5qH0A91qj2u1wo1_500.jpg
You! iiihhh :3 


S. Season of Choice

Basta ayaw ko 'pag mainit!

T. Tag 5 People

You ulit! Ikaw na nagbabasa nito. Sana nga abot ng lima ang readers ko.

U. Unknown facts about me.

I am color vision impaired. I see things in monochromatic (lol jk).

V. Vegetable

Kangkong! Tapos sasamahan ng bagoong.



W. Worst habit

PROCRASTINATION

mamaya nalang! 


X. Xray or UltraSound

Xray! Once pa lang ako nag pa X-ray at nag enjoy naman kami ni nurse. haha! At eto ang result! Taadaaa!



Y. Your favorite food

Fruit: Avocado
Drinks: Vanilla coffee/frappe, pineapple juice, lemonade
Main course: Seafoods and gulay na ginataan. At mga ulam na nakakamatay (kare-kare, tokwa't baboy, bopis, sisig etc na nakaka-high blood)
Sidedish: Potato Salad/Mashed Potato
Dessert: Cake, or should I say Icing? lol


Z. Zodiac Sign

The first astrological sign in the Zodiac, spanning the first 30 degrees of celestial longitude (0°≤ λ <30º), which area the Sun transits.

Ladies and gentlemen,

The ram, Aries (♈)!



Sunday, July 7, 2013

Extra Rice!

http://cdn2-b.examiner.com/sites/default/files/styles/image_content_width/hash/f7/b2/spaghetti_5.jpg?itok=xFrDul7D
Sa counter sa isang fastfood chain.

Cashier: Hi Sir! Ano pong order nila?
Me: N2 po. (Spaghetti, drink, hamburger)
Cashier: Dine in or take out?
Me: Dine in.
Cashier: Ano pong drinks nila?
Me: Pineapple.
Cashier: Ang order po nila ay 1 spaghetti, 1 regular Yum, and 1 Pineapple po.
Me: Yes.
Cashier: Wala na pong i-a-add?
Me: Wala na po.
Cashier: Extra rice po?
.
.
.
.
Me: HA?

Tumingin ang kahera sa order ko...

Cashier: Ay!


lol

Monday, July 1, 2013

Tatlong Piso

Sumakay ako ng tricycle nang ako'y pauwi na. Nadatnan ko ang isang lalaki sa backride na siyang tinabihan ko, at sa loob naman ay dalawang pasahero. Apat na kami. Naghi-hintay pa ng isa pang pasahero para makaalis na. Nangolekta na ang tricycle driver ng mga pamasahe namin. Nagbigay ako ng sampung piso bilang bayad hanggang sa subdivision namin. P13.00 'pag hanggang Industrial Park (may kasabay) at P18.00 naman kung nag-iisa ka lamang (solo). 

Nag-abot ng tag-sa-sampung piso ang dalawa pang kasabay ko, at ang isa naman ay nag-abot ng P15.00. Kung may makakasabay siyang papuntang Industrial Park, siya ay susuklian ng dalawang piso at kung mag-isa lang siya, magda-dagdag pa siya ng tatlong piso. Tinanong siya ng driver kung okay lang sakanyang magbayad ng P18.00 kung mag-isa lang siya. Hindi sumagot ang pasahero. 

May ilang sandali lamang siya para mag-isip kung siya ba ay papayag. 

Ilang sandali pa ay dumating na ang isa pang pasahero. Sa wakas, makakaalis na kami. Tinanong ng driver kung saan bababa ang bagong sakay na pasahero. "Subdivision po". Sa madaling salita, solo lang yung nagbigay ng P15.00 papuntang Industrial Park. Siya naman ang tinanong ng driver kung okay lang ba sakanyang magdagdag ng tatlong piso. 

Hindi siya sumagot.


Dumukot ang pasahero sa kanyang bulsa. Sakto, tatlong piso. Hawak niya ito sakanyang kamay, pinaglaruan at pinapa-ikot-ikot sa kanyang mga daliri habang tinititigan ito. Lahat kami ay nag-aabang sa kanyang desisyon. Nakahanda ang tatlong piso ko. Kung sakaling hindi siya pumayag, ako nalang ang magda-dagdag. Hindi dahil sa ako'y mayaman, alam ko lang na talagang nagmamadali na siya at alam ko ang pakiramdam ng walang wala. 

Halos isang minuto nang makapagdesisyon ang pasaherong i-abot ito sa driver. Sa kanyang pag-abot, alam kong may pagdadalawang-isip at may halong panghihinayang, may ilang senyales na parang gusto niyang bawiin ang perang inabot.

Napa-isip tuloy ako. Sakanyang kasuotan, masasabi kong hindi mataas ang kanyang posisyon, maaring ito'y nasa pinakamababang kalagayan. 

Medyo mataas din naman ang pinag-aralan ko kahit paano, pero hindi sapat iyon para masabing habambuhay na maganda ang ikot ng roleta ng buhay ko. Kahit ilang beses pa ako mag-aral ng Probabilty and Statistics, hindi ko masasabi ang eksaktong mangyayari sa hinaharap. 

Hindi ko alam. 

Darating kaya sa puntong manghihinayang din ako sa pagbitaw ng tatlong piso? 'Wag naman sana. 

Huwag naman sana.


"For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." - Jeremiah 29:11

Thursday, June 27, 2013

Pao Kun

Now that's the new name of my blog.

Siguro naman hindi ko na ngayon kailangang magpaliwanag masyado kung bakit Pao Kun ang ipinalit na name ko sa blog na ito. Kumbaga "me" na "me" blog na ngayon ito. The conceited me. Haha!

Binago ko ang lay-out. Nagdagdag ng header. Konting bihis, hubad at palit ng kulay. Yung mas simple sa paningin.

Salamat sa kapatid ko na nagsponsor para sa domain. Salamat ng marami.

Maraming salamat din sa mga nagkomento sa previous post ko, touched ako. ;)

Hindi po ako permanenteng umalis. Sabi ko nga, I shall return!

Now I'm back from outerspace, and I welcome you all to my "new" blog! :)

Have a good day!

Love,
Pao Kun

P.S. Hindi ko po alam kung mag-a-appear pa po ito sa blog list o blog roll nyo dahil sa pagpalit ko ng link o blog name.   Makikisuyo nalamang po kung sakali. Salamat. :)

Monday, June 24, 2013

One Last Cry

Mahigit isang buwan na akong walang update. Update-update din 'pag may time.

May nakaka-miss din naman pala sa akin kahit paano.  Ewan ko nga lang kung totoo? Hahaha!  Pero Thanks!  Namiss ko kayo, at unti-unti ko kayong dina-dalaw sa mga bahay nyo, hindi pa nga tapos actually.

Ano na bang nangyari kay Pao Kun?  Bakit hindi na sya nakakapagblog at bloghop? Anyare?

Wala naman! Busy lang sa kaliwa't kanang interviews and exams.  In demand kasi ang kuneho.

Biro lang! Yung company kung saan una akong sumalang sa interview ay ang siyang papasukan ko ngayon (yun ay kung makakapasa sa medical). Swerte na rin, dahil sinabi ko noon sa sarili ko na ang sinumang company na tatanggap sa akin ay ang siyang pipiliin ko.  Hindi ako magiging choosy! Anyways, nagkataon din namang walang ibang choices. lol






Habang nakatambay nitong mga nakaraang linggo, medyo nawili ako sa pag be-bake ng cupcakes and brownies. Saktong trip lang. Hindi lang talaga maikukumpara sa napakasarap na cupcakes ni ate Arline of The Pink Line at non-bake cake ni Rix ng Kwentong Baliw ng Isang Rixophrenic, pero edible din naman ang gawa ko. haha!

Honestly hindi naman talaga yan ang dahilan kung bakit wala akong update, tinatamad lang talaga ako mag-update kaya wala akong update. lol!

At alam ko, hindi ko nakakalimutan ang mga utang kong doodles sa mga pinagkaka-utangan. ;)

At nga pala, ang walang kwentang post na ito ay ang huling post ng "To Infinity and Beyond! Pangkalawakan!"
Ciao!

P.S. I Love You.
P.P.S. I shall return!

Sunday, May 5, 2013

Silhouette Tree - An Interpretation

Kamakailan lamang ay nakatanggap ako ng isang mail galing sa isa sa mga hinahangaan kong blogero pagdating sa pagsusulat at pagkuha ng mga litrato. Bilang isa rin siyang magaling na mangguguhit ay madali sa kanya ang gumawa ng mga interpretasyon ng mga larawan at iba pang mga bagay-bagay.

Isa sa aking mga nilikha ang kanyang napili upang bigyan ng interpretasyon. Ito ay kanyang naisaad nang siya ay magkomento sa aking Art Gallery 

Narito ang isa sa apat na kanyang napili:



At heto naman ang nilalaman ng kanyang liham na sinamahan ko na rin ng aking komento:


As promised, eto na ang interpretation ko sa isa sa mga art na napili ko from you[r] gallery. At dahil sa ako ay isang artist na kagaya mo, ipinattern ko ang aking obserbasyon sa isang tula (adaptation from the poem A Tree by Joyce Kilmer). Binago ko ang mga words from the original Poem kaya naman patawad po Ms Joyce Kilmer. Medyo seryoso ang atake ko dito pero wag mong seryosohin hahaha. Dahil dito kaya hindi ako nakagala today! hmmmp! kasalanan mo ito!

Anyhow, nag enjoy naman ako sa pag-gawa nito at medyo nahasa ang aking utak hahaha. Pagtyagaan mo na lamang...


The Silhouette Tree!


I. I think I shall never see

   A lovely ART silhouette tree

Silhouette , ito ay sumisimbolo ng iyong katamaran sa pagguhit at pagpipinta. Aminado ang mga dalubhasang pintor na kapag sila ay tinatamad, puro silhouette art ang kanilang naipipinta. Ito ay sa kadahilanang napakadaling gawin nito. Itiman mo lang at may shadow ka na. Di mo na kailangan ng detalye. Kagaya ng punong ito, maitim, anino lamang at presto! May silhouette ka na. Para sa kaalaman ng lahat, ang puno ay isa sa pinakamahirap na subject. Kailangan mong bigyan ng buhay ang bawat dahon, bunga at sanga. Maging ang hampas ng hangin kung kinakailangan. Ito marahil ang dahilan kung bakit tinamad ka. Kaya naisipan mong itiman na lamang ang kawawang punong ito!


[Oo tama ka, tamad ako, pero this time, sadyang hindi ko pa po kaya ang detailed tree nung mga panahong ipininta ko ito. :)]


II. A tree whose hungry roots are pressed

    Against the white canvass it rest.

Canvass – it is an obvious rule na kailangan di ka mag-iiwan ng blankong espasyo sa iyong canvass. At ang halos lagpas kalahati ng area ng iyong canvass ay nagsisilbing background sa main subject ng iyong ART. In this case, ang kawawang punong initiman! Sa final form either you cropped it o kaya naman ay talagang punuin mo ito. Magaling ang iyong ginawa, pinuno mo ang iyong canvass ng iba’t-ibang kulay. Mula sa ibaba, pataas. Ang mga kulay na iyong ginamit ay Pinoy na Pinoy ang dating. You are proudly pinoy dahil ginamit mo ang kulay ng watawat ng Pilipinas sa iyong background. Dilaw, Pula at Asul. Since Asul ang nasa taas, I pressumed walang giyera nong panahon na ginawa mo ito. 


[Walang dudang walang giyera nung panahong to. Sadyang kulang lang po ang aking oil pastel noon, hanggang ngayon kaya naman selected lang ang nagamit kong panghulay ;)]


III. A tree so proud that stood all day,

      Waiving her leafy arms away;

Focal Point – Ang initimang puno na nasa gitna ang pinaka focal point ng obrang ito. Ang focus ng paningin ay hinahatak papunta sa gitna na nagiging daan para maduling ang titingin. Babala, wag pakatitigan ng matagal.

Sa kabilang banda, takot kang kumawala sa iyong comfort zone. Gusto mong manatili sa gitna kagaya ng maitim na punong ito. Ayaw mong mapunta sa gilid o yong tinatawag nating danger zone. Nagkakasya ka na lamang sa safe zone. Try mo ang rule of thirds sa photography. Applicable din yan sa painting. At dahil gusto mong laging nasa gitna, ang buhay mo ay walang angas! Walang masyadong adventure! Boring ang laging nasa gitna ang subject. Gilid gilid din paminsan-minsan. Pagmasdan mo ang punong iyong iginuhit… safe na safe sa gitna. Pero kung ako ang papipiliin, mas okay sa akin ang puno sa gilid ng bangin! Try mo lang, tapos may nakasabit na kuneho na malapit nang mahulog.

  
[Wala talagang angas ang buhay ko, hindi ako mahilig sa spotlight. Ayaw ko din maging flashy ang dating. Maganda ang suhestyon mong puno sa gilid ng bangin, ewan ko lang yung kuneho, kawawa naman!]

IV. A tree that may in season wear

      A robin’s lost in her dark hair;

Dark – Dahil sa itim na bumabalot sa puno, wala ring kasiguruhan kong anong season o panahon ba ang ipinapakita sa Art na ito. Winter? Spring? Summer? Or Fall? Ano nga ba? Maari nating ipagpalagay na ikaw ay nasa panahon na walang kasiguruhan. Ito ang panahon na ikaw ay nagdadalawang isip kung anong panahon meron during the time na ito ay iyong pinipinta. Naguguluhan? Lost? Binabalot ng pag aalinlangan? Yan ang mga nais ipahiwatig ng iyong iginuhit.

[wala akong masabi. haha!]


V. Upon whos bottom no one seen

     Who intimately lives with pain

Pain – Ramdam ko! Damang dama ko ang sakit na iyong dinadala sa pagkakaguhit mo ng kaARTehang ito. May diin! Ang bawat hagod ng pluma ay nag-iiwan ng marka na may gigil at galit! #Popoy Oppps, sume segway kay Popoy. Aking hinuha na ang pag-guhit ay isa sa mga outlet mo para ilabas ang sakit na iyong nararamdaman. Isang paraan na maibuhos mo lahat ng sama ng loob sa pagpipinta. Sabi nila, ang isang obra ay kailangang may “soul” at base sa aking obserbasyon, nakikita ko at nararamdaman ang kalungkutan sa punong ito. Ang iyong pinagdadaanan. Ang masakit at malungkot na nakaraan. Ang parte ng buhay mo na sana, kayo na lang nagkatuluyan hahaha.  Sana maka move on ka na!


[ayaw ko mag move on!]


VI. Comments are made by fools like me

      But only You can draw this tree.



THE SILHOUETTE TREE
by Super M

I think I shall never see
   A lovely ART silhouette tree
A tree whose hungry roots are pressed
    Against the white canvass it rest.
A tree so proud that stood all day
Waving her leafy arms away
A tree that may in season wear
      A robin’s lost in her dark hair;
Upon whos bottom no one seen
     Who intimately lives with pain
Comments are made by fools like me
      But only You can draw this tree.


Hayaan mong kahit papano eh mabigyan ko ng justice ang obra maestra mong Silhouette Tree... may justice nga ba? Parang wala hahahaha! Hanggang sa susunod...



*****


Maraming maraming salamat, Super M ng UNPLOG (na suking suki na ata ng blog ko, ang kulit kasi! Hahaha!) sa isang napakagandang interpretasyon, makatang makata ang dating. Maraming salamat. Maraming salamat dahil sa iyo, nag karoon ako ng new blog post. At oo nga pala, isusumbong kita kay Mr Joyce Kilmer. 


-Pao Kun



Sa mga nais magpadala rin ng mga interpretasyon, o kung ano pa man,  maaring ipadala po ito sa jppaopaul@gmail.com. Maraming salamat!




Monday, April 22, 2013

Diary101: April 2 & 3


NOTE: Read this as if today's April 4, 2013

April 2, 2013


3:00 AM na ako nakatulog. Pero actually, mula 10 pm antok na ako, konting basa, maya-maya antok na ulit. Gising ulit, text, basa, tulog hanggang sa tuluyan nang napagdesisyunang matulog ng wagas. Sa wakas! :) 

6:00 AM nagising ako at sa kabila ng kakulangan ng tulog, naisipan ko nang magkape at magsimula ulit magbasa sa kadahilanang wala namang pumasok sa isip ko nung nagbasa ako nang madaling araw dahil sa kaantukan.

HAPPY BIRTHDAY BESPREN!

Birthday ni bespren kahapon. At naalala kong artwork ang gusto nya para sa kaarawan nya, na dapat ay nung April 1 ko gagawin pero nalulong ako sa pagbabasa ng thousands of terms na kailangang sauluhin slash intindihin! 



Hindi ko pa rin sya natapos nung isang araw kaya naman pinagpatuloy ko hanggang abutin ako ng madaling araw. Pinagpatuloy ko kahapon at binalikan ang ilang mga terms dahil alam kong hindi sila pumasok sa makitid kong utak.

***

Habang nagbabasa ay nakatext ko naman itong si John Lloyd Cruz at siya ay nanghihingi ng kape. Kaya naman ibinato ko sakanya ang 3in1 na Blend 45. Siya ay kasalukuyang nagluluto ng Fried Rice *espesyal*  daw at nang tikman ko, maalat. 

Bakit maalat? Kasi may halong luha. Lumuluha pala si JLC. Kaya pala, last weekend nya na pala this coming weekend dahil may shooting sila ni Rina Bea sa Bahay ni Maria Dubai! Tsk.

Nakakalungkot.

Usap, usap, usap.

Hu hu hu! <-iyak nya yan! Hahaha!

Basa, basa, basa.

At dahil kailangan ko ring simulan ang artwork ko, kapag kailangan ko ng review break, nagpipinta ako. 

Pinta, pinta, pinta.

Basa, basa, basa.

***

Ako ang dakilang drayber ng aming sambahayan. Isa pang nakikihati ng aking oras ang manibela nito. Despite of my busy sched, kailangan ko pa ring magdrive, no choice e.

Saka ko naman naalala na expired na ang aking lisensya! May time pa ba ako? March 24, 2013 naexpired. Birthday ko kaya nawala na sa isip ko. Pupunta pa ba ko sa LTO? Waaah! Late na ko! Ano?!

Hala sige, habang nagdedecide eh basa-basa pa rin pag may time.

****
Nung araw din na yan ay nakausap ko naman ang  isa sa mga hinahangaan kong kompositor at mang-aawit, at CRUSH kong si Yeng Constantino.

May binulong siya sa akin...

Nagulat ako!

Nasaktan. Nag-isip.

Pero dahil masunurin akong bata, sumunod pa rin ako sa kanyang request.
 Kumanta ako!


*** Namnamin ang lyrics. ***

Mangiyak-ngiyak ako sa performance ko, at syempre nag-eexpect ako ng standing ovation mula sakanya!

Pero hindi siya pumalakpak ni isang *pak! Tinabihan nya ako at sinabing:

"Sintunado ka."

"IKR! Wait... What?!"

Lumapit muli siya at bumulong.

Nagkamali pala ako ng dinig sa una niyang binulong saakin. Namis-interpret ko yung unang bulong.


HINDI SYA NAGRE-REQUEST!

Sayang ang performance ko, pero wala na, nakanta ko na e.

Sana after ng board exam ko, kahit sintunado ako, willing pa rin siyang pakinggan ang kanta ko.

Oo, si Yeng Constantino.

***

Dahil sa lahat nang nangyari sa itaas mula sa title, muntik na akong mabaliw.

Hindi na ako nakatapos sa pagpipinta:



Hindi rin ako nakapag pa-renew ng lisensya.

Pero syempre, natapos ko naman ang nirereview ko.

Basa nga lang yung papel. Natapunan ng kape.

***


April 3, 2013

Pumunta akong LTO. At challenge sakin ang urine test! Hindi ko mapuno yung isang bote na kailangang punuuin kasi hindi ako mapaihi. Ilang bote na ng tubig ang nainom ko at may orange juice pa! Yung paghihintay bago ako mapaihi ay syang umubos ng oras ko.

May pektus ba para maihi? Konti nalang, maniniwala na akong kailangan ng talent para mapaihi. lol

***

Dying na ako sa kahihintay.

Ang init. Ang tagal. Ang daming tao.

After 5 hours, success!

After lunch na ko nakauwi. Grabe. Half life ang natira sakin. :((

At heto ako ngayon. Pahinga.

Pahinga.

At ngayon, kailangan ko na magreview ulit. Ayun!

Ciao!

***


PS. Walang "huhuhu" na nangyari habang nagsasangag si JLC hahaha! *Ewan ko lang din. lol
PPS. Walang "kantahang" naganap. :P
PPPS. Malapit na po ang board exam ko, pray for me please? 12 days to go! 
PPPPS. Salamat sa mga nagppray. Super appreciated po. :)
PPPPPS. Hiatus na ko after this.


"I'll do my best and I know God will do the rest!"


Disclaimer: The video and meme photo used were not mine. 

Friday, March 22, 2013

Love & Drive

Love is like driving, it starts with a spark. 

...and sometimes, it comes with music.  




     Ang love ay parang driving. Marami silang similarities. Halimbawa ay ang mga first-timers o hindi pa nasubukang magmahal; yung iba, gustong pasukin ang mundo ng pag-ibig pero hindi alam kung paano. Yung iba naman, takot lang talaga. Parang sa pagmamaneho, maraming gustong matuto pero yung iba, takot humawak ng manibela. 

    Paano tayo matututo kung hindi natin susubukan? Syempre, kailangan natin ng lisensya para magawa natin ito nang legal. Sa driving, ito yung tinatawag na student's license 'pag nag-aaral pa tayo, hanggang sa makakuha tayo ng non/pro license. Sa pag-ibig, kailangan natin ng pahintulot ng magulang natin o approval ng buong pamilya para maging legal at mas masmasaya ang pagsasama. Maganda yung walang itinatago. 

Nakaw lang sa google :)

     Kung sa driving ay may coach tayong magtuturo sa'tin kung paano magmaneho, sa love, pwedeng ganun din.  Nariyan ang mga magulang na pwede natin mahingan ng payo, o kaibigan para makakuha ng diskarte. 'Yun nga lang, walang "loving school" gaya ng "driving school". Sa una, kung ano lang ang sasabihin sa'tin ay ayun lang ang gagawin natin, hindi natin kayang magpatakbo kung wala ang tagapagturo natin sa ating tabi. Pero 'pag natuto na tayong magmaneho, darating ang time na gugustuhin nating magmaneho mag-isa para malaman natin kung kaya na ba talaga natin. Gaya ng pag-ibig, sa una kailangan natin ng mga tagapayo, hanggang sa dumating yung time na tayo na lang ang didiskarte sa relasyon natin. 


     Kapag tayo ay natuto na magmaneho, hindi sapat na marunong lang tayo magpatakbo ng sasakyan. Kailangang maging responsable tayong driver. Dapat alam natin ang traffic rules. May stop, wait, and go. Parang pag-ibig. Once napasok na natin ang mundo ng pag-ibig, may minamahal na tayo at nagmamahal na sa'tin ay hindi ibig sabihin na tapos na ang ating pag-aaral at pagdiskarte sa pagmamahal. Everyday is a learning process.

     Sa love, walang traffic light, pero dapat nating alamin kung kailan tayo mag-go-go, wait, or stop.
   
     Hindi naman natin kailangang magmadali sa pag-ibig, hindi porque ang mga kasama o kaibigan natin ay mga taken na, dapat na rin tayong pumasok sa relasyon agad-agad. Hindi natin kailangang mapressure. Tandaan, tayo ang may hawak ng susi. We don't need to pressure ourselves, we have to wait. Cliche na siguro pero true love waits.  May nakalaan para sa'tin. Someone worth having is worth waiting for.

     Kung sa tingin natin ay right time na para tayo ay magmahal at right person na ating mamahalin, go na! Pero tandaan, sa driving, habang naandar ang sasakyan, hindi laging patag ang daan. May humps tayong madadaanan,  hard rights, hard lefts, rough roads, uphills, at down hills. Mahirap sa una, 'pag unang beses palang natin silang na-encounter, may time na namamatayan tayo ng makina. Pero habang tumatagal, nakukuha na natin ang techniques at masmadali na para sa'tin ang iba't ibang uri ng daan. Habang tumatagal ang pagmamaneho natin, mas natututo tayo.  Parang pag-ibig. Smooth sa una, pero marami tayong pagdadaanang mga pagsubok. Sa una mahirap at darating yung time na maiisip natin na dapat na tayong mag-give up; Pero hindi dapat agad tayo sumuko. Try natin maghold-on at kapag nalampasan natin ang mga pagsubok, yan mismo ang magpapatatag sa ating pagmamahal.  We learn as we go.

     Hindi lang dalawa ang kulay ng traffic light. Hindi lang wait & go ang meron ito. Mayroon ding stop na tinatawag. Kapag pinilit pa rin nating tumakbo kahit naka-red signal, tayo ay makakasuhan ng "beating the red light" na magpapaalala sa atin na  hindi tama ang ating ginawa. Parang sa relasyon, minsan alam na natin na kailangan na nating huminto pero matigas ang ulo natin, pinagpipilitan pa rin natin ang hindi tama. Sa huli, tayo rin ang masasaktan hanggang sa marealize natin na there's nothing we can do but to stop. STOP. Hanggang doon nalang talaga. Kahit anong pilit natin, hindi na ito magwo-work.

   
     Kapag tayo ay nagda-drive, hindi sa lahat ng oras ay tama ang ating dinadaanan. May oras na nagkakamali tayo. Naliligaw. Mali ang nadadaanan.  Mali ang nalilikuan. Mali ang pinatutunguhan.  Kahit mahaba na ang naitakbo ng ating sasakyan hindi ibig sabihin ay tama na ang ating dinadaanan. May mga pagkakataon na ang daang tinatahak pala natin ay dead end. Parang pag-ibig, hindi sa tagal ng relasyon nasusukat ang lahat.  May mga taong akala natin ay sila na talaga ang para sa atin. Sa tagal ng pagsasama ay magkasama na ring nakabuo na ng pangarap, pagmamahalang akala natin ay walang hanggan subalit sa huli ay mauuwi rin sa wala ang lahat.


Ganyan talaga ang pag-ibig. Hindi lahat may happy ending. Pero huwag mag-alala, 'pag humantong tayo sa dead end, hindi ibig sabihin ay titigil na tayo. Parang sa driving, pwede tayong mag U-turn at magsimula ulit.





We may have failed, but at least we learned. May mga tao at lugar tayong ginugusto, minamahal at pinapangarap pero hindi lahat makukuha at mararating natin. Kung sakaling mabigo, part yan ng buhay. Even the end of a dream is not the end of the world. Life goes on. Let's just drive, enjoy the ride and fall in love! ;)



Ciao!



Disclaimer: Galing lang sa google ang mga larawan na hindi nagtataglay ng aking watermark.



     


Monday, March 4, 2013

The Thief of the Time


Malapit na ang birthday ko. Excited na 'ko! Joke lang. Sa totoo lang hindi ko maalalang na-excite ako sa birthday ko. Marso din kasi ang pinakabusy na month para sakin. Nung nasa kolehiyo pa ako, eto yung Month na talaga namang nagsisipag ako ng pag-aaral at talaga namang nakakapagod! Bakit? Kasi kailangan kong maghabol sa mga professors grades dahil malapit na ako bumagsak. lol

Pray for me ha, this coming April 15, 2013 Board Exam :) Thanks!

Mayroon pa akong isang buwan at mahigit pa para paghandaan ang review para sa isang subject. Kung tutuusin, pwedeng sabihin na mahaba pa ang oras at para sa akin, oo. Ako kasi yung tipong mas nakakapagconcentrate pagdating ng last minute. Yabang!

Noong nasa kolehiyo ako, kung ano lang ang unang exam kinabukasan ay siya lang ang aaralin ko. At matapos ang isang exam, tsaka ko palang aaralin ang kasunod. Ayun, bagsak. lol

***

Procrastination is the thief of the time.


Procrastination refers to the act of replacing high-priority actions with tasks of lower priority, or doing something from which one derives enjoyment, and thus putting off important tasks to a later time.

Minsan kahit hindi natin kagustuhan magprocrastinate e may mga oras pa rin na mahirap iwasan. Bakit?

1. Resources: You may have all the time you need, but you lack resources.
2. Time: You may have all the resources you need pero wala kang time. 

Minsan naman, we have all the resources and time pero ano? Tinatamad lang tayo. Yan yung time na masasabi kong aware tayo na "may magnanakaw sa ating bahay" pero tayo rin mismo ang nagbukas ng pintuan para sakanya at nakawin ang gusto n'yang nakawin.

E ano naman kung magprocrastinate tayo? Wala lang. Mag c-cram lang naman tayo sa bandang huli. Worse? Hindi natin magagawa ang mga bagay na dapat nating ginawa at maiisip nating "sana ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit."  "sana pala nung una palang ginawa ko na" pero huli na ang lahat. 

Paano ba maiiwasan ang procrastination? 

Time management po. :) Makakatulong ang paggawa ng schedule o paglilista ng things to do at paggamit ng planner.  Matuto tayo mag prioritize. Kung ano yung mga mahahalagang bagay, yun ang siyang unahin natin! sa ganyang paraan, maiiwasan natin ang pagkagahol sa oras. ;)

***


Kwentong Kuneho.


Habang busy ako sa paglalaro ng PSP... may batang lumapit sa akin.

JJ: Kuya! Alam mo ba kung ano ibig sabihin ng PSP?
Pao: Oo.
JJ: Sige nga! Ano?
Pao: Play Station Portable.
JJ: Hindi kaya...
Pao: Yun kaya. (seryoso)
JJ: Hindi ngaaaa! Alam ko!
Pao: (Nakukulitan na) E ano!?
JJ: PSP. Pogi Si Pao!
Pao: Wow! (gulat ako sabay ngiti) oh gusto mo maglaro? heto oh! *abot ng PSP

Para akong nauto! hahaha! Hayyy! Sa mga bata mo talaga malalaman ang katotohanan! ;)

Si JJ at ako


ciao!

Wednesday, February 13, 2013

Walang Lihim


     "Pwede niyo po ba akong kwentuhan bago matulog?"

     "Ano ba’ng gusto mong kwento?"

     "Gusto ko po ay istorya niyo"

     "Sige, iku-kwento ko ang aming istorya ng matalik kong kaibigan"

    "Sige po."

    "Si Mikko ang aking matalik na kaibigan. Matagal na kaming magkakilala. Mula pa noong kami'y musmos pa lamang lagi na kami magkasama; sa pagkain ng paborito naming sorbetes, sa paglalaro maghapon at maging sa pagligo araw-araw.  Sabay kaming natutong magsulat at magbasa. Sabay kaming natutong bumilang at sabay natutunan ang iba pang mga bagay-bagay na itinuturo sa elementarya. 

     Si Mikko at ako ay hindi naging magkamag-aral pagtungtong ng sekondarya ngunit madalas pa rin ang aming pag-istambay pagkatapos ng klase. Tumatambay kami sa ilalim puno ng mangga hanggang abutin ng madaling araw na gamit lamang ang munting liwanag na nagmumula sa lamparang nakasabit sa sanga. Hindi namin alintana kung anuman ang iniisip ng iba. Matapos ang apat na taon, sabay din kaming nagtapos ng sekondarya. Magkasama sa kalokohan, tawanan at saksi kami sa bawat pag-ibig na nadaanan ng bawat isa. Ang unang pag-ibig, unang halik at unang pakikipagtalik, unang pagkabigo sa pagmamahal, problema sa pamilya ay hindi lingid sa kaalaman naming dalawa. Walang inililihim kumbaga, maging libag sa bawat singit at kuyukot ay alam naming dalawa nung kami'y mga bata pa. 

   Walang lihim. Iyan ang pangako naming dalawa. Mga salitang iniukit namin sa puno ng mangga. Habambuhay na pagkakaibigan ang sumpaan namin sa isa't isa. 

     Si Mikko at ako ay sabay na tinahak ang mundo ng kolehiyo. Ako bilang isang nars at siya naman bilang isang inhinyero. Bagamat magkaiba ang aming talakdaan ng pagpasok sa unibersidad ay pinipilit pa rin naming magkita kapag may bakante kaming oras o araw. Kalimitan, isang araw lamang sa loob ng isang buwan kami kung magkita, pero ang araw na iyon ang siyang nagiging pinakamasaya sa lahat. Bawat araw ng pagkikita ay pagbuo ng mga bagong pangarap. Pangarap para sa sarili at pangarap para sa bawat isa.

     Nauna ako kay Mikko na makapagtapos ng kolehiyo. Bago siya makapagtapos ay may trabaho na ako. Mas naging mailap ang aming pagkikita. Isa hanggang dalawang beses sa loob ng kalahating taon.  Gayun pa man, kagaya ng dati, ang aming araw ng pagkikita ay ang siyang nagiging pinakamasaya sa lahat.  May kaunting pagbabago pero batid pa rin niya kung ano ang gusto at kung ano ang ayaw ko. Hindi niya ginagawa ang kanyang mga bisyo lalo na ang paninigarilyo sa harap ko dahil alam niyang may hika ako. Lagi rin siyang may baong medisina para sa akin. Iniisip niya lagi ang karamdaman ko. Matalik na kaibigan ko talaga si Mikko. 

     Lumipas ang ilang taon ay nagkaroon ako ng kasinatahan at sa huli’y nagpasyang magpakasal sa susunod na taon. Si Mikko at ang aking mapapangasawa ang kasama ko sa pag-aasikaso nito. Kasama si Mikko sa pagtakda ng araw at oras kung kailan ang kasal. Kasama siya sa pagpaplano kung saang simbahan at katulong din namin siya sa paggawa ng listahan ng mga panauhing imbitado. Kasama siya sa pagpapasya kung saan gaganapin ang salu-salo at kung ano ang ihahandang pagkain sa araw ng aking pakikipag-isang dibdib. Ganyan kabuti at talagang maasahan ang matalik kong kaibigan.

     Isang taon ang lumipas, dumating na ang araw ng kasal ko. Malapit na magsimula ang seremonya. Handa na ako at ang magiging asawa ko. Ilang minuto na lamang subalit wala pa rin si Mikko. Para na akong alupihang hindi mapakali sa paghihintay sa kanya. Naghihintay na ang lahat ng tao pero hindi ko itutuloy ang kasal na ito kung wala ang matalik na kaibigan ko. Wala akong pakialam sa kahihiyang matatamasa ko kahit mailathala man ito sa peryodiko. Hinanap ko siya sa loob ng buong simbahan, ginala kong parang ahas ang aking paningin at nagtanong-tanong kung siya ay nasaan. May isang batang lumapit at nagsabing bago raw siya dumating ng simbahan, nakita raw niya sa ilalim ng punong mangga ang aking matalik na kaibigan. 

     Mangiyak-iyak ako sa aking napakinggan. Naglalakad akong patungo sa manggahan habang napapaluha sa sobrang tuwa dahil akala ko ay bibiguin ako ng aking matalik na kaibigan.  Sa ilalim ng puno ng mangga, kung saan nakakabit pa rin ang lumang lampara, nakita ko si Mikko. Nakaupo sa damuhan. Nakangiti sa akin habang ako'y papalapit sa kanya. Pinaupo niya ako sa kanyang tabihan. 

     Si Mikko ang aking matalik na kaibigan. Masayahin pa rin siya. Walang humpay na tawanan at walang hanggang kwentuhan ang aming napagsaluhan sa ilalim ng puno ng mangga. Walang pakialam sa tumatakbong oras. Ito ang unang beses na nagkita kami ngayong taon, at gaya ng dati, ang araw na ito ang siyang pinakamasayang araw sa lahat, isang kasiyahan na hindi mailalarawan kahit kuhanan pa ito gamit ang kamera. Malapit na ang ika-lima ng hapon at ito ang takdang oras kung kailan nakatakda ang seremonya. Parehong oras ng aming pagkikita rito sa ilalim ng puno ng mangga noong kami'y mga bata pa. Biglang nanariwa ang aming masayang nakaraan at nagbalik-tanaw sa makukulay na napagdaanan. Tahimik ang paligid. Pinapikit niya ako. Hinawakan ang kamay at hinalikan sa pisngi at nagbanggit ng mga katagang "Malungkot, pero masaya ako para sa'yo!". Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Napamulat ako at nakita kong siya'y naglalakad papalayo sa simbahan. Hindi ko siya magawang tawagin. Napansin ko lamang ang isang papel na kanyang iniwan sa puno ng mangga. Tinaga niya ng malalim ang dati naming inukit  na salita at doon isiniksik ang papel.

Para sa matalik kong kaibigan, 
         Bata pa lamang tayo ay nahulog na ang loob ko saiyo. Hindi ko saiyo sinabi dahil isang matalik na kaibigan lamang ang tingin mo sa akin. Ayaw ko itong sirain. Umaasa akong mawawala din ang pagtingin ko saiyo kasabay ng paglipas ng panahon. Subalit nagkamali ako. Sa paglipas ng mga araw na hindi tayo nagkikita, mas higit ang pananabik ng puso ko saiyo. Sinibukan kong magtapat saiyo pero kapagkaharap na kita, nawawala ang aking pagkabarako. Naduduwag ako. Sinubukan ko rin ang iba't ibang bisyo at nagbaka-sakaling makalimutan kita subalit bigo pa rin ako. Bawat araw na nagkikita tayo sa ilalim ng puno ng manggang ito, ibang bisyo pa rin ang nagagawa ko, at iyon ang bisyo ng pag-ibig sa'yo. Ang bawat araw kung kailan tayo nagkita ay ang siyang pinakamasaya sa lahat.
           Patawarin mo ako dahil naglihim ako sa'yo. Sinira ko ang pangako nating inukit sa punong ito. Ngayong ikakasal ka na, ayaw kong maging parang puta na nagmamalinis at nagtatago ng kasalanan kapag kaharap ka. Ayaw kong madagdagan ang kasalanan ng paglilihim sa'yo.
           Ngayong araw ang una at huli nating pagkikita sa taong ito. Masasabi kong ang araw na ito ang siyang pinakamapait, subalit kagaya ng dati, ito pa rin ang pinakamasayang araw sa lahat. Salamat!
             Masaya ako para sa'yo.
  
Nagmamahal mong matalik na kaibigan,
Mikko


'Yan ang istorya ko at ng taong nagbigay sa atin ng magandang buhay. Ang dahilan kung bakit kita isinilang. ‘Yan ang istorya ko at ng iyong ama, si Mikko, ang pinakamatalik kong kaibigan, ang lalaki na siyang una kong minahal, at habang buhay na mamahalin."



Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...