Friday, March 22, 2013

Love & Drive

Love is like driving, it starts with a spark. 

...and sometimes, it comes with music.  




     Ang love ay parang driving. Marami silang similarities. Halimbawa ay ang mga first-timers o hindi pa nasubukang magmahal; yung iba, gustong pasukin ang mundo ng pag-ibig pero hindi alam kung paano. Yung iba naman, takot lang talaga. Parang sa pagmamaneho, maraming gustong matuto pero yung iba, takot humawak ng manibela. 

    Paano tayo matututo kung hindi natin susubukan? Syempre, kailangan natin ng lisensya para magawa natin ito nang legal. Sa driving, ito yung tinatawag na student's license 'pag nag-aaral pa tayo, hanggang sa makakuha tayo ng non/pro license. Sa pag-ibig, kailangan natin ng pahintulot ng magulang natin o approval ng buong pamilya para maging legal at mas masmasaya ang pagsasama. Maganda yung walang itinatago. 

Nakaw lang sa google :)

     Kung sa driving ay may coach tayong magtuturo sa'tin kung paano magmaneho, sa love, pwedeng ganun din.  Nariyan ang mga magulang na pwede natin mahingan ng payo, o kaibigan para makakuha ng diskarte. 'Yun nga lang, walang "loving school" gaya ng "driving school". Sa una, kung ano lang ang sasabihin sa'tin ay ayun lang ang gagawin natin, hindi natin kayang magpatakbo kung wala ang tagapagturo natin sa ating tabi. Pero 'pag natuto na tayong magmaneho, darating ang time na gugustuhin nating magmaneho mag-isa para malaman natin kung kaya na ba talaga natin. Gaya ng pag-ibig, sa una kailangan natin ng mga tagapayo, hanggang sa dumating yung time na tayo na lang ang didiskarte sa relasyon natin. 


     Kapag tayo ay natuto na magmaneho, hindi sapat na marunong lang tayo magpatakbo ng sasakyan. Kailangang maging responsable tayong driver. Dapat alam natin ang traffic rules. May stop, wait, and go. Parang pag-ibig. Once napasok na natin ang mundo ng pag-ibig, may minamahal na tayo at nagmamahal na sa'tin ay hindi ibig sabihin na tapos na ang ating pag-aaral at pagdiskarte sa pagmamahal. Everyday is a learning process.

     Sa love, walang traffic light, pero dapat nating alamin kung kailan tayo mag-go-go, wait, or stop.
   
     Hindi naman natin kailangang magmadali sa pag-ibig, hindi porque ang mga kasama o kaibigan natin ay mga taken na, dapat na rin tayong pumasok sa relasyon agad-agad. Hindi natin kailangang mapressure. Tandaan, tayo ang may hawak ng susi. We don't need to pressure ourselves, we have to wait. Cliche na siguro pero true love waits.  May nakalaan para sa'tin. Someone worth having is worth waiting for.

     Kung sa tingin natin ay right time na para tayo ay magmahal at right person na ating mamahalin, go na! Pero tandaan, sa driving, habang naandar ang sasakyan, hindi laging patag ang daan. May humps tayong madadaanan,  hard rights, hard lefts, rough roads, uphills, at down hills. Mahirap sa una, 'pag unang beses palang natin silang na-encounter, may time na namamatayan tayo ng makina. Pero habang tumatagal, nakukuha na natin ang techniques at masmadali na para sa'tin ang iba't ibang uri ng daan. Habang tumatagal ang pagmamaneho natin, mas natututo tayo.  Parang pag-ibig. Smooth sa una, pero marami tayong pagdadaanang mga pagsubok. Sa una mahirap at darating yung time na maiisip natin na dapat na tayong mag-give up; Pero hindi dapat agad tayo sumuko. Try natin maghold-on at kapag nalampasan natin ang mga pagsubok, yan mismo ang magpapatatag sa ating pagmamahal.  We learn as we go.

     Hindi lang dalawa ang kulay ng traffic light. Hindi lang wait & go ang meron ito. Mayroon ding stop na tinatawag. Kapag pinilit pa rin nating tumakbo kahit naka-red signal, tayo ay makakasuhan ng "beating the red light" na magpapaalala sa atin na  hindi tama ang ating ginawa. Parang sa relasyon, minsan alam na natin na kailangan na nating huminto pero matigas ang ulo natin, pinagpipilitan pa rin natin ang hindi tama. Sa huli, tayo rin ang masasaktan hanggang sa marealize natin na there's nothing we can do but to stop. STOP. Hanggang doon nalang talaga. Kahit anong pilit natin, hindi na ito magwo-work.

   
     Kapag tayo ay nagda-drive, hindi sa lahat ng oras ay tama ang ating dinadaanan. May oras na nagkakamali tayo. Naliligaw. Mali ang nadadaanan.  Mali ang nalilikuan. Mali ang pinatutunguhan.  Kahit mahaba na ang naitakbo ng ating sasakyan hindi ibig sabihin ay tama na ang ating dinadaanan. May mga pagkakataon na ang daang tinatahak pala natin ay dead end. Parang pag-ibig, hindi sa tagal ng relasyon nasusukat ang lahat.  May mga taong akala natin ay sila na talaga ang para sa atin. Sa tagal ng pagsasama ay magkasama na ring nakabuo na ng pangarap, pagmamahalang akala natin ay walang hanggan subalit sa huli ay mauuwi rin sa wala ang lahat.


Ganyan talaga ang pag-ibig. Hindi lahat may happy ending. Pero huwag mag-alala, 'pag humantong tayo sa dead end, hindi ibig sabihin ay titigil na tayo. Parang sa driving, pwede tayong mag U-turn at magsimula ulit.





We may have failed, but at least we learned. May mga tao at lugar tayong ginugusto, minamahal at pinapangarap pero hindi lahat makukuha at mararating natin. Kung sakaling mabigo, part yan ng buhay. Even the end of a dream is not the end of the world. Life goes on. Let's just drive, enjoy the ride and fall in love! ;)



Ciao!



Disclaimer: Galing lang sa google ang mga larawan na hindi nagtataglay ng aking watermark.



     


104 comments:

  1. feeling ko papasa na ko sa exam sa pagkuha ng non-pro license ko..hahaha.. andito ang mga signs! pero takot pa din ako mag-drive :( takot din ako mainlove :( huhuhuhuhu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku, kayang kaya mo yan! :)) madali lang kumuha ng license, abutan mo lang ng pera. Ssshhh! Joke! hahah! ;) bat ka naman takot mainlove?

      Delete
    2. license lang usapan at board exam nauwi sa inlaban? may issue kaung dalawa? bwahahahaha jowk. kayo ha!! lol wag ng takot2x dyan sis, si pao? matatakot ka? chos. hahaha

      Delete
    3. Oi makapag lagay ka naman ng issue jan, alam mo namang ikaw lang ang may issue sa dalawang tao, wow Lala, bigtime ka talaga, dalawang tao ang katumbas ng pag ibig mo! hahaha!

      Oo wala dapat ikatakot sa kin, harmless kaya ako! haha!

      Delete
  2. maganda ang pagkakahabi ng mga salita! boom!

    Naandar??? What a term... so provincial...hahaha

    Hmmmnnn swak sa sakto ang comparison ng driving pero nabitin ako at medyo naligaw sa byahe dahil sa ilang maling liko at tila yata nakalimutan mo ang pemreno.... Subukang mong magpa-full tank para tuloy-tuloy at payapa road trip! Change oil you want?

    Wala mang school of loving, pwede mo akong gawing instructor. Tuturuan kitang magmahal pero iba ang diskarte. Tiyak, magiging kaskasero ka!

    Wow! A love post from you! Galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat Senyor. :) Maligayang kaarawan! :)

      What do you mean by "change oil"? :3

      Hahaha ayaw ko maging kaskasero sa pag ibig. :P

      Delete
  3. Mas mainam kung yung love mo ang nagmamaneho ng kotse para sa iyo, may love na, may driver pa. Kidding aside, hindi kailanman sumagi sa isipan ko na ang pagmamaneho ay maihahalintulad sa pag-ibig. Ang alam ko ang pag-ibig ay isang sugal, inspirasyon, kasiyahan, relasyon, atbp. May gusto sigurong maki-park sa iyo kaya nakasulat ka ng love entry :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha tama... tama ang mga sinabi nyo. :)

      Hmm makipark? Siguro :P

      Delete
    2. Happy Birthday, ngayon yun di ba. Have a great day and God bless!

      Delete
    3. Salamat ser Jonathan, late ang pasasalamat, pero nabasa ko ito nung saktong kaarawan ko. :)

      Delete
  4. haha habang post ahh,
    hmm maikukumpara naman talaga ang pagibig sa pag dadrive
    madame aberya, paliko, crossing
    minsan nakakapagod minsn nakakaenjoy
    minsan mabilis paminsan namn ay mabagal
    isa lang ang alam ko ganu man kalubak ang daan ay mayroon pa din aspaltong madadaanan
    haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah nice one mekz! :) tama ka jan! napaka positive! :)

      Delete
  5. ang haba ah. may pinag huhugutan?
    well isa lang naman ako sa taong takot humawak ng manubela.
    sana nga one day I have the courage to drive and enjoy the ups and dows of the road called love

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinilit ko lang hugutin ang utak mula sa kasabawan! :)

      Maybe this year? :) Pero wag tayo mag madali darating tayo jan. ;)

      Delete
  6. 1. Hindi ako marunong magdrive.
    2. Hindi pa ako maalam sa pag-ibig shiz na yan.
    3. Hindi pa ganoon kalayo ang aking nalalakbay sa buhay para magsuma.
    4. Ahem, tumatopic ng pag-ibig.
    5. Anong nagtrigger dito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Madali lang ser. Bat di nyo try subukan?
      2. Ahh, komplikado? ;)
      3. Pero alam kong may maidadagdag ka. :D
      4. ehem :)
      5. Gusto kong sumagot na "dahil sa pag-ibig".

      Busy ka ata ser?

      Delete
    2. 1. Ang alam ko kasi magkakaron ako ng drayber soon. Pag pumatok ang bakahan ko. Para di ko na kelangan magmaneho.
      2. Hanggang dun lang ako sa mga sinasabi ng teorya at pag aaral. Kung pragmatic point of view, wala pa akong successfuk story.
      3. At marami din ako natututunan sa mga taong kakwentuhansa buhay at kasagutan sa mga convo shiz sa harap at likod ng camera.
      4. O basta yun na yun.
      5. Ang labnaw ng sagot. Hindi ko tatanggapin. Haha.
      6. Oo ser, maymalaki akong problema na sa martes mahuhusgahan kung anong mangayayari. Itelepathy ko sayo pag may oras.

      Delete
    3. 1. Good luck ser! :) Tama yan, think positive!
      2. Magkakaroon yan, tiwala lang. Ramdam ko. Naks!
      3. Para kang artista. Ikaw ba si banker (deal or no deal) na nagtatago sa likod ng mga harang pag nasa harap ng camera?
      4.
      5. Hahahahaha! Mag iisip ako ng malapot.
      6. Interesado ako. Hihintayin ko ang telepathy na yan. Good luck!

      Delete
  7. mainam... napaka inam ng pagkakahalintulad ng love sa driving.
    napaisip tuloy ako sa mga reckless ..siguro sila marahil yung mga naaaksidente.
    Mga biktima ng mga reckless driver yung mga nabubuntis...after sagasaan bigla na lang tatakbuhan ... napaka akma nga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat. Galing nawala sa isip ko ang iyong naidagdag! Thanks Genskie. Sana wala nang mga hit and run drivers sa kalsada, at syempre sa pag ibig.

      Delete
  8. Hindi ako maka relate dahil birhen pa ang utak ko sa usapin tungkol sa love hahaha :D

    Hindi ako maka relate dahil hindi ako marunong magmaneho. bisikleta lang at yung mga kotse sa Gran Turismo ang kaya kong i-drive :D

    Seriously speaking, eto lang ang masasabi ko.

    Sa pagmamaneho, dapat stay focused ka parati. Sa kalye lang ang mata at atensyon mo. Para walang aksidente or aberyang maganap. Ganun din sa pag-ibig. Dapat stick to one ka lang, wag nang lilingon lingon pa sa iba kung ayaw mong mabigwasan. Ganyan!

    Stay sharp Kuneho!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks pusa! :) Maka birhen ka naman jan! Hmm if I know... lol

      Nga pala, pag nasiraan ako ng sasakyan habang nabyahe, GG na ko! Hindi ako marunong. :P

      Delete
    2. mag dadrive ako hanggang baguio , pst pst turuan mo kong magdrive , drive ,, kanta mode hehe!

      magdrive ka lang ng magdrive at pag di na kaya huminto k muna! #love

      Delete
    3. Tama, sa driving school nalang tayo mag aral! baka mabangga pa tayo e. Hahah! Tara na mag drive papuntang Baguio! :)

      Delete
  9. yes yes. dami similarities, pero what appealed to me the most ay yung color ng traffic lights, hindi lang go at wait, meron ding stop :)

    from Myxilog

    ReplyDelete
  10. nice analogy... driving and love..
    love like driving will sometimes drive you crazy kaya dapat ingat lagi : )

    ReplyDelete
  11. ang haba ng post nakakatempt mag-skip read hahaha charot!

    hay naku nagagawa talaga ng taong inlove at inspired hmmm... nalungkot ako bigla nung nabasa ko yung hindi sa tagal ng relasyon nasusukat ang lahat.. may kirot pa rin haaaay... anyway nice comparison para ka na ring si kuya Mar na inlove naman sa kape hehe..

    happy birthday Pao Kun! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kunwari ka pa e nagskip read ka naman talaga! :)))

      Ouch diba. Ikaw dapat mag lagay ka na din ng comparisan mo!:)

      Salamat ate Arline! :))

      Delete
  12. Replies
    1. I could translate it for you if you want! :) Naks! hahaha!

      Delete
  13. Napaka diverse ng comparison na ito. Ang daming pwedeng ipagkahalintulad ang love sa driving. At agree ako sa lahat ng iyong nabanggit. At dahil dyan, may idadagdag ako whether you like it or not:

    (no double meaning ha lol)
    1. Pumping: para umandar ang makina ng sasakyan, kailangan mag pump ng gasolina. Sa love, kailangan din ng pumping to keep the love alive and burning... Kailangang bombahan ng bombahan ang Pag-ibig ng mga bagay na makakapagpatibay sa isang relasyon.

    2. Slippery when wet: Ingat sa pag da-drive... hindi lahat ng kalsada ay tuyo. Sa pag-ibig din, we need to be careful para hindi sumadsad kung saan saan.

    3. Rubber Check: Bago bumiyahe, siguraduhing maayos ang gulong para safe. Sa Pag-ibig din, kailangan mag-ingat and always check kung may dala ka bang safety protection. Kung motorsiklo dala mo, wag kalimutang magsuot ng helmet.

    So there! And before I end this comment! Isang sikat na quote lang ang ibibigay ko sayo:

    "BASTA DRIVER, SWEET LOVER" O HA???? hahaha

    Happy Bday Lover Boy! Iba talaga pag inspired and in love... Pag-ibig ang topic hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hoy Mario!!! bata pa yang si Pao ngayon lang nag bente uno kung ano ano pinag-a-advise mo dyan! kurutin kita dyan sa singit eh! baha ha ha ha

      Delete
    2. c ninong pang blogpost na ang comment . hahaha

      Delete
    3. Yung comment ni Mar iyun nalang din ang comment ko. Haha

      Delete
    4. Hahaha! Salamat sa mga bedtips este driving tips kuya Mar! :D Galing galing talaga! coming from the expert, ill take it from the expert! oha! Kung makapumping ka naman jan! hahah! Gusto ko yan!!!

      Miss B! Sige nga kurutin nyo yan sa singit kung ano ano kasi pinapayo sakin, e wholesome naman ako! hahaha!

      Bagotilyo! lagi yan! Next time nga gagawa na ko ng entry na puro comment nya lang na nicompile! haha!

      kamahalan! Bawal yan uy! Plagiarism! haha! :)

      Delete
    5. Hoy Ms B! Hindi na bata yan si Pao hahaha O sige, kurot na! Lakihan mo ah hahaha

      @Ninong - pang blogpost ba? hindi naman hahaha

      @Kamahalan - gaya-gaya? hahah

      @Pao -bedtips ka dyan! #malisyoso hahaha Hindi ako expert! hahaha I know gusto mo ang pumping, with matching gulong gulong hahahaha!

      Ah ganon? Wholesome naman yong comments ko ah? di ba? di ba? Ms B? hahahaha
      At ano naman i compile mo? Ang mga comment kong ala kwenta hahaha, bababa ang traffic count ng blog mo sige ka! hahaha

      Ang tawag dyan kamahalan eh SOTO-COPY hahaha

      Delete
    6. Kahit anong pilit ko tanggalan ng double meaning yun e hindi ko kaya! Sadyang merong kaakibat na alam mo na! hahaha!

      Natawa ako sa gulong, palihasa ikaw magaling mag slide!!!

      Nye anong walang kwenta don? Ayan oh, tinalo pa ang blog post ko! :D

      Delete
    7. Walang Double meaning yan! Kahit saang anggulo mo tingnan! Hahaha

      Nakakahilo ang gulong! Mag slide ka na lang haha

      Ows? Asan? Hahaha

      Delete
    8. Ohhh???? Kahit sino ang tumingin sa kahit na saang anggulo, may double meaning yan, actually mas nangingibabaw yung pangalawang meaning e. Hahaha!

      Hindi ako marunong mag slide e, ikaw kaya ang marunong jan! Acually hindi kaagad slide e, diba tapik tapik muna, sabay hagod! haha! ui, mag magandang pakinggan ang "hagod"! Hagong king ka ngayon!

      Sa lahat! :"D

      Delete
    9. People are naturally born with green mind! (Color Coding ng utak hahaha- source? sa tabi-tabi) And that explains why kung bakit sinasabi mo yan! Ang isip ng tao ang nagpapadumi, sa walang bahid at inosenteng teksto na binabasa. O ha! #depensa amigo! hahaha

      Hahahaha wala akong naintindihan dahil puro typo error ka! Hilo ka pa yata sa gulong moment mo kagabi hahahaha

      Sa lahat ay puro kalokohang comments hahaha

      Delete
    10. Juice kooh na-speechless ako dun sa "malaking kurot sa singit" :( LMAO!

      Delete
    11. Sauce! Sauce ng pansit habhab! Hahaha!

      *hagod! hahaha! Yun lang naman ata yung typo error! hahaha!

      Alam mo yan! :D

      Miss B: Hahaha! Dalawang kamay kaya na malaking kurot sa singit? haha!

      Delete
  14. Ang ganda ng comment ni Mar sa taas.. Wala pa siyang lablayp sa lagay na yan ha! Hahahahahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, oo naman! haka-haka at kuro-kuro ko lng yan hahaha

      Delete
    2. LOL. Natawa ako kay SOB. Wala pang lablyp ni Kuya Mar nyan ah. haha

      Delete
    3. Kuya SOB, akala mo lang wala! Pero expert talaga yan pag dating sa love, dami kayang chicks nyan! Nag uumapaw! parang sa Nuvali lang! haha!

      Kuya Mar, alam naman naming lahat na based on real experience yan! :)

      Kamahalan, pag kailangan mo ng love tips, available lagi si kuya Mar! :D

      Delete
    4. Hoy wala ah! Kung ano ano pinagsasasabi mo dyan Pao hahaha

      hindi, ano lang yan, based on assumptions hahahaha

      Hindi ako available! Saka may bayad ang counselling ahahahaha

      Delete
    5. Hahahaha! Wala ba? Kala ko kasi madami! :P

      Assumptions ka jan, masyadong detalyado para maging assumptions! hahaha! Only experts can do that at isa ka sa mga yan!

      Oyy may bayad, may kilala akong willing mag bayad ng kahit gano kalaki para sa counselling mo! whahaha >:)

      Delete
    6. Inothente ako! Di ako expert! Haha

      Dami mong kilala, iisang tao lang yang tinutukoy mo! Haha

      Delete
    7. Ekthpert ka! Alam mo yan! Wag na itanggi! #aminin!

      Hahahaha! Tao ga? haha! Magtatampo yun, kasi di mo sya inimbayt kagabi!

      Delete
  15. at ikaw na bata ka... gumaganyan ka na ngayon... ang haba... emotero ka... sige bertdey mo naman :)

    but in fairness... ang ganda ng pagkaka-talakay, halatang may pinaghuhugutan :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat miss B! hahaha!!! Hmm, pinaghuhugutan? Puso ko! <3 hahah! #harot!

      Delete
  16. Dami kong kilig dito. Haha. Umiinlab sa kalawakan ah. Diba summer na bakit Feb-ibig parin dito. hehe :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iiih ang kamahalan lagi nalang madaming kilig! Inlab ka ano? Whos the lucky queen? :) Kung alam mo lang kung gaano kaextended ang feb-ibig ko! :D

      Delete
  17. DEFENSIVE ka sa post mo! hahaha.. nag grab ka din ng pix ha! hahahah

    Mejo mahina pa ako sa driving kaya siguro wala pa akong lablayp.

    Anyways, I'm woried abt the couples on the last picture.. It's like driving.. MASASAGASAAN kayo kung nanjan kayo sa gitna.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May disclaimer ang pangggrab ko Panget unlike you! :D

      Naks! Darating din yan!

      haha mamamatay silang inlove at masaya! Ang cheesy diba!

      Nasa Manila ka na ba ulit JJ?

      Delete
  18. Hi Pao, nice post......

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi Ashton! Salamat! :) Ahh, pakilala kayo? ^_^

      Delete
  19. Hi Pao, nice post......

    ReplyDelete
  20. ;-) daming reminders naman ni doctor love sa post na to. i totally agree. sa love enjoy ka lang. at willing dapat mag u-turn pag dead end nah. pero para sakin hanggat wala pang u-turn na sign ayoko mo munang mag u-turn. again, lage kong sinasabi love is not just patient it's also long suffering ;-D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Salamat sa pagbahagi ng iyong pananaw sa pag ibig! Napaka wagas mo umibig! :)) Tama, love is also long suffering!

      Delete
    2. wagas agad? diba pwedeng totoong umibig muna. kapatid kasi ang wagas umibig ng martyr at tanga. chos! napadaan lang. diko mapigilan magcomment. hahaha

      Delete
    3. Hahaha! kasi umiibig ka kaya di maiwasang mag comment! :) wala namang masamang umibig ng wagas, tandaan, ang pag ibig ni God sa atin ay wagas. :D

      Delete
  21. wow. galing mong mag emo kuya. buti nga't nadaan ako dito. limang high five nga dyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Emo talaga? :) Salamat! Apir! <- pang anim! ^_^

      Delete
  22. tama!....in love ka pao?...kasi parang na relate mo lahat sa pag.ibig...ganyan daw kasi pag inlove...lahat ng bagay relate na relate sa love at lahat ng lovesong...feeling mo sinulat para sa yo...pero tama naman lahat ng reminders mo...;)



    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Until now. :)

      Hahaha korek ka jan sa labsongs! ^_^ Salamat! Pasyal ka ulit sa Manila ha! :))

      Delete
  23. Timely post for the young ones, pero magagamit din ng katulad ko na although grandma ay may lovelife pa rin:) Pero feel ko lang nasa dead end na ako...means na I already found my prince charming and no turning back for me:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga po mommy joy at napakaswerte nyong tunay! ;)

      Delete
  24. wow... wat a very nice article.... nag-umpisa sa lubak yung road na tinahak koh... then naging patag... naging komportable... but then i reached d' dead end... wrong path palah akoh... so i had to stop... i stopped... and i think i'm not even turnin' around yet... but yeah.... isip muna akoh... before i go back to d' road again... hayz... but hey galing nang pagkasulat moh... and thanks for droppin' by to my page and for ur kind words.... aight... sige... Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Dhianz! :) Aww. Di ka pa pala nakakamove on... I know youll be on the right track on your next attempt! ;)

      Delete
  25. Ang galing ng analogy sa pagmamaneho sa pag-ibig. Ganito ang kailangan ko, yung kotse. Lol. Parang marunong akong magmaneho pero wala akong kotse sa marunong akong magmahal pero wala akong syota ngayon. Di bale, pwede namang magmaneho ng kotse ng kaibigan at magmahal ng mga kaibigan at magulang. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Tonio! :D Hahaha kailangan ko din ng kotse, at yung may gps na para di naliligaw kung sansan! :D Tama ka, love is not limited sa ibang tao lamang.

      Delete
  26. lagi ko tong binabasa pero ndi ako nagcocomment hahaha kainis. wala lungs. and im trying na matapos ko ang sasabihin ko ngayon chos. mahirap pag usapan ang pag ibig na yan, see u in court nalang hahaha futek lang eh. well, indeed na explain mo nga metaphorically. woott. haiz basta ayoko muna magdagdag ng kung anong ka ek-ekan kasi iba ang naalala ko nasa healing process pa ako. charrooos. hahahahaha goodluck sa board exam pao!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha at bakit? see you ka jan, alam kong iba ang gusto mong makita! hahaha! Alam ko kung sino ang makakapag heal sayo! hahaha! SOBrang galing siguro nya mag heal! ;)

      Delete
  27. Hanep sa comparisons ah. Parang wala na akong maidagdag. Aside from maraming pagiibigan ang nabuo sa sasakyan LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahahaha! natawa ako jan ah, totoo, parang yung nakick out lang sa skul namin, di napigilan ang kati! hahaha!

      Delete
  28. ay, nawala ang bagong post...

    hmmm...inlababo ang batang kuneho ah. ;)
    di ako marunong mag-drive kaya di maka-relate...
    ay mali pala, di mai-relate sa pag-ibig...hehe. ;P

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha oo, im thinking of reposting it again.

      hahaha! kunwari pa ;)

      Delete
  29. Love na love ko yung music na kasama ng paskil mo. Isa yan sa paborito kong instrumental.

    ReplyDelete
  30. Nice nmn. Takot nga ako magdrive e pero gow lng ng gow sa love! Chos

    ReplyDelete
  31. gusto ko matutong mag-drive (kahit na wala akong kotse). tas magdadrive ako hanngang Baguio, Bicol, Batangas, buwan.etc

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aral na sa driving school,. or mag paturo sa kaibigan. :D

      Delete
  32. now lng ako nagka time tapusin to... ganda pare XD s'more!! XD

    ReplyDelete
  33. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com




















    Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...