Monday, April 22, 2013

Diary101: April 2 & 3


NOTE: Read this as if today's April 4, 2013

April 2, 2013


3:00 AM na ako nakatulog. Pero actually, mula 10 pm antok na ako, konting basa, maya-maya antok na ulit. Gising ulit, text, basa, tulog hanggang sa tuluyan nang napagdesisyunang matulog ng wagas. Sa wakas! :) 

6:00 AM nagising ako at sa kabila ng kakulangan ng tulog, naisipan ko nang magkape at magsimula ulit magbasa sa kadahilanang wala namang pumasok sa isip ko nung nagbasa ako nang madaling araw dahil sa kaantukan.

HAPPY BIRTHDAY BESPREN!

Birthday ni bespren kahapon. At naalala kong artwork ang gusto nya para sa kaarawan nya, na dapat ay nung April 1 ko gagawin pero nalulong ako sa pagbabasa ng thousands of terms na kailangang sauluhin slash intindihin! 



Hindi ko pa rin sya natapos nung isang araw kaya naman pinagpatuloy ko hanggang abutin ako ng madaling araw. Pinagpatuloy ko kahapon at binalikan ang ilang mga terms dahil alam kong hindi sila pumasok sa makitid kong utak.

***

Habang nagbabasa ay nakatext ko naman itong si John Lloyd Cruz at siya ay nanghihingi ng kape. Kaya naman ibinato ko sakanya ang 3in1 na Blend 45. Siya ay kasalukuyang nagluluto ng Fried Rice *espesyal*  daw at nang tikman ko, maalat. 

Bakit maalat? Kasi may halong luha. Lumuluha pala si JLC. Kaya pala, last weekend nya na pala this coming weekend dahil may shooting sila ni Rina Bea sa Bahay ni Maria Dubai! Tsk.

Nakakalungkot.

Usap, usap, usap.

Hu hu hu! <-iyak nya yan! Hahaha!

Basa, basa, basa.

At dahil kailangan ko ring simulan ang artwork ko, kapag kailangan ko ng review break, nagpipinta ako. 

Pinta, pinta, pinta.

Basa, basa, basa.

***

Ako ang dakilang drayber ng aming sambahayan. Isa pang nakikihati ng aking oras ang manibela nito. Despite of my busy sched, kailangan ko pa ring magdrive, no choice e.

Saka ko naman naalala na expired na ang aking lisensya! May time pa ba ako? March 24, 2013 naexpired. Birthday ko kaya nawala na sa isip ko. Pupunta pa ba ko sa LTO? Waaah! Late na ko! Ano?!

Hala sige, habang nagdedecide eh basa-basa pa rin pag may time.

****
Nung araw din na yan ay nakausap ko naman ang  isa sa mga hinahangaan kong kompositor at mang-aawit, at CRUSH kong si Yeng Constantino.

May binulong siya sa akin...

Nagulat ako!

Nasaktan. Nag-isip.

Pero dahil masunurin akong bata, sumunod pa rin ako sa kanyang request.
 Kumanta ako!


*** Namnamin ang lyrics. ***

Mangiyak-ngiyak ako sa performance ko, at syempre nag-eexpect ako ng standing ovation mula sakanya!

Pero hindi siya pumalakpak ni isang *pak! Tinabihan nya ako at sinabing:

"Sintunado ka."

"IKR! Wait... What?!"

Lumapit muli siya at bumulong.

Nagkamali pala ako ng dinig sa una niyang binulong saakin. Namis-interpret ko yung unang bulong.


HINDI SYA NAGRE-REQUEST!

Sayang ang performance ko, pero wala na, nakanta ko na e.

Sana after ng board exam ko, kahit sintunado ako, willing pa rin siyang pakinggan ang kanta ko.

Oo, si Yeng Constantino.

***

Dahil sa lahat nang nangyari sa itaas mula sa title, muntik na akong mabaliw.

Hindi na ako nakatapos sa pagpipinta:



Hindi rin ako nakapag pa-renew ng lisensya.

Pero syempre, natapos ko naman ang nirereview ko.

Basa nga lang yung papel. Natapunan ng kape.

***


April 3, 2013

Pumunta akong LTO. At challenge sakin ang urine test! Hindi ko mapuno yung isang bote na kailangang punuuin kasi hindi ako mapaihi. Ilang bote na ng tubig ang nainom ko at may orange juice pa! Yung paghihintay bago ako mapaihi ay syang umubos ng oras ko.

May pektus ba para maihi? Konti nalang, maniniwala na akong kailangan ng talent para mapaihi. lol

***

Dying na ako sa kahihintay.

Ang init. Ang tagal. Ang daming tao.

After 5 hours, success!

After lunch na ko nakauwi. Grabe. Half life ang natira sakin. :((

At heto ako ngayon. Pahinga.

Pahinga.

At ngayon, kailangan ko na magreview ulit. Ayun!

Ciao!

***


PS. Walang "huhuhu" na nangyari habang nagsasangag si JLC hahaha! *Ewan ko lang din. lol
PPS. Walang "kantahang" naganap. :P
PPPS. Malapit na po ang board exam ko, pray for me please? 12 days to go! 
PPPPS. Salamat sa mga nagppray. Super appreciated po. :)
PPPPPS. Hiatus na ko after this.


"I'll do my best and I know God will do the rest!"


Disclaimer: The video and meme photo used were not mine. 

71 comments:

  1. Replies
    1. Yehey!!! Salamat pusa!!! :D kapatid mo na ang susunod! ^_^

      Delete
  2. Review...review...at review pa...
    ganyan talaga, dapat pagsikapan.
    konting tyaga pa...i mean damihan mo na ang pagtityaga at darating din ang panahon na matatapos din yan!
    All the best sa iyo...
    God will always make a way for you basta paghusayan mo lamang...

    ReplyDelete
  3. Will include you in my prayers. Go go go! :D Excited for you! Matulog ka ng kumpleto bago exam ha para di ka antukin sa mismong araw, God bless! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Inantok ako nung exam ko! hahaha! But God is good! :))

      Delete
  4. Replies
    1. Thank you! :) Thanks sa motivation, of loving math! hahah!

      Delete
  5. Sana after ng board exam ko, kahit sintunado ako, willing pa rin siyang pakinggan ang kanta ko.

    Anong update? ;)

    ReplyDelete
  6. haha ang kulet wait kunyare di ko pa alam na pasado ka na kaya sasabihan kitang good luck!
    haha
    ayun si JLC kakapanuod ko lang nung kina sarah ahaha at siya talaga naalala ko haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha!!! Oo, movie talaga nila yon! :)) Salamat Mecs!

      Delete
    2. Eh si JLC naman talaga bida don hahaha patawa si Mecoy hahaha

      Delete
    3. Hahaha! Ikaw super M ang tinutukoy nya!

      Delete
    4. IKR? hahaha #yabang_yabangi pa!

      Delete
  7. CONGRATULATIONS Panget. It was worth all the effort at partida gumigimik ka pa nyan sa Glorietta with JLC and me...pero you PASSED!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga naalala ko. Maipost nga ang wanter pic nating tatlo! hahaha! Maraming salamat panget.

      Delete
    2. SURE.. asan na yang pic na yan? lols.. ur welcome

      Delete
    3. Ay skip read ka Panget! Nasa FB ko kaya at naka tag ka don sa wanted pic natin hahaha

      Delete
    4. oo nga. hanggang ngayon nag skip read pa din sya pati sa picture! hahaha!

      Delete
  8. Congratulations nga pala ulet, engr! Good citizen ka pala at nagpapa renew ng lisensya...ang dami dito sa amin na hindi..well anyway...lots of hugs! grats ulit!


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo naman! mahirap na pag nadisgrasya! Kailangan may lisensya! At may laban! :D

      Salamat xoxo_grah! Kelan ulit balik mo dito?

      Delete
  9. Congrats ulit Pao. Belated Happy bday kay besprend. Namiss ka namin sa blogsphere. haha Parang walang twitter :P

    ReplyDelete
  10. wow... greet kita ulit.... congrats engineer!

    ReplyDelete
  11. ang cute naman ng post na ito... akala ko nasa page ako ni Nutty... same approach kasi... hihihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Whahahahaha! Natawa ako dito! Adik ka senyor!

      Delete
  12. Dami mo hirap, pero worth naman. Congratulation again. You deserved it:)

    ReplyDelete
  13. Let's pretend na April 4 ngayon, fine! And I will pretend also na di ko pa to nababasa sa google reader ito. hahaha

    Natikman ko ang fried rice ni John Lloyd, matharap! Hindi naman maalat kaya! Umiyak? Baka rehearsal ng bago nyang movie kaya ganon, nag i internalize ganyan ahaha...

    Hindi naman yan yong kinanta mo eh, Yong "Ngiti" kaya! Dedicated sa ithda! hahaha

    Asus! Natapunan daw ng kape kaya nabasa ang papel... Umiyak ka lang hahahaha!

    huhuhu <--- iyak mo yan!

    Mag pe pretend pa rin ako na di ka pa nakakapasa sa Exam!

    Kaya mo yan! Review review din pag may time! Bawal gumala! at higit sa lahat, Pray ka lang!

    God Bless sa Exam!





    ReplyDelete
    Replies
    1. Jan ka magaling, sa pag pepretend! hahaha!

      whahahaha! Sige, gusto ko matikman ang friedrice ni JLC on December! ;)

      Hindi ko alam ang sinasabi mong ngiti!!! Hahaha! Kalimutan na kasi yon!

      Hahahah! Heh!

      Hindi, iyak mo yan!

      Preternder ka talaga ;)

      Salamat kuya Mar!!! Baka may magalit pag naggala ako at pag pumunta ako sa SB! haha!

      Salamat ng marami. :)


      Delete
    2. Pretender ka dyan! Instruction mo kaya yan sa Post mo! hahaha

      Fried rice ni JLC talaga? pano yon? san natin hahagilapin si JLC hahaha

      Hindi mo alam ang NGITI? Sino ngayon ang pretender sa ating dalawa hahaha!

      Walang anuman! Buti na lang di ka naggagala at nagpunta sa SB, kundi lagot ka hahaha!

      Congrats ulit! Unli?? hhahaha

      Delete
  14. Congrats ulit pao... ilang beses na ba namin sinabi.. kulit nu. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha! oo nga e! ilang veses ko din kayo pasasalamatan! :)

      Delete
  15. what a diary! congrats pao. walang katapusang pagbati mula sa akin. God bless :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang katapusang pasasalamat kuya Vince! :))

      Delete
  16. congrats pao ;-) ay dapat me engr na before sa name ;-) engr paokun. hehehe ang cute.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yiiih! :3 hahaha! Salamat! ^_^ Smile uleeet!

      Delete
  17. Congrats Pao and God bless sa yo:)

    ReplyDelete
  18. Ang star studded ng entries, may JLC na may Yeng pa. At nag request pa si Yeng hehe :)

    Congrats Pao! All your hard work paid off..you did it! Yahoo! Congrats ng walang humpay! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Syempre. Ganyan tayo sa PBO. Maraming artistahin! :D

      Thanks kuya Zai, walang humpay na pasasalamat! :D

      Delete
  19. Mixed characters lang.

    Ang daming involved. Pero ang na highlight sa akin ay ang paghingi mo ng prayers for your board exam. Now, you've reaped the success and the power of prayers, Engineer Pao!

    Very light entry and so entertaining!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes po. :)

      Thank you po daddy Jay! :)) hindi ko pa po kasi kaya gumawa ng kagaya ng mga entries nyo, so heavy and pure english. ganyan. :D

      Delete
  20. pao kelan ang post celebration wid the PBO? dapat meron heheeh congrats pao pao

    ReplyDelete
  21. tama ka! :))) Salamat Manond Unyol! ^_^

    ReplyDelete
  22. Happy Birthday ke bespren! :) Jiberks tong post na to. Haha! Congrats bespren! Libre namen? :)

    ReplyDelete
  23. Hindi ko naintindihan ang post na 'to. Haha. Pero palagay ko codename si Yeng at JLC.

    Saka ako bumalik saka ka ng hiatus. Haha. Congrats ulet!

    ReplyDelete
  24. Ray-Ban
    one day sale
    List:€125.00
    Price:€19.99
    Ray-Ban

    ReplyDelete
  25. Thanks for sharing, nice post! Post really provice useful information!

    An Thái Sơn chuyên sản phẩm máy đưa võng hay máy đưa võng tự động tốt cho bé là địa chỉ bán máy đưa võng giá rẻ tại TP.HCM và giúp bạn tìm máy đưa võng loại nào tốt hiện nay.

    ReplyDelete
  26. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com




















    Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...