Thursday, July 18, 2013

Color Vision Impairment

Marami na ring nagtanong sa akin kung ano ba ang feeling ng isang colorblind. Feeling talaga? Normal lang. Parang wala lang. Wala lang, hindi ka lang naman makakapasok sa mga kompanyang nagre-require na dapat e hindi ka colorblind especially sa field ko bilang isang ECE. Kumbaga pagdating sa application, 'yun yung tipong naipasa mo na lahat ng interviews and exams and other medical requirements pero pagdating sa colorvision, saka naman papalpak. Very frustrating. Sayang ang pagod, pera at ang oras! I'm telling you, FRUSTRATING. It's up to you kung paano ka makaka-move on. 

Maraming gustong malaman kung ano ang aking nakikita kumpara sa nakikita ng iba. So para maintindihan nyo, heto po:



Yan po ang mga mushrooms ni Kuya Mar Super Mario na kamakailan ko lang nalaman na magkaiba pala ang kulay. RED para lumaki si Super Mario and GREEN naman for "1 up" or additional extra life. Buong kamusmusan ko akala ko wala silang pinagkaiba.

Iniisip nyo siguro na kaya ko naman palang itama ang paningin ko. Siguro po, pero pag maliliit na, hindi ko na po talaga kaya. 

Like this one: 

Someone who is deuteranopic might not see this number (49). Please note that the second digit in this number may be difficult to discern even by those with normal vision.

Kita nyo yung 49? Ako po hindi. Hindi ko makita. Plain lang ang nakikita ko. Panong plain? Parang ganto:


O ha! Pare-pareho na tayong walang nakikitang numbers! Parang ganyan ang nakikita ko pag tumingin ako sa mas naunang larawan. 

Kadalasan napagkakamalan lamang ng ibang tao na dala lamang ito ng kalabuan ng mga mata. Pero hindi. Gaano man kalinaw ang mata ko, hindi pa rin tama ang paningin ko pagdating sa mga kulay-kulay na yan. Kahit pagsuotin nyo ako ng salaming may pinakamataas na grado. 

Hindi kagaya ng ibang medical ailments, ang colorblindness ay walang lunas. Kaya 'pag ito ang ikinabagsak sa medical exam, wala nang second chance, hindi na mare-remedyohan. 

So ayan na, pinakasimpleng paliwanag as much as possible! Nawa'y ngayon alam nyo na kung ano ang panigin naming may mga color vision impairment.

119 comments:

  1. Pareho tayo boss ... isa rin akong dakilang Color Blind simula pa pagkabaa ko ... pero ngayon ko lang na lamang naintindihan ang lahat kung kailan nagkaedad na ako he he he ... genetic ito at namamana... yung younger brother ko ay ganito rin , pareho kaming color blind : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natawa ako sa dakilang colorblind. Ahh tama, hindi ko nailagay na hereditary ang colorblindness. Colorblind din ang older brother ko.

      Apir! ;)

      Delete
  2. Wawa nmn pao kun ko .... Oks lang yan :) hindi hadlang ang pagiging colorblind sa psg asenso ng isang tao " minsan kung sino pa ang nakakakita sa wastong kulay , sila pa ung bulag sa katotohanan"

    ReplyDelete
    Replies
    1. "pao kun ko" talaga? susumbong kita kay Jikoy! hahaha! Salamat sa encouraging words!

      Delete
  3. Wawa naman ang kunehong pagong :(

    Ang laki ng na-deprive sayo na lumaki kang ganun ang akala sa mushroom ng special mention na si Kuya Super Mario lol (sensya naman natawa talaga ako dun).

    Di bale bawiin na lang sa ibang talent Pao - tulad ng pag-ubos ng isang malaking jar ng nutella at pang-aabuso sa kaawa-awang pancake na dinaganan ng isang toneladang melted cheese LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Okay lang po miss B! Nasanay na! :)

      HAHAHA! Nahiya naman ako bigla sa isang malaking jar ng nutella! Haha! Ang sarap talaga nung pancake na may overloaded na melted cheese!

      Delete
  4. isang malaking pagsubok ang color blindness sa mga ece grads. problema din yan ng kapatid ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo kuya B. Maging sa pag a-aral palang e problema na dahil sa mga resistors.

      Delete
  5. Awww... nako-color blind din pala ang isang Kuneho T_T

    Switch career ka na lng Pao, how about Nursing or take up Law? watcha think? XD

    *drops carrot bomb*

    Kaboom!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahah! Heh! Parang pinasabugan mo talaga ako ng carrot bomb kung ganyan! Itatapos ko ba ang 5 years na pinag aralan? plus ilang buwan na pag aaral para sa board exam? hahha! ;) Pero kung mag a-aral ako, archi ang gusto ko pusa.

      Delete
    2. Ahahaha! talagang gusto mong sumunod sa mga yapak ni Tatay este Kuya Mar. Ayus yan, mahusay ka rin naman sa drawing eh :))

      *drops giant Nutella Jar*

      Delete
    3. Tatay talaga ha haha.

      At bakit Nutella Jar na? haha! mathakit yan!

      Delete
    4. At bakit naman nasali ako sa usaping ito?

      Tatay pala ah!

      Delete
    5. Ewan ko ba jan kay Fiel kun! hahaha!

      Delete
    6. Ahahaha, kase naman para kayong mag-ama pag naguusap kayo sa twitter XD

      Delete
  6. How sad... I just love mushrooms pa naman... hyyyy...

    Wala ako masyadong masabi... Patingin na lang in iba pang mushroom so I would know if I'm colorblind or not...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Adik ka talaga! Tanong mo kay Bianca, baka madaming alam na mushrooms yun!

      Delete
  7. oopss nakaka-relate ako..i mean di naman ako 100% color blind pero madalas pinagpapalit palit ko ang kulay na magkakalapit ang hue, (sa pag-aakalang pareho lang sila).. but i love colors kaya madalas sa mga graphic works ko ay may mga identification...actually di ko makita yung 49, ang naaninag ko may dumi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha magtry kayo sa colorblindness test sir Ric! Same tayo, pagmagkakalapit ng hue. Hanga nga ako sa mga graphic works nyo ser. :)

      Delete
    2. Sige Sir, try ko din yung colorblind test...nga lang sa mga test na talagang pinag-aaralan ko ay pumapasa ako...kapag actual na at walang kodigo, bagsak na, haha...anyway, for as long as mag-e excell ka sa work mo kahit na may konting sablay sa kulay ay makapag-aadjust na rin sa work...best of luck to you!

      Delete
    3. Yes, meron sa mga online. Search nyo lang po ang Ishihara test. Thank you po ser!

      Delete
  8. *ay asar ako hindi nagpost ung una kong comment back to zero ulit ako...

    may pagka-color blind din ako pare... kasi one time, pinakuha ako ng sumbrero na grey sa isang bahay.. ang nakita ko lang ay green, red at white.. nasan ang grey? hindi ko makita, pinilit ko na wala, kasi wala naman talaga ako makita na grey. inis na ung nagpapakuha, kinuha ko nalang ung green, sabi ng madla "ayan oh grey!!!" ay badtrip lang, letse. hahaha! at dahil dun dun ko lang nalaman na na ganun nga, dahil hindi ko lang beses na-encounter makipagdebate ng kulay. minsan ang red pinagkakamalan ko na brown. (ang dami ko na ata nasabi)

    -ung 49 hindi ko mahanap, sakit na sa mata kakahanap... ^______^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha ayos isang magaling nanamang artist ang colorblind! pareho na ata kayo ni SIR Rix, assuming na CB nga sya.

      Delete
    2. hehehe CB dinb pala siya :)))

      Delete
    3. I mean Ric of Life n Canvas

      Delete
  9. Haha. Cute.
    May naalala akong Taiwanese movie pero siya kulay green lang yata nakikita niya tapos lahat black and white. XD
    Eh paano naman halimbawang maimili ka ng kulay ng damit mahirap pa rin makita yung kulay? kunwari red at green, ganun, oh di mo lang napapansin kapag medyo maliit na yung bagay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong movie yun? Parang interesting! :)

      Yes, pag maliit nalang, siguro pag may maliliit na stripes, ayun hirapa ako malaman kung anong kulay yon. >.<

      Delete
  10. Ayun, kasalanan tlga ng mushroom yan eh... lols... Colorblindness should not stop you from making your life meaningful and wonderful :D

    ReplyDelete
  11. Very challenging pero natapos mo ang kurso mo. The thing to do is to find suitable work that will make use of your talent while assigning someone to do the intricate details like colours to another person. Good luck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes po. By God's glory. :) Thank you. Will do that! ;)

      Delete
  12. At least you're still blessed with sight. :)

    ReplyDelete
  13. sana makilala mo na ang magbibigay ng tamang kulay sa iyong mundo Pao. ako kasi dati black and white lang ang paningin ko, e nung nakilala ko na sya, naging makulay na ang mundo ko.


    pak na pak! haha! salamat sa pag explain at pag share ng pic / illustration gamit ang cute mushrooms. ngayon alam ko na ang iyong pinagdadaanan (pinagdadaanan talaga hahaha)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang kulay mo zai grabe tumagos sa monitor ko yung kulay pula lolz

      Delete
    2. Pak na pak nga ang comment na to kuya Zai! Haha! Sobrang natuwa ako! :) Sige ishe-share ko ang magbibigay ng kulay sa mundo ko, ang magtatama ng mga paningin ko! ;)

      Delete
    3. ang cheezy nang koment ni ZaiZai... =)

      Delete
    4. Oo nga e! Inlababo yan e! :D

      Delete
  14. At talagang mga mushrooms ko ginawa mong sample! hahaha Oh yes! Gusto ko yang pampalaki na mushrooms at pampadagdag buhay! Peborit ko yan haha

    Going back to your issue... you still have a lot to be grateful. Your deficiency is minor although as you've said, sometimes it can be frustrating. Pero sa nabasa ko (nag-research talaga ko haha), there are cases na talagang they have this total color blindness, "Monochromacy" ang term na ginamit, and talagang black and white ang tingin nila sa mga bagay bagay. Para ka ngang nanonood sa isang black and white television. Cool!!!!! hahaha Can you imagine the world without colors? Sad!!!!

    Wag na ma frustrate! At ito pa, may advantage pala ang mga kagaya mo... you can see better ang mga naka camouflage na color na hindi agad marecognize ng may mga normal vision. O ha! Di ko lang alam kung saan pwede i apply yan, baka pwede kang maging SPY? Stalker ka naman sabi mo eh! hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo. Mushroom! Ilagay na natin sa pizza yan! hahaha!

      hahaha natawa naman ako sa pag kakasabi mo ng "sad!" adter saying the word "cool!". Parang nag kocontradit haha!

      yes kuya. kami yung dating mga sinasabak sa Word War II dahil kaya namin maovercome ang camouflage because hindi kami natingin sa colors kundi sa movement.

      Delete
    2. Binobola ka lang nyan ni Ninong Mar. Haha!

      Delete
    3. Mukha namang totoo. haha! :D

      Delete
  15. ambabaw naman ata nung reason para di ka nila tanggapin
    pero randam ko yan parekoy ung oks ka sa interviews test pero
    pag dating sa medical may sabit
    ganyan din ako remember until natanggap ako dito sa pinapasukan ko now,
    kaya mo yan, kaw pa saka simpleng bagay lang yan at least alam mo kaya mo
    may plan sigurong iba si god para sayo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmmm, not really "mababaw" mecs. Sadyang ang kailangan nila ay yung mga may tamang color vision. Work related kasi. I mean I could miss really important thing for example is decoloration; I may not notice it agad agad that might lead in production error.

      Yes, still clinging to God's perfect plan. Thanks Mecs!

      Delete
  16. Make that as a challenge to grow and not as a reason to sulk! Isipin mo na lang na kawalan nila na hindi ka nila tinanggap. Kapit lang paotot, may ibibigay sayo si Lord na mas espeysyal dyan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayun oh minsan lang magparamdam pero ang lupit ng payo..hehehe ;)

      Delete
    2. @kuya Gord: Musta kuya Gointot? oo tama ka, salamat! Hindi ko sila kawalan! <-ganyan ba?
      hahaha!

      @ate Arline: Ganyan talaga ata ang mga tots! :)

      Delete
  17. Matagal ko na yang iniisip. Anyway, I understand kung bakit tsinetsek nila kung color blind. It jas something to do with wires since they‘re differentiated by color. Despite of it, take it as a challenge. :)

    ReplyDelete
  18. hindi ka lang pala direction impaired, color vision impaired din hehehe...pero bawing bawi naman sa ibang bagay..like cuteness ganyan hahaha! ramdam ko ang frustration na yan.. that's sad.. eh bakit kelangan hindi color blind sa ECE related work? enlighten me...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha natawa ko sa direction vision impaired. Oo nga e daming kulang sakin no. haha! Naks naman sa cuteness! :)

      Ahh kasi may mga wire colors na may specific use. Red for positive and black for negative. It depends. May mga color combination din pag dating sa telecoms. Minsan depende din sa products ng company, baka kasi may color variations.

      Delete
    2. Pero nung nagluto tayo ng pizza nina Arline, anong kulay ang nakita mo?

      Delete
    3. Yun, madaming kulay, colorful. haha!

      Delete
  19. Kawawa ka naman paonget. O cge dahil jan ill cancel yung promise ko..konek? hahaha
    Grabe oh! tinawanan ka pa ni Arline..lols
    Well.. Sa susunod na mag kita kita tayo mag bablack en wayt ako..lols

    AT SAKA! ..wala naman na 49!

    ReplyDelete
  20. ganun pala .. akala ko talaga kapag colorblind parang gray lahat ng kulay .. hindi pala .. np dun sa 49, hindi ko agad nakita yung number .. nung nilayo ko ang tingin saka ko nakita .. ako naman ay merong malikmata este .. astigmatism .. pero mukha ngang mahirap talga ang sakit na yan .. pero sure naman akong hindi naman natatapos ang mundo mo dyan eh :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahh buti pa kayo kita nyo ang 49, actually nakikita ko lang sya pag inaadjust ang hue and saturation.

      Yes Ms. Leeh! :)

      Delete
  21. okay lang na colourblind, maganda naman mata mo lalo na pag tinitigan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kinilig ako ng 10% dito! haha! :3

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. Landi! Haha.

      Delete
  22. isipin mo na lang na, kung ang super mario nga natapos mo noon kahit maraming mga kalaban na pagong (may pakpak o wala) at mga punggok na parang pusit na napipichit pag tinapakan mo , mga flying fish , at si koofa na paulit ulit ang "da moves" what more pa yang pag jojobhunt.

    Bata ka pa noon , ngayon may license ka na. Mapagtatagumpayan mo din yan.

    Conquer the world sir :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. SALAMAT! Natuwa ako sa analogy mo, super husay talaga! :) salamat Bagotilyo!


      Delete
    2. Agree ako kay Moises! Dahil may work na sya, ililibre nya na tayo. Haha!

      Delete
    3. oo nga, libre libre! Happy birthday pala sainyong dalawa! :D

      Delete
  23. thanks for letting us know that... i always been curious 'bout it... i had a classmate in college that he said he was colorblind... so i really thought everything he sees is black and white... thanks for actually correcting that in my mind... i know i could have ask google long time ago but i never did... kc i always thought nga 'un that u guyz always see everythign as black and white... and i never ask cuz i feel like itz a private thing or i don't want the other person feel bad after i was told he was colorblind... nd btw i could probably see 4 but i could hardly see 9... so yeah... btw thanks for droppin' by sa blog koh... much love tc and Godbless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome! :D

      it says there na mahirap daw talaga makita yung 9 kahit may perfect color vision ka... welcome!

      Delete
  24. ganun gray pala ako dito hindi red.

    tsaka pano pala sa stoplights? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha red pa din! Kasi may label ang name mo! ;) Reminds me of crayons, may mga labels lang ang binibili ko.

      Delete
  25. Very interesting. Sana hindi ito tignan ng mga tao as kapansanan. Sana may workaround doon sa pinasukan mong company. But well anyway moving on. Nagresearch ako kung ano ang pwedeng cause ng color blindedness, ang sabi excessive masturbation daw. Hala bakit ganun. I need to recheck my sources LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha excessive ka jan! Hmmm may point ka! haha kidding!

      Delete
  26. naintriga ako sa title nung post nung nakita ko sa side bar ni zai...and i have to say, di ko rin nakita yung 49. lol. nung nalaman din ng officemates ko na colorblind ako akala nila b&w lang ang nakikita ko (sa panaginip, oo). medyo recently ko lang din sya nalaman dahil sa medical exam. ang weird lang ng situation ko kasi nung nagpakita ako ng vision plates sa mga magulang ko nakita naman nila lahat ng number tapos ako zero O.O nagduda tuloy ako ng slight kung ampon ako. hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha natawa naman ako sa ampon. Baka sa ibang relatives mo nakuha ang pagiging colorblind. Sana lang talaga may lunas ano?

      Delete
  27. Wow. Ganun pala yun. :)
    Sobrang interesting lang na makabasa ng ganitong post na galing talaga sa taong may color impairment. :)

    ReplyDelete
  28. Ah ganyan pala yung nakikita mo na akala namin ay colorless ang pagkakakita mo dun sa mushroom, buti nalang naexplain mo hehe kasi wala rin akong ideya nito dati. Ang alam ko kasing color impaired ay ang mga aso ganyan, pero wala akong kilala personally kasi na colorblind. So this topic is usefull talaga Pao.

    Anyway, hindi Perfect ang color vision ko kasi diko nakita na 49 sya kundi 41 nakita ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga po, kala din ng iba parang ganon or black and white ba. Thanks po ate Gracie! :)

      Ah sabi nga daw po mahirap daw po makita ang 9.

      Delete
  29. Ngayon ko lang nakita ang post na to nong nag return visit ako. Im sorry to hear that na di ka nakapasa sa application dahil sa colored blindness. It made me think na I am lucky kasi dito la medical exam when applying to work.
    About my missing finger pao-kun, you can click the link cinderella story sa above ng last entry ko to read what happened. The title of the post is " The lost that changed our lives. Thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's okay po mommy Joy! :) Wow, okay pala jan ah! Pag ka ganon wala pala akong problema pag ganyan, sana ganyan din po dito.

      Okay po, babasahin ko yan. :)

      Delete
  30. Ay kawawa ka naman pala ano. Biruin mo pag naglalaro ka ng Mario Brothers hindi mo alam na magkaiba pala sila. Na depress ako dun pramis.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha natawa naman ako don! Okay lang naman, basta saulo ko na kung san banda ang 1 up at san makukuha ang mga pampalaki ni Super Mario.

      Delete
    2. Hindi ka rin adik noh? kabisado mo na. Eh paano yan di ka rin pwede mag drive. Ahhh kakabisaduhin mo din ang placing... Kawawa ka naman ano?

      Hahahaha! natatawa ako pag sinasabi kong "kawawa ka naman"

      Delete
    3. Oyy grabe ka di naman ako kawawa. hahaha

      Nakakapagdrive ako. :p

      Delete
  31. bakit hindi ko din makita ang 49? letter a ang nakikita ko @_@

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kaya isa ka ring dakilang colorblind? oh no.

      Delete
  32. A good entry and an interesting blog. Since, I just found this out from Kwentong Iskwater, I'm gonna do some backreading. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you ser! :) Will follow you din.

      Delete
    2. Thanks Pao. Tama nga si Senyor Iskwater, ang cute mo. :)

      Delete
  33. So ganun pala ang pakiramdam ng colorblind. Now i know. Naalala ko tuloy nung magphysically exam kami minsan may katulad na picture yung may 49 na pinakita sa akin nagtataka ako kung para san yun at dito ko lang nalaman ang purpose. Nice.

    By the way, if you have time feel free to visit my new blog.

    superjaid.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello superjaid!

      Oo ganun nga ang pakiramdam, wala nang magagawa e. Pero okay lang, at least I'm blessed with vision. :)

      Followed you!

      Delete
  34. long time no post pre. may mga kilala kong ganto. at sa linya ng course namin na highly-dependent sa kulay nag buhay, ewan ko kun pano sila nakakasurvive.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo. Inugatan na e. haha! Ang kailangan ko rin ay ang lugar kung san ako makakasurvive.

      Delete
    2. tamang ugat lang naman. haha

      Delete
  35. Sh*t nakakatakot, diko alam baka mamaya may ganyan na ako

    ReplyDelete
  36. Naaliw ako dun sa multi-colored mushrooms. Ipinaalala nila sa akin ang Johari window hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. At ni-search ko talaga ang Johari window. haha! :)

      Delete
  37. UNA SA LAHAT i welcome myself back dito sa blog mo diba!!! bonggaa!!! twerking twerking!!! hahahahahahha woooootttt hooooo!!! haaayymisshyoou paopao!!!! hahahaha

    at ang dami ko na talagang kainggitan ngayon sa mga header slash banner itong sayo at yong kay koyah mar pa ang nakikita ko!!! hahahaa but i want one!! i want one like this!! arteh lang charroowwwwwwt!! hahahahah

    about naman sa post na yan bigla ata akong nagisip baket ndi ko makita ang 49 din don? hahahaha yes oo meron yong color green don pero ndi 49 ang nakikita ko wala lang parang marble lang hahahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. O diba ang ganda! hahaha! Sus e kayang kaya mo naman gumawa nyan!

      hala ka colorblind ka din! HAHAHA!

      Delete
  38. may cure ba 2? parang pag ECE katlga dapat malinaw mata mo noh..kaya pala yong bunso kng kaptd na babae same profsn kyo mtgal na nag paparinig skn na gusto nyo mag pa lasik..pag isipan ko pa pag my time...lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Unfortunately, walang cure sa colorblindness. Pero kung sa labo lang ng mata, meron yan ;) Hindi ko alam yung lasik.

      Delete
  39. Nakakarelate ako nito ha.. Pero dinedeny ko (hanggang ngayon) na color blind ako. Kasi naman there was one time na di ko ma-differentiate ang blue and violet. Blue pa naman favorite color ko (maisingit lang ang favorite color! haha!).

    To be honest, sakit isipin na color blind ako pero I believe na di talaga ako color blind. Sadyang malabo lang talaga ang mga shade ng kulay nun. (At sinisisi pa ang kulay! haha!)

    Follow my blog too para makita mo ang food trip ko! hehe! :D

    ReplyDelete
  40. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  41. Thanks for sharing, nice post! Post really provice useful information!

    An Thái Sơn với website anthaison.vn chuyên sản phẩm máy đưa võng hay máy đưa võng tự động tốt cho bé là địa chỉ bán máy đưa võng giá rẻ tại TP.HCM và giúp bạn tìm máy đưa võng loại nào tốt hiện nay.

    ReplyDelete
  42. God bless Dr.Okwuezeala for his marvelous work in my life, I was separate with my husband for the pass 3 year now and I wasn't satisfied i needed to get my husband back because the life of loneliness was so terrible for me and my 2 kids I searched about some possible spell caster that can bring back lover and i then come across Dr.Okwuezeala i saw a comment about Dr.Okwuezeala, how he bring lovers together with his spell caster I contacted him and he guided me. I asked for solutions, he started the remedy for my spell he ask for some information which i sent to him and also told some few things to do, after 48 hours my husband call me and start bagging me for forgiveness for all that happens i am so happy right now that we are back again as one family. If you are in the same situation right now and you don't know what to do or where to go, you can contact Dr.Okwuezeala today on dr.okwuezeala.temple@gmail.com

    Whatsapp:- +2348123446245

    he can help you out of that you situation.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...