Monday, July 1, 2013

Tatlong Piso

Sumakay ako ng tricycle nang ako'y pauwi na. Nadatnan ko ang isang lalaki sa backride na siyang tinabihan ko, at sa loob naman ay dalawang pasahero. Apat na kami. Naghi-hintay pa ng isa pang pasahero para makaalis na. Nangolekta na ang tricycle driver ng mga pamasahe namin. Nagbigay ako ng sampung piso bilang bayad hanggang sa subdivision namin. P13.00 'pag hanggang Industrial Park (may kasabay) at P18.00 naman kung nag-iisa ka lamang (solo). 

Nag-abot ng tag-sa-sampung piso ang dalawa pang kasabay ko, at ang isa naman ay nag-abot ng P15.00. Kung may makakasabay siyang papuntang Industrial Park, siya ay susuklian ng dalawang piso at kung mag-isa lang siya, magda-dagdag pa siya ng tatlong piso. Tinanong siya ng driver kung okay lang sakanyang magbayad ng P18.00 kung mag-isa lang siya. Hindi sumagot ang pasahero. 

May ilang sandali lamang siya para mag-isip kung siya ba ay papayag. 

Ilang sandali pa ay dumating na ang isa pang pasahero. Sa wakas, makakaalis na kami. Tinanong ng driver kung saan bababa ang bagong sakay na pasahero. "Subdivision po". Sa madaling salita, solo lang yung nagbigay ng P15.00 papuntang Industrial Park. Siya naman ang tinanong ng driver kung okay lang ba sakanyang magdagdag ng tatlong piso. 

Hindi siya sumagot.


Dumukot ang pasahero sa kanyang bulsa. Sakto, tatlong piso. Hawak niya ito sakanyang kamay, pinaglaruan at pinapa-ikot-ikot sa kanyang mga daliri habang tinititigan ito. Lahat kami ay nag-aabang sa kanyang desisyon. Nakahanda ang tatlong piso ko. Kung sakaling hindi siya pumayag, ako nalang ang magda-dagdag. Hindi dahil sa ako'y mayaman, alam ko lang na talagang nagmamadali na siya at alam ko ang pakiramdam ng walang wala. 

Halos isang minuto nang makapagdesisyon ang pasaherong i-abot ito sa driver. Sa kanyang pag-abot, alam kong may pagdadalawang-isip at may halong panghihinayang, may ilang senyales na parang gusto niyang bawiin ang perang inabot.

Napa-isip tuloy ako. Sakanyang kasuotan, masasabi kong hindi mataas ang kanyang posisyon, maaring ito'y nasa pinakamababang kalagayan. 

Medyo mataas din naman ang pinag-aralan ko kahit paano, pero hindi sapat iyon para masabing habambuhay na maganda ang ikot ng roleta ng buhay ko. Kahit ilang beses pa ako mag-aral ng Probabilty and Statistics, hindi ko masasabi ang eksaktong mangyayari sa hinaharap. 

Hindi ko alam. 

Darating kaya sa puntong manghihinayang din ako sa pagbitaw ng tatlong piso? 'Wag naman sana. 

Huwag naman sana.


"For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." - Jeremiah 29:11

48 comments:

  1. Napaka-ganda naman ng message neto Pao. Ang simple ng pagka-kwento at pagkaka-sulat but ang lalim ng nilalaman.

    Nakakatuwang isipin na my kilala akong Engineer na magaling magsulat :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you miss B. yan ang nagagawa ng pagiging pulubi ko ngayon. haha.

      Naks! Thanks po!

      Delete
  2. Mga lessons sa pang araw araw na buhay. Hindi kasi pang habam buhay na mayroon tayo at hindi pang habambuhay na kailangan nating maging mapagbigay sa lahat ng paraan o bagay. Laging may hangganan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ser. Salamat. Kaya mabuti na ring mag invest, hindi man sa pera kundi sa mabuting gawa. ;)

      Delete
  3. I donate na ang mga Pisong yan sa PBO hahaha... Nakapag muni muni ka sa iyong na-obserbahan...

    Lessons Learned:
    1. Una, ang panghihinayang ay para sa pag gasta ng walang kabuluhan (ouchhh!, mas masakit pag sarili mong salita tumatama sayo hahaha) Nagdadalawang isip si pasahero, for what reasons? kung talagang kailangan nya yong tatlong piso, he can just walk the extra mile. But in the end... mas pinili nya na hindi sya mahirapan... Good Choice or bad Choice? Depende sa level ng kanyang pangangailangan.

    2. Ikaw mawawalan? Hindi yata... kasi, isa kang mayamang conyo!

    3. Jeremiah 29:11 - Amen to this verse! Favorite verse ko to! Apir!! Opps hindi umabot kamay ng kuneho haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha sus yun lang pala e! ;) Kasi nga konti nalang, tres na lang ang matitira sa pera ko. Ngayong 4 pesos pa e. haha!

      1. hahahaha! Hmmm, baka kasi pandagdag sa lunch nya or something? male-late kasi sya pag naglakad sya. Ganyan? Sana pala tinanong ko sya ano?

      2. Heh! Kuya ko ang maya... sya ang conyo!

      3. Hahahaha! Natawa ko dito ah. Apir! *ouch! Apir sabi ko hindi uppercut, super Mario! hahah!

      Delete
  4. haha, well, ako madalas mangyari sakin yan, actually kanina lang, ung alam ko
    di naman ako sagana, pero minsan mahirap magpigil na di gumasta, at magbigay
    lalo pag nadaan ako sa baclaran!
    ang sa isip ko lang once nabitawan ko na pera hindi na to sa kin at iniisip ko din na di ako
    to napasakin para walang guilt hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha natawa naman ako sa mindset mo. Pero sabagay, may point ka! 3 points! ;)

      Delete
  5. May math na invloved! Sumakit ulo ko! Haha!

    Baka naman bibili pa si pasahero ng iPhone 5 e kukulangin pag binayad nya ang 3 pesos! O kaya baka memorable ang 3 pesos na yun, bigay ng ex! Ikaw e, jinudge mo agad haha :)

    Kung dumating man ang panahon, wag naman sana, na manghinayang ka sa 3 pesos, text mo lang ako papa Western Union kita! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, tawa much naman ako dito kay Zai :P

      Delete
    2. hahahaha! Natawa naman ako dito kuya Zai! Baka nga nakulangan lang sya ng 3pesos para sa iPhone 5. Sana pala tinanong ko na no? Baka kasi may makuha syang discount at may maibalik pang sukli, ako ang mang hihingi. lol

      Sige, may malapit na western union dito samin! haha!

      Delete
  6. That verse you quoted at the last part made a lot of sense.

    ReplyDelete
  7. Kung ako dun sa pasahero, naglakad na lang ako. Dyuk!

    Naku, every piso or kahit nga cents counts nowadays eh. Ang hirap kumita ng pera, kaya dapat talaga maging wais sa pag-gasta.

    May pa-roleta roleta ka pang nalalamans jan! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. E kasi baka late na sya. haha

      tama ka. At sayo ko nakuha ang roleta pusa! hahaha! O wala bang points ngayon? sana di na 69. hahaha!

      Delete
  8. yehey! i am so happy na unti-unti na muling nabubuhay ang dugong blogger in you! maganda ang kwento... nagandahan ako... mejo nakulangan lang ng pangil sa ending pero ayos naman...

    pscnya kung mukhang nega lagi comment ko sau ha... feeling ko lang na dito sa tambayan mo eh pwedeng maging uber honest since close naman tayo...hihihihi... feeling ako noh?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din nga nakulangan sa ending. wala na ko madagdag pa kasi kulang din talaga yung naisip ko nung nasa tricycle ako. hahaha!

      okay lang senyor! :D Ice yan!

      Delete
  9. God forbid na dumating man na ikaw ang mangangailangan ng tatlong piso o higit pa, sigurado akong mayron ding at least isa na hindi magdadalawang isip na mag-abot nito.

    "Pay it forward." :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yehey! Thanks Lili! Magdilang anghel po kayo. :D

      Delete
  10. Tama! Wala talagang security sa future. Kahit pa may mataas na pinag-aralan at may magandang trabaho sa ngayon, di natin alam ang mangyayari sa kinabukasan... Bilog nga daw ang mundo kagaya ng mga piso. Sa katunayan, maraming beses na din akong nakaranas ng pagdadalawang isip...at madalas nasasabi ko sa sarili na 'gawin na lang ang tama at umasa na ang magiging resulta ng gawang tama ay tama din'

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat ser Ric! " 'gawin na lang ang tama at umasa na ang magiging resulta ng gawang tama ay tama din'- pero minsan, sabi nga sa kanta: "Life has a funny way of sneaking up on you wen you think everything is okay". But of course, at the same time, it also has a funny way of helping us out.

      Delete
  11. sabi nga nila, ang buhay ay parang gulong. hindi laging nasa itaas. hindi lahat ng nakapagtapos ay may maganda o merong hanap-buhay. Kaya kung anuman ang meron tayo ngayon, cherish it and always thank the Lord for all the blessings.

    ReplyDelete
  12. Nung estudyante ako, kahit piso di ko pinapalampas. Syempre yung allowance ko konti lang. Pero nitong nagttrabaho na ko, may times na yung mga hindi nagsusukli or yung taxi driver na gustong magpatip pa eh pinababayaan ko na. Iniisip ko na lang mas maswerte ako sa kanila. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Syempre sakto lang ang budget natin! haha! Naks naman! sana taxi driver nalang ako para matipan mo. haha!

      Delete
  13. Bawat piso o kahit isang kusing ay mahalaga sa bawat isa sa atin. Siguro naisip ng pasahero na pinaghirapan niyang kitain ang tatlong piso. Kahit ako man magiisip ako. Minsan maglalakad na nga lang ako par amakatipid. Hirap kumita kasi. Kaya habang maaga magtipid na at magimpok.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama. Mahirap ngang kumita. Kailangang maging wais sa pag gastos.

      Delete
  14. sabi nga nila may mga bagay talagang mahirap bitiwan lalo't pa kung ang bagay na ito ay iyong kinuha mula sa dugo't pawis mo... Di rin naman natin siya masisi kung medyo nag-aaalinlangan siya sa pag bigay ng 3 peso na ito, kung sa iba ito marahil marahil ay di ito ibibigay..

    sa verse na binigay mo.. Amen to that!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. ewan ko lang yung sa ibang hindi ibibigay yung 3 pesos.

      Isa yan sa mga paborito ko. :)

      Delete
  15. Mahuhulog ako sa upuan.. well, three pesos is so much kung walang wala pero pag meron aus lang.. sa taxi nga 50 pesos pa hinihingi.. I give not because i can afford but because nag mamadali na kami pero kung walang wala ako, away na to! lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha!

      Maybe walang wala nga talaga sya kaya "so much" ang 3 pesos.

      Delete
  16. Naka touch naman ano. Buhay talaga parang gulong. Buti na lang si Lord andyan pa din kahit nasa ilalim tayo. I pray that I can always be the one who can help, but must admit that we all do need help sometimes.

    ReplyDelete
  17. mahirap pakawalan ang three pesos pag wala sa buhay... like me, P7.OO pesos pamasahe, sakto lang madalas pera ko (no joke). tapos may kailangan iphotocopy sa school, kahit piso lang photocopy, mahirap ako magbigay kasi maglalakad ako pag binigay ko, sa taas kasi ng bundok ako nakatira, hirap umakyat. lols.

    ReplyDelete
  18. Maliit na bagay lang ang tatlong piso... kung may isang libo ka pa sa wallet. Pero si Kuya siguro may pinaglalanan o di kaya ay may pinagdadaanan, at sa mga tulad nya, malaking difference yung tatlong piso na yun. Nasubukan ko na yung minsan pauwi ako at barya na lang pera ko, otso ang pamasahe tapos 7.75 lang ang nasa wallet ko. Nung nakahanap ako ng 25 cents sa kailaliman ng bag ko ang saya-saya ko LOL.

    ReplyDelete
  19. namiss ko ang ganitong post mo..medyo nabitin lang ako i thought may mangyayari pa..but nevertheless may lesson kaya ok na ok pa rin ;)

    ReplyDelete
  20. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com




















    Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com

    ReplyDelete
  21. God bless Dr.Okwuezeala for his marvelous work in my life, I was separate with my husband for the pass 3 year now and I wasn't satisfied i needed to get my husband back because the life of loneliness was so terrible for me and my 2 kids I searched about some possible spell caster that can bring back lover and i then come across Dr.Okwuezeala i saw a comment about Dr.Okwuezeala, how he bring lovers together with his spell caster I contacted him and he guided me. I asked for solutions, he started the remedy for my spell he ask for some information which i sent to him and also told some few things to do, after 48 hours my husband call me and start bagging me for forgiveness for all that happens i am so happy right now that we are back again as one family. If you are in the same situation right now and you don't know what to do or where to go, you can contact Dr.Okwuezeala today on dr.okwuezeala.temple@gmail.com

    Whatsapp:- +2348123446245

    he can help you out of that you situation.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...