Thursday, November 29, 2012

Shooting Star



How I wish some sayings are true

 ”WHEN YOU WISH UPON A STAR YOUR WISH WILL COME TRUE”
  
"Shooting Star" | Oil on canvas. [10" x 14"]

When I was in grade school, 4th grade to be exact, my teacher asked some students to report about heavenly bodies. Unfortunately, I’m one of them. But then I gladly accepted the offer. Not to mention that that was my first time to do some reporting in front of the class. I also wanted to see if I can pull it off.

The actual encyclopedia we used years ago
On my way home, all I think about is my topic. How do I deliver it in front of my classmates when I know nothing much about comets? Yes, my topic is about comet that happened to be my most unforgettable topic. Before the day ended, I asked my mom to help me out regarding my report. Then she went straight to our bookshelf to get an encyclopedia. Then we started reading it. I learned so much about comets; its parts, movement, speed, and how it shines brightly in the sky. I was amazed, as if everyone in the world is looking up to the arrival of that one little comet in the sky, like a shooting star! And she continued reading it. The book mentioned that the next comet will appear on 2061, and the world will be able to see it for a couple of seconds, like once in a life time moment!  So I computed what would be my age by that time. I got shivers! I told my mom with overflowing excitement that WE HAVE TO SEE THAT COMET! WE HAVE TO! WE MUST! But I didn’t get any reply, not a single word from her.


Silence struck.

I was suddenly stunned for a second. Then the moment I snapped out of it, I started calculating again. I looked at my mom, seriously writing my report.





2061: I’m already 70 years of age.
and my mom…





When I wish upon a star,







I wish…


Wednesday, November 28, 2012

Morning Vibes! (Filler Entry)


Supposedly, this entry shouldn't be my entry for this day. I have my entry readied last night... pero nagkaroon ng biglaang lakad kaninang madaling araw (di nakatiis, nagtagalog!:]). Pero hindi ko na mahihintay pa ang bukas habang sariwa pa ang pakiramdam ko ngayon, bukas kasi baka panis o spoiled na.  Pero ilalagay ko nalang sa fridge para ready to publish nalang. 


4:00 AM. Ginising ako dahil gusto akong isama ng aking ama sa kanyang opisina. So ayun, gumising naman ako. Magppublish sana ako kanina pero kailangan na daw mag gayak agad kasi maaga aalis, di tuloy nakapag online!:). At any rate, morning person naman ako so hindi ganun kahirap para sakin kumilos kilos kahit madaling araw.

5:15 AM. Ready na. Umalis na kame. Maluwag ang daan, at buti nalang e hindi trapik pagdating sa Magallanes, bale bandang 5:45 yun. Bandang 7 pasado kasi e nagiging parking lot na ang lugar na yan. Tipong mga sardinas ang mga sasakyan na nag-uunahan makipagsiksikan sa loob ng lata.

Bandang 6:00 e Andun na kame sa destinasyon. As expected, nagmamadali lagi ang tao. Nope, actually, "nagmamadali ang Maynila".

So pumunta na kame sa opisina, wala pang masyadong tao. Lumabas ako, tapos nanonood ng mga taong naglalakad. At nakakagaan ng pakiramdam pag nakakakita at nakakarinig ako ng mga taong nag-ggreet sa isa't isa ng "good morning!" habang nakangiti. Tipong sakalagitnaan ng kanilang pagiging abala sa trabaho, nagagawa pa rin nilang magspend ng konting segundo para lang bumati. :). Nakaka-GOOD VIBES! Parang feeling ko nakakagaan ng trabaho sakanila. Feel na feel ko na parang gusto ko ring makibati ng "good morning!", hindi kagaya nung elementary students kame na basta na lamang makabati ng "Good morning mam, good morning classmates, good morning!" Tapos monotone. Walang ka epek epek! HAHAH!

We had our breakfast sa Mcdo. Habang nandun ako, pinagmamasdan ko yung mga tao. Nakakatuwa yung ibang grupo, mga empleyado sila (hindi sa Mcdo). Wala lang, ang saya-saya nila, nagkkwentuhan. Parang ang gaan ng feeling. parang yung sa movies? kapag nakain sila, tapos walang specific topic. Dun na sila nagbbreakfast, coffee coffee. Gusto ko sana kunan ang mga tao dun, kasama ang masaya nilang aura, na nakakahawa :D Pero dahil wala naman akong dalang camera, wala akong nakunang moments! Pero eto nag speed-sketch ako:

Pasensya na. Hindi halata pero masaya sila :)

Namiss ko tuloy yung times na estudyante pa ako. pag napapaaga ang pasok ko. Minsan sa cafeteria (pasusyal lang ang tawag) muna tatambay, tapos kwentuhan! :)

Walang kwenta pero gusto ko lang talaga ishare sa inyo ang Good Vibes na nakuha ko kaninang umaga! :D

***********************************************************************
At nga pala, para sa mga gusto mag papayat jan: Habang nasa opisina ako, narinig ko nakakapayat daw ang pag-inom ng prune juice. Oha! At may dagdag pang impormasyon, available daw sya nationwide sa supermarket. meron nga daw yung magnolia e. :) [chismoso] HAHAH!


***********************************************************************

P.S.
Ang sarap kasama sa tanghalian ng mga tropahan ng mga seaman. HAHAH! -lalo na pag kabababa lang ng barko ;) Kachaw! HAHAH! Mukang kailangan ko na din ng prune juice na yan! ^^



Monday, November 26, 2012

A Message from a Priest




Monday today. As I woke up, nag-iisip talaga ko ng panibagong entry. Ayaw ko kasi sumabay sa agos ng buhay sa tinatawag na "Monday Blue". Wala lang, mahilig lang talaga ako kumontra sa nakasanayan na. Pero sa totoo lang e tinatamaan talaga ako ng Monday Blue. Ang sakit nga e, pero eto, bumangon ako at pilit na lumalaban! HAHAH! Naiintindihan nyo naman siguro ako. ;) Lalo na sa mga estudyante jan! :)



So kumukuha ako ng ibang inspirasyon para lang may maisulat. I visited some blogs, and yes, andaming iba't ibang teknik at estilo ang aking nakita. Still, wala pa rin akong topic. Then I browsed my neewsfeed sa Facebook, and I saw a status that really caught my attention. Actually mahaba kasi so eye catcher talaga. And I'll share this to you (nag paalam naman ako sa kanya ha, hindi naman ako basta basta nag nanakaw lang ng mga posts. HAHAH!)

A family friend's post:
"nag attend ako ng sacramento ng binyag knina (catholic) , dhil isa ako sa napiling maging ninang ng anak nang aking kaibigan :)


ngunit sa simula sinabi ng pari "na kung sino man daw ang naroon na isang born again ( he then also refers to other religion, the priest also "named" leaders of diff churches) AY ISANG HILAW na NINONG/NINANG!!!

ayaw ko na i detalye pa isa isa kung ano pa ang sinabi ng "tao" na iyon... i am in the state of shock at pagka inis sa mga oras na un... GOD BLESS HIM :)

kung ako ay isang ninang na hilaw sa kanyang sariling pananaw... ANO NAMAN KAYA SIYA... ????

I know from the bottom of my heart and my mind kung sino lamang ang karapat dapat bigyan ng pinakamataas at pinakamainam na papuri parangal at pasasalamat.. at ito'y walang iba kundi ang ating DIYOS AMA at ang kanyang bugtong na anak na si JESUS :) na pinagkakautangan natin ng ating buhay ..... at hindi kung sinong tao at mga taong cla mismo lang ang ngtalaga upang sambahin...

hindi ako relihiyosa, hindi ako perpektong tao, maraming pagkakataon na ako ay ngkakamali... pero hindi ko kayang sang ayunan ang kanyang mga winika...

kailangan ko lang po ito ibahagi upang akoy mkatulog ng mahimbing mamaya :)"



-end-

Ayan, wala na na siguro akong maidadagdag pa, nasabi nya nang lahat ng gusto kong iparating. :)

Ang sa akin lang, wag tayo maging utak talangka. Na kailangan nating ibagsak ang iba para lang iangat ang sarili natin. Ang bawat relihiyon sa mundong ito ay nakakatanggap ng aking respeto. Still, naroon pa rin ang respeto ko sa paring ito, kung yun talaga ang kanyang paniniwala. Wala naman sa relihiyon ang kaligtasan ng isang tao. Dahil kung nasa relihiyon yan, malamang lahat ng relihiyon nasalihan ko na! :) Nasa sarili natin yan, kung paano natin tatanggapin si Lord sa buhay natin.

(oha, wala na nga naman akong naidagdag pa! HAHAH!)

Have a happy Monday! :)

Sunday, November 25, 2012

Teka! Touch Move ka!

Ang susunod na quote ay basahin sa tinig ni Morgan Freeman:
Like is like a game of Chess. "You don't need to someone to play it for you, rather, someone to play it with you." -The Young Victoria

Touch Move - Isa sa mga nakakainis na rule sa larong Chess, lalo na paghindi mo sinasadyang mahawakan ang isang chess piece. Basta pag nahawakan mo ang isang tauhan, kahit hari pa yan, kailangan mong igalaw yan. Yan ang isa sa mga dahilan ng pagkatalo ng ibang players. Yung mga malilikot na players. ;)

Actually applicable sya sa totoong buhay, at mas nakakainis yun! Isipin mo nga pag may nahawakan kang bagay e kailangan mo na itong igalaw? Pano kung mahawakan mo ang statue of liberty, sige nga? Igalaw mo! O kapag tao ang nahawakan mo nang 'di sinasadya, kailangan mo syang galawin! Oyyy. HAHAH! Hindi naman. Hindi sya literal na ina-apply. Yung thought o concept lang ng "touch move".

Common yan na nangyayari (Tama ba spell? Hindi yung "common" ha, yung "nangyayari") sa buhay natin. Lalo na sa mga taong madadaldal. May mga taong basta nalang makapagsalita, na hindi iniisip ang mga sinasabi nila. Pero actually, dahil likas na nga silang madaldal at nabiyayaan ng mga napaka talim na dila na mala double-edged sword, hindi na nila talaga naiisip ang damdamin ng iba. Hiwa na lang ng hiwa. Sanay na sila kumbaga. At wala tayong magagawa kung hindi mag-adjust sa kanila kadalasan. Buti pa sila.

"Speak when you're angry, and you'll make the best speech you'll ever regret!"

Yan, yan ang point ko. Kapag galit tayo. Nakakapagsalita tayo ng mga bagay na dala ng bugso ng dadamdaming naglalagablab at naghihimagsik. Yung moment na galit na galit ka, na handa kang pumatay ng kaaway gamit ang mga ngipin at kuko mo. Pero hindi, ginamit mo ang bibig at mabahong hininga mo. Minsan nga mag u-umingles ka pa, na kada bitaw mo ng salita e nagdadasal ka na sana huwag kang mabulol. At kapag success ang iyong talumpati ay mapapa "YES!" ka ng malakas sa kaloob-looban ng iyong lungs. "Sa wakas nasabi ko rin!" Dinaig mo pa si Eula, Gladys Reyes, at madam Claudia sa pagkakontrabida, isama mo na rin si Angelica Santibañez ng Marimar.

Pero pagkatapos nun ay ang truth and shocking moment. Yung tipong matitigilan ka na para bang may mali sa script na sinabi mo, at hinihintay mo lang ang direktor na mag sabi ng "cut!". Pero hindi. The show must go on. Ngayon parang may mga palad na humahawak sa puso mo, na ano mang oras ay pwede itong pisilin. Take note, may hawak itong mga thumbtacks. Wala e, wala ka ng magagawa. Nasabi mo na. Touch move!

Galing-galingan ka kasi sa isang banda. Nag adlib ka pa na pati yung unang araw nyo ng pagkikita e naisumbat mo pa, na siguro nga kung may nahingi syang candy sayo noon e ipaluluwa mo pa. Hayaan mo, may award ka pagkatapos. Siguradong maraming mga taong pag-uusapan ka paglabas mo ng theater. Best Antagonist ka. Ang mas masakit, yung malalaman mo pa sa mga paparazzi na nagkamali ka ng akala, mali ang iyong hawak na impormasyon. Hindi pala si Marimar o Mara ang inaway mo kundi si Sarah, ang munting prinsesa. Tsk! (Corny ko jan! HAHAH!)

Gusto mong baguhin ang lahat. Dahil sa isang banda ay nagkamali ka.

Huwag ka mag-alala. Pwede ka namang humingi ng tawad. Nasa script din yan. Hindi ka lang nagbabasa. May fans ka parin naman jan, pwede ka humingi ng tulong nila. Yun nga lang, may posibilidad na hindi na maibalik yung dating "tiwala" na nasira. Swerte mo pagnaibalik yun. Pero kadikit na nyan ang "doubt o duda".

"There's a very thin line between confidence and arrogance".

Applicable din ang "touch move" sa mga bagay na ginagawa, kanina speech lang. Ngayon with actions na. Artista ka na talaga. May mga bagay na confident tayong gawin. Tipong maipagmamalaki natin na magaling tayo sa bagay na 'yon. Pero minsan, nagiging mayabang na tayo. Dahil jan, magkakaron nanaman tayo ng haters! Yes, haters gonna gate. Pero aminin, may mali pa rin tayo.

Minsan akala mo nakakatuwa pa ang mga ginagawa mo sa ibang tao. Yun pala hindi na. Nakakasakit ka na. Kaya minsan, pag-aralan ang buong script. May mga characters kasing sobrang bait, at sa sobrang bait, hindi nila binabasa yung script na masasaktan ka. Kaya ikaw nalang ang magbasa para sa kanila. Kusa kang tumigil kung sa tingin mo sobra na. Tama na.

Laging tandaan,  "Don't make a permanent decision based on your temporary emotion". Masaya ka man, galit o malungkot. :) Chill lang! Cheers! ^^

Friday, November 23, 2012

Yung mga Nagmamaasim ang Syang Unang Namamatay sa Pelikula




EKSENA:


Ang mga zombies ay nanghahabol sa mga bida. *Takbo takbo takbo* (tumatakbo ang mga bida). Yung mga zombies lumalakad lang pero sa bandang huli maabutan nila yung mga tumatakbong bida.

Pag malapit na ang mga zombies sakanila, takbo ulit ang mga bida. Pero sa isang grupo ng mga bida, hindi mawawala ang mga lampang karakter. *Maarteng karakter.

Madadapa, matatalisod, madudulas, o kung ano pa mang mga pwedeng mangyare basta madelay lang ang pagtakbo ng isa sa kanila. Minsan sasabit ang damit, o kahit matatanggal lang ang sintas. Matitigilan din ang mga natira pang tumakbo kapag mga 10 metro na ang layo nila sa nadapang kasama.

ACTION! "Takbo! Bilisan mo!" Sigaw ng mga natirang bida habang naglalakad naman ang zombies na may 15 metro pang distansya sa nadapang kasama. Todo sigaw naman ang lampa ng "iwan nyo na ko!" habang nangingilid ang luha at may pawis pa (10 metro nalang ang pagitan ng zombies sakanya).  May isang magpapakabayani kapag ang zombies ay malapit na (mga 5 meters nalang sa mabibiktima). Tatakbo si "hero" papunta sa nadapang kasama. Pilit aakayin.

ANG DRAMA:
Lampa: "Iwan nyo na ko!" (ang sigaw habang papalapit na ang tagapagligtas nya)

"hero": "Bilisan natin, kaya mo ba tumayo? Tara aakayin kita." 

Lampa: *ugh! *ugh! (Hirap tumayo) "Tara!"

Zombies: *groans* (hahawakan ang lampang bida.)

Lampa: *Aaah! 

"hero": Laban laban ng konti, sabay atras ng mga 5 meters na ang stunt ay tipong babalikan pa ang biktima.

Lampa: "Iwan nyo na ko! Iligtas nyo na ang mga sarili nyo! AAAHHH!"

Mga natirang kasama: Lalapit sa "hero". Sabay tatapikin sa balikat. Sabay sabing: "tara na!"

Tatakbo ang mga natirang bida at iiwan na ang lampang kasama!

Lampa: Aaaah! Deads. >Full of regrets<


*END*


MORAL LESSON:
Kung nagpaakay ka sana, baka matulungan ka pa. Baka buhay ka pa. Kahit sa paraang pagkakaladkad sayo, e halos mapudpod na pride at dangal mo, at least, buhay ka. May mga bagay kasi sa mundong ito na masmahalaga pa sa pride o dangal mo. Kapag may tutulong sayo, wag ka na magmaasim pa. Lunukin mo ang pride mo, na parang paglunok ni darna sa kanyang bato. Dahil sa bandang huli ikaw din naman ang magsisisi. Ikaw din ang olats!

COMMON ILLUSTRATION:

*Exam: May kumalat na leakage pero hindi nakarating sayo. Hindi ka nabigyan ng bespren at mga sanggang-dikit na kaklase mo. So papakopyahin ka ng katabi mo. Nagmamalasakit. Pero dahil nagmamaasim ka at tampu-tapuhan ang peg mo, mataas pa sa sikat ng araw ang pride mo kaya tinanggihan mo ito. Hindi ka lumingon sa papel nya. Maarti ka na may matching pag-irap pa. Ang result, bagsak ka. Kahilera ng grades mo ang mga kaklase mong hindi na kakuha ng exam. At the end of the day, wala kang kasama sa canteen na kumain at kasabay umuwi. Dahil gusto mong ipakitang galit ka sa ginawa nila. Pero pag-uwi mo sa bahay bago matulog, iisipin mo kung paano ka bukas pag pasok mo. Wala kang kabonding. Sana hindi ka nalang nag-maasim.

*Lakaran/gala/hangout  Hindi ka nasabihan ng barkada mo nung unang gala nila (Kasi biglaan, at sa totoo lang, kalimitang mangyari yan). So tampu-tampuhan ka ulit. Nung pangalawang lakad, sinabihan ka. Pero dahil nag mamaasim ka, tinanggihan mo. Ang pagmamaasim mo na may halong "pilitin nyo ko" sa likod ng mukha mo, hindi umepek. Tipong ginawa mo na din yung "pilitin nyo pa ko" expression. Pero wala talaga. Pero dahil may pride ka, paninindigan mo ang eksena mo. Hindi ka sasama. 24 hrs later. Makikita mo ang facebook ng mga friends mo na puno ng picture nila, tag tag pa ha. ANG SAYA SAYA NILA! Sa isip mo, e ano ngayon kung nagsaya sila na may halong panlalait pa. Pero deep inside, merong "sana sumama nalang ako". At the end of the day, ikaw na naman ang talo. Wala e, nag maasim ka.


Alam nyo, ang pagmamaasim e gawain lang ng mga taong immature! HAHAH! Although minsan, umeepek din naman yan; (1)dun nga lang sa mga taong nagmamahal talaga sayo, at (2)sa taong guilty sa nagawa nilang kasalanan sayo. Otherwise, 'pake nila sayo? Malas mo lang pag walang taong nakapaligid sayo na under sa 2 categories.

Kaya ngayon, masmabuting wag na mag maasim pa. Pakamature ng konti pa mga ate, kuya. Nang hindi ka mapagsakluban ng langit at lupa. Lugi e. HAHAH!

Tandaan: Mas giginhawa ang buhay, kung ang pag-mamaasim ay babawasan. Hindi ka sinigang at lalong hindi ka paksiw! Expired na hotdog lang!

Monday, November 19, 2012

Kawawang Gitara

May gitara kami, at eto sya:


Ayan, kung makikita nyo e napugutan sya ng ulo. Wapak! At hindi ko alam kung madadaan pa sya sa mga pandikit pandikit na yan. Kasi wala naman akong alam sa pagaayos ng gitara. Ang alam ko lang e magtono at magpatunog ng strings nya! HAHAH! So ano bang nangyare sakanya? (linyang itinatanong ng karamihang mga nakakita ng larawang ito sa FB [actually kahit ako naman siguro pag nakakita ng ganto sa wall ng friend ko e itatanong ko din, echusero e] HAHAH!)
Oh heto,

ANG ISTORYA: 

Hindi ko talaga nakita ang mga pangyayari pero ikkwento ko pa rin! (at sa ganyang bagay nagsisimula ang chismis).

Bandang hapon, siguro 2:00pm, hindi ko sure, pero kasi hapon yun, at pag hapon 2:00pm agad napasok sa utak ko, minsan 3 pa nga e. Pero iassume nalang natin na 3:00pm wag makulet (ganyan talaga pag engineering, magaling mag-assume. Kaya laging nabagsak sa exams e HAHAH!). Kasalukuyan akong nasa loob ng bahay at nagcocomputer (as usual), Then sa aming garahe, katabi ng aming munting bahay, andun ang mga barkada ng aking kapatid na bunso. Pero yung kapatid kong yan e nasa kwarto nya at may ginagawa daw sya. Sa madaling salita, ang gitara ay nasa garahe, at ang mga barkada nya daw ang may hawak nito. Then, huli daw nilang ipinatong ito sa stand ng gitara subalit hindi maayos ang pagkakalagay (kung naipatong sana sa mesa, para kahit anong posisyon carry na ^^) Maya maya daw, bigla nalang nilang nakita na nakatumba ang gitara at pugot na ang ulo nito! Wala naman daw may gawa nito. (So sa madaling salita, nagsuicide ang gitara).

***END OF THE STORY***

Bandang gabi, tsaka lang sinabi ng kapatid ko sakin ang nangyare. So ako naman, na kasalukuyang nakaharap pa rin sa computer, e, wala lang. Sabi ko "anong nangyare? Akin na at pipicturan ko at iuupload!" HAHAHAH! At ayan nga, uploaded na. Kasi hindi naman sakin yang gitara, sa kuya namin yan. Pero kahit pano concern naman ako, so dahil concern ako, tinakot ko ang bunso: sabi ko "lagot ka kay kuya, lagot kayo kay kuya pag nalaman nya yan". HAHAH!

Nung inupload ko tsaka lang nalaman ng aking ama ang pangyayari, sya ay kasalukuyang nasa karagatan. Pinakwento nya sa akin ang nangyari, so kinwento ko yung snippet ng "ANG ISTORYA" na kinwento ko rin sainyo. At dahil concern din sya, ang sabi nya: "ok".

Sinabi ko rin naman na kay bunso nalang magtanong tanong

So si mama naman? Ewan ko, sa kwarto sila nag usap ng kapatid ko, pero tinakot nya lang din ata ang bunso, pareho kame ng sinabi na lagot sya kay kuya. HAHAHAH!

Maraming nagcomment at nagsuggest sa FB kung anong magandang gawin:

>I-wood glue + screws.
>Palitan ang buong neck
>madidikit pa yan pero iba na ang tunog
>Palitan ang buong gitara

at gusto ko yung "palitan na ang gitara". HAHAH! (Kung marami lang sanang pera) ^^

Pero okay din yung major operation nalang, pero kailangan ng neck transplant. HAHAH!

So ayan ang kwento ng kawawang gitara, nakaconfine sya sa aming silid. Sa ngayon bahala na kung anong mangyare sakanya. Hindi naman kami close. :) Sakto lang. ^^

Saturday, November 17, 2012

Buhay Tambay

Hayahay. Hayahay. Lagi ko yan naririnig sa radyo. So nicheck ko yung meaning sa net.

"Hayahay is a bisaya term for convenience/comfort/easiness."

So I therefore conclude na ang hayahay ay madalas kong maranasan ngayon dito sa bahay sa aking buhay ng pagiging tambay!

Hmm masarap. Magaan sa feeling! :)

I just remember nung may nakachat ako, si Jhen Torres. Nabanggit nya ang kahirapan ng pagttrabaho, bagamat masaya naman daw. Nabanggit nya na gusto nya mag bakasyon. So sabi ko naman na yan ang ginagawa ko ngayon, ang magbakasyon.

As in. Wala akong ginagawa buong maghapon. Kaya nga napadpad ako dito sa blogging e. ;) Well kagaya nga ng sinabi ko, hayahay ang buhay. Hindi busy, hindi nakakapagod, hindi hectic ang sched, hindi kailangang magmadali, hindi kailangang gumising ng maaga. Ang gaan ng feeling, kumpara nung napasok pa ako. :)

Hindi ko na kailangan gumising ng sobrang aga para maligo, magbihis, mag-ayos ng mga gamit, at mag prepare ng agahan. Hindi ko na kailangang icheck ang phone ko time to time, na baka may assignment, project o kung ano pa man ang kailangang gawin. Kalimitan, puro GM lang naman ang narereceive ko, GM na para lang naman ata sa sarili nila na di malaman kung nagyayabang lang o nangiinggit na wapakels naman ako,  o puro yakagan sa mga gala. So hindi required na maicheck agad. ;) Hindi ko narin kailangang magcheck ng mail, dati kasi pagumaga may mga nagpapaprint pa sakin so kailangan kong icheck kung meron pa (business ko kasi yan!) HAHAH!

Pagkaigising ko sa umaga, hmmm, wala, gugulong gulong lang ako sa kama. Pag-inantok ako, edi tulog ulit! Yakap ang madaming unan, sa paa at kamay! Nakakumot habang bukas ang electricfan. Dinadama ang lamig ng umaga. HAHAH! Pagwala na ang antok, babangon na. Fix-fix ng konti. Minsan hindi na. HAHAH! Pag kagising ko ready na ang breakfast, ako ang hinihintay nyang kainin sya.

Tapos, pag medyo maaga pa para sa mga palabas sa TV, ayun, online online din (kagaya ngayon). Type type (kagaya ngayon), habang nag si-sip ng coffee kagaya ngayon. Oooh! ;)

Tapos sisilip silip sa bakuran! (LOL, wala kaming bakuran, kapit-bahay agad ang makikita paglabas ng bahay namin! HAHAH!) Tapos habang nahigop ng kape (or chocolate [Milo lang yan, pasusyal lang]), nakakatuwang pakinggan ang pagaspas(?) ng mga puno at halaman, ang huni ng mga ibon...(OA). No, nakakatuwang pakinggan yung mga tunog ng mga nagwawalis sa labas. HAHAH! Tapos tatamarin ako sabay pasok ulit sa loob ng bahay!

Ayun, magbubukas ng TV, titingin kung may magandang palabas. Pag meron, go nood tayo. Pagwala, lipat ng channel, sige animal planet or cartoon network tayo. Habang bukas ang TV, nakaharap naman ako sa computer. Basta naririnig ko lang ang TV pwede na. HAHAH! Pagsinaway ako, tsaka ko lang sya papatayin. Pasaway! :)

So tanghalian, kakain. Pahinga ng konti. Tapos tingin tingin kung ano ang pwedeng gawin! Pagwala, wala lang. Uupo kung saan. Pag inantok tulog ulit! Gigising ng bandang miryenda! :) kain, tapos tingin tingin kung may mailuluto. Lalo na pag week-end! :) Like one time, magbbake sana ako, kaso nung nicheck ko yung oven namin, wala na syang label/numbers. So tigil na ko. Life is so short. HAHAH!

Ayun lang, hanggang maggabi. Magddinner. Minsan kung ano ang tanghalian yun na din ang dinner, nadadagdagan lang ng mga side dish. HAHAH!

Hindi ko kailangang magpuyat para sa mga dapat gawin. Or kung gusto ko mang magpuyat, okay lang kahit buong magdamag. Hindi ko naman kailangang gumising ng umaga kinabukasan para pumasok! :) magaan sa pakiramdam.
Yan ang aking buhay tambay. Hayahay kung hayahay.

Minsan naiisip ko rin naman mag work para mag kapera, pero kasi maslamang yung gusto ko munang magbakasyon pa. Baka next year nalang ako mag hanap ng work. ;) HAHAH!

Ayan na! Sana nga lang talaga next year may work na ko. ^^

Sya sya! Hahayahay na ulit ako! Ciao!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...