Thursday, July 18, 2013

Color Vision Impairment

Marami na ring nagtanong sa akin kung ano ba ang feeling ng isang colorblind. Feeling talaga? Normal lang. Parang wala lang. Wala lang, hindi ka lang naman makakapasok sa mga kompanyang nagre-require na dapat e hindi ka colorblind especially sa field ko bilang isang ECE. Kumbaga pagdating sa application, 'yun yung tipong naipasa mo na lahat ng interviews and exams and other medical requirements pero pagdating sa colorvision, saka naman papalpak. Very frustrating. Sayang ang pagod, pera at ang oras! I'm telling you, FRUSTRATING. It's up to you kung paano ka makaka-move on. 

Maraming gustong malaman kung ano ang aking nakikita kumpara sa nakikita ng iba. So para maintindihan nyo, heto po:



Yan po ang mga mushrooms ni Kuya Mar Super Mario na kamakailan ko lang nalaman na magkaiba pala ang kulay. RED para lumaki si Super Mario and GREEN naman for "1 up" or additional extra life. Buong kamusmusan ko akala ko wala silang pinagkaiba.

Iniisip nyo siguro na kaya ko naman palang itama ang paningin ko. Siguro po, pero pag maliliit na, hindi ko na po talaga kaya. 

Like this one: 

Someone who is deuteranopic might not see this number (49). Please note that the second digit in this number may be difficult to discern even by those with normal vision.

Kita nyo yung 49? Ako po hindi. Hindi ko makita. Plain lang ang nakikita ko. Panong plain? Parang ganto:


O ha! Pare-pareho na tayong walang nakikitang numbers! Parang ganyan ang nakikita ko pag tumingin ako sa mas naunang larawan. 

Kadalasan napagkakamalan lamang ng ibang tao na dala lamang ito ng kalabuan ng mga mata. Pero hindi. Gaano man kalinaw ang mata ko, hindi pa rin tama ang paningin ko pagdating sa mga kulay-kulay na yan. Kahit pagsuotin nyo ako ng salaming may pinakamataas na grado. 

Hindi kagaya ng ibang medical ailments, ang colorblindness ay walang lunas. Kaya 'pag ito ang ikinabagsak sa medical exam, wala nang second chance, hindi na mare-remedyohan. 

So ayan na, pinakasimpleng paliwanag as much as possible! Nawa'y ngayon alam nyo na kung ano ang panigin naming may mga color vision impairment.

Tuesday, July 9, 2013

A to Z

Una ko itong nakita kay Senyor Iskwater, and since tagged naman ako, gagawin ko na dahil interesting din kasi. Isa lang ang naaalala ko dito, ang pagpatol ko sa Bulletin Board surveys ng Friendster noon. lol


A. Attached or Single?

Attached. Not necessarily mean taken, right?

B. Bestfriends

Ahh yes, bestfriends. Aside from my "bestfriends",  dog is a man's bestfriend sabi nila, so I had two.




C. Cake or Pie

I choose 3.1416. Not that pie na sikat here in Laguna but just an EGG PIE!



D. Day of Choice

The day today, Tuesday. ;)



E. Essential Items

Money. Phone. PC/internet connection. Pen&paper.

F. Favorite Color

White and Blue.

G. Gummibears or Worms

Worms! Yung maasim na maasim! >.<





H. Hometown

Calamba, Laguna. Hometown of our National Hero. The resort capital of the Philippines!




I. Indulgence.

Sweets!

J. January or July

January. New Year celebration. Madami kasing pagkain at fireworks.



K. Kids

Dati ayaw ko sa mga kids. Ang iingay kasi, ang lilikot at ang kukulit. haha! But after the First Event ng PBO, I started to like kids, miss ko na nga sila e.

L. Life isn't complete without...

God. *spotlight* <insert singing angels here>

M. Marriage date.

Wala pa.

N. Number of brothers and sisters

I have one oldah brothah and one youngah sistah!



O. Orange or Apples

Apples. Most of the time, tinatanggal ko ang balat ng apple. :)

P. Phobias

I think I have this trypophobia? O arte lang? lol
Ayaw ko makarinig ng mga accident stories involving physical injuries and the likes. O.o kaya nagskip read ako ng slight sa Worst Habit ni Fiel Kun at damang dama ko ang July Please Be Good to Me ng celebrity blogger na si Ms. B!

Q. Quotes

"Humankind cannot gain anything without first giving something in return, to obtain, something of equivalent value must be lost."

"Change is the only permanent thing in this world"



R. Reason to smile

http://25.media.tumblr.com/tumblr_m75e5qH0A91qj2u1wo1_500.jpg
You! iiihhh :3 


S. Season of Choice

Basta ayaw ko 'pag mainit!

T. Tag 5 People

You ulit! Ikaw na nagbabasa nito. Sana nga abot ng lima ang readers ko.

U. Unknown facts about me.

I am color vision impaired. I see things in monochromatic (lol jk).

V. Vegetable

Kangkong! Tapos sasamahan ng bagoong.



W. Worst habit

PROCRASTINATION

mamaya nalang! 


X. Xray or UltraSound

Xray! Once pa lang ako nag pa X-ray at nag enjoy naman kami ni nurse. haha! At eto ang result! Taadaaa!



Y. Your favorite food

Fruit: Avocado
Drinks: Vanilla coffee/frappe, pineapple juice, lemonade
Main course: Seafoods and gulay na ginataan. At mga ulam na nakakamatay (kare-kare, tokwa't baboy, bopis, sisig etc na nakaka-high blood)
Sidedish: Potato Salad/Mashed Potato
Dessert: Cake, or should I say Icing? lol


Z. Zodiac Sign

The first astrological sign in the Zodiac, spanning the first 30 degrees of celestial longitude (0°≤ λ <30º), which area the Sun transits.

Ladies and gentlemen,

The ram, Aries (♈)!



Sunday, July 7, 2013

Extra Rice!

http://cdn2-b.examiner.com/sites/default/files/styles/image_content_width/hash/f7/b2/spaghetti_5.jpg?itok=xFrDul7D
Sa counter sa isang fastfood chain.

Cashier: Hi Sir! Ano pong order nila?
Me: N2 po. (Spaghetti, drink, hamburger)
Cashier: Dine in or take out?
Me: Dine in.
Cashier: Ano pong drinks nila?
Me: Pineapple.
Cashier: Ang order po nila ay 1 spaghetti, 1 regular Yum, and 1 Pineapple po.
Me: Yes.
Cashier: Wala na pong i-a-add?
Me: Wala na po.
Cashier: Extra rice po?
.
.
.
.
Me: HA?

Tumingin ang kahera sa order ko...

Cashier: Ay!


lol

Monday, July 1, 2013

Tatlong Piso

Sumakay ako ng tricycle nang ako'y pauwi na. Nadatnan ko ang isang lalaki sa backride na siyang tinabihan ko, at sa loob naman ay dalawang pasahero. Apat na kami. Naghi-hintay pa ng isa pang pasahero para makaalis na. Nangolekta na ang tricycle driver ng mga pamasahe namin. Nagbigay ako ng sampung piso bilang bayad hanggang sa subdivision namin. P13.00 'pag hanggang Industrial Park (may kasabay) at P18.00 naman kung nag-iisa ka lamang (solo). 

Nag-abot ng tag-sa-sampung piso ang dalawa pang kasabay ko, at ang isa naman ay nag-abot ng P15.00. Kung may makakasabay siyang papuntang Industrial Park, siya ay susuklian ng dalawang piso at kung mag-isa lang siya, magda-dagdag pa siya ng tatlong piso. Tinanong siya ng driver kung okay lang sakanyang magbayad ng P18.00 kung mag-isa lang siya. Hindi sumagot ang pasahero. 

May ilang sandali lamang siya para mag-isip kung siya ba ay papayag. 

Ilang sandali pa ay dumating na ang isa pang pasahero. Sa wakas, makakaalis na kami. Tinanong ng driver kung saan bababa ang bagong sakay na pasahero. "Subdivision po". Sa madaling salita, solo lang yung nagbigay ng P15.00 papuntang Industrial Park. Siya naman ang tinanong ng driver kung okay lang ba sakanyang magdagdag ng tatlong piso. 

Hindi siya sumagot.


Dumukot ang pasahero sa kanyang bulsa. Sakto, tatlong piso. Hawak niya ito sakanyang kamay, pinaglaruan at pinapa-ikot-ikot sa kanyang mga daliri habang tinititigan ito. Lahat kami ay nag-aabang sa kanyang desisyon. Nakahanda ang tatlong piso ko. Kung sakaling hindi siya pumayag, ako nalang ang magda-dagdag. Hindi dahil sa ako'y mayaman, alam ko lang na talagang nagmamadali na siya at alam ko ang pakiramdam ng walang wala. 

Halos isang minuto nang makapagdesisyon ang pasaherong i-abot ito sa driver. Sa kanyang pag-abot, alam kong may pagdadalawang-isip at may halong panghihinayang, may ilang senyales na parang gusto niyang bawiin ang perang inabot.

Napa-isip tuloy ako. Sakanyang kasuotan, masasabi kong hindi mataas ang kanyang posisyon, maaring ito'y nasa pinakamababang kalagayan. 

Medyo mataas din naman ang pinag-aralan ko kahit paano, pero hindi sapat iyon para masabing habambuhay na maganda ang ikot ng roleta ng buhay ko. Kahit ilang beses pa ako mag-aral ng Probabilty and Statistics, hindi ko masasabi ang eksaktong mangyayari sa hinaharap. 

Hindi ko alam. 

Darating kaya sa puntong manghihinayang din ako sa pagbitaw ng tatlong piso? 'Wag naman sana. 

Huwag naman sana.


"For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." - Jeremiah 29:11
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...