Saturday, January 19, 2013

Pag-ibig


A consistent outside reader of mine (Chos! ni-assume ko lang na consistent syang nagbabasa, pero outside reader talaga kasi hindi sya member ng blogosphere) e-mailed me (chos ulit! Chat lang talaga, ganda lang pakinggan ng "emailed" e, ganyan!) saying: "I miss your old writings, your techniques you were using before with your first ones." (at syempre, ako lang ang nagtranslate nyan, maarte kasi ako. HAHAH!). But actually, I, too, miss posting some informative entries, or at least I think is informative. So now, I'll try to write something the way "Paokun"'s doing it before (Sabi nga ni Junjun ng Life and Spices, "Pao Kun Style", ganyan! HAHAH! Promote promote ka din sakin ngayon.)

So here I go:

******


PAG-IBIG


Naks! Pumapag-ibig ang lolo nyo! Pero hindi, hindi ako ang topic. Well, alam nyo naman na hindi ako mahilig makipaglandian mangharot at umibig. HAHAH! (labas sa ilong!) Ang pag-uusapan natin ay based solely from the word itself; pag-ibig.

Ang pakikipag ibigan ay nahahantong sa buntisan dating dalawa, ngunit ngayon ay tatlo o higit pang statuses. At ang tatlo sa mga pinakasikat na status ay:

1. Available - sila yung mga single, free and ready to mingle!
2. Taken - may mga asawa o mga gelpren o boypren na. (Mas attracted ako sa kanila. lol)
3. "It's complicated" - (sa friendster: It's Complicated TM.) Sila naman yung either single or taken na mga nag-mamaasim o nagddrama sa buhay pag-ibig nila, na tipong may "cool off" pang pauso! Tss! Soul searching kuno?

Dahil kasing gulo ng kwarto ko ang "it's complicated" e yan ang pag-uusapan natin!



It's Complicated - No commitment but with emotional attachment.



Ang hirap nito. Dito, halos hindi mo alam ang status nyo ng iyong pakner! Mahal mo sya, mahal ka nya, pero hindi kayo. Pero sa pag mamahalan nyo, parang kayo. Ang gulo no? It's complicated nga diba. Sa tindi ng attachment and affinity nyo sa isa't isa, nagagawa nyo na din ang mga ginagawa ng mga mag-syota o mag-asawa. TAKE NOTE: Hindi kayo. Pume-friends with benefits ano? Pero dito, with real emotions involved. Tipong dahil mahal mo sya, hindi mo na hangad lagyan ng marka kung ano ang status nyo, natatakot kang tanungin sya dahil baka masktan ka sa isasagot nya, basta ang mahalaga e magkasama kayo. Yun nga lang, pag tinanong ka ng iba: "Anong status nyo?" alangan namang sabihin mong "kami", e hindi naman kayo. That's why, "it's complicated!".

Here's the catch: pag nagkaroon sya ng ibang partner habang pinapartner mo sya, wala ka namang ipapanalo sa korte kahit maghabla at maglupasay ka pa. Bakit... KAYO BA?!


It's Complicated - Committed with NO emotional attachment.



Anong drama nito... Bahay-bahayan? Ganyan?

Pasok dito yung tinatawag na "open relationship".

Ano ba ang open-relationship? eto yung nasa isang relasyon ka, pero okay lang magkaroon ka o sya ng relasyon sa iba pa. Oha! Legal na kabit, parang ganyan. Walang selosan. Yun nga lang, yung new legal partner ang kawawa kasi siya ang hindi nakakaalam na nasa open relationship ka pala o ang karelasyon nya. Gulo diba! Parteh partey!

Eto yung laro na kapag nainlab ka, talo ka.  Pasok na pasok sa banga ang No Other Woman! HAHAH!
Kalimitan dito sa ganto, naiinlab ang isa sainyo, at dun na matatapos ang lahat. Bakit? Pwede kasing ang rule ng larong ito ay kapag nakahanap na kayo ng taong mamahalin nyo, bibitawan nyo ang open relationship nyo. Pero pano nga kung inlab ka na sakanya? Diba? Ayaw mong tanggapin na SINGLE ka na. So pagtinanong ka ng iba kung anong status nyo, ang isasagot mo ay "It's complicated!". Kasi hanggang ngayon, umaasa ka pa. Baka sakaling maibalik pa.  </3


*****
Marami pang dahilan ang pwedeng pag-ugatan ng third status na yan! Yung iba, mahilig maki-uso, kapag nagkaroon ng konting problema e "it's complicated" na. Tss! Ang mga Earthlings talaga!

HAHAH!

Ayan, hanggang dyan nalang muna. Try nyo naman yung ibang status, libre yan! lol

Ciao!


P.S.

Yung mga dati kong naging CRUSH LANG na taken na... "mag bbreak din kayo!" Dyok lang! ;) #Bitter101



Pao Kun's Thought 101:

Hindi gaya ng iba, 'pag may hinahanap akong bagay sa kwarto ko, hindi gumugulo ang kwarto ko. In fact, mas nagiging maayos at organized ito. 




71 comments:

  1. Teka based on ur experience ba to? Umi It's Complicated ka ah. Para sakin kapag ang relasyon ay from In relationship to It's complicated statuness ay wala na yan. Di na magtatagal yan. bakit? basta :P Opinion ko lang ah.

    Pareho tayo mas attracted din ako sa mga taken na o yung mga in realtionship o kahit may asawa pa. (Sarap nilang landiin) dyuk lang. haha

    Happy year of the snake pao. Taon mo na. dyuk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oyy hindi ah, hmmm yung iba oo, na kapag naging complicated na e wala na. Pero yung iba, naiisave pa din ang relationship tapos stronger na this time. Love is sweeter the second time around ika nga. ;)

      Ewan ko. Nakakaatrract sila. Taken naman. Kawawa naman ako. HAHAHAH! Hindi ako nanlalandi ng taken na! lol

      HAHAHAHAH! Natawa ako dito! Hindi ako ahas! HAHAHAH!



      Delete
    2. sabi nga masarap tumikim ng putahe ng iba hehehe

      Delete
    3. Kuya Jon, nako, Horotika ba yan? HAHAH!

      Delete
  2. Hala Pao... kakabasa mo ng mga blogs ng mga gay bloggers at panunuod ng vBlogs ni Kulapitot, baklang-bakla na rin ang writing style mo... bwahaha... keep it up!

    Relate na relate ako sa post na ito lalo na kung iisiping hango ito sa iyong tunay na karanasan... I know the reason why one of your non-blogger readers sent you that message, busy ka kasi sa maraming bagay kaya panandalian mong natalikdan ang pagsusulat ng mga educational posts...

    I look forward to see you more sa mga future posts mo... ganun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Natawa ako. Okay ang Vblogs ni kulapitot. Nakak GV! Baklang bakla na ba? HAHAH! Wala pa nga yung mga names na lagi mong sinasabi jan. Nakalimutan ko sila! HAHAH!

      Hmmm. oo nga. Tingin ko din. Kelangan makacatch up sa mga naiwan kong gantong posts. HAHAH! Lately naging self centered ang posts ko e noh?

      Thank you! Same goes to you!

      Delete
    2. you know waht my takes are on personal blogs...

      Delete
    3. Natawa ako dito. Baklang bakla na writing style ni pao. hahaha :P

      Delete
    4. hehehe un din napansin ko pero gusto ko ang style hehehe..

      saka ung content magaling ng pagkakalahad...

      more more pa...

      Delete
    5. Nahawa na ako! Affected na ko ng virus! May gooossshhh! WHAHAHAH! Oha gusto ni kuya Jon ang writing style oh! ;) Salamat po kuya Jon!

      Delete
  3. Awww! Wala ako masyadong maisip sabihin biglang naging complicated din ang status ng utak ko.

    Honestly, such things don't buy me off since I don't tolerate things like such. But I recognize that it is reality, it happens. It happens because people allow it to happen. Somehow crossing the tipping point. And I must say when one crosses the line one should take full responsibilty over it.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Daddy Jay walang maisip? I doubt! HAHAH!

      Ohh yes, kitang kita naman sa stability ng family mo, daddy Jay. :)

      "And I must say when one crosses the line one should take full responsibilty over it." -taking it from one of the most responsible men I know. ;) Thanks dad!

      Delete
  4. hindi naman talaga kasi maging komplikado ang lahat. pag mahal mo, mahal mo, pag ayaw na, eh di magbreak. wala ng arte arte. ganun lang un. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Hmmm. Kaso hindi rin ganun kasimple ang lahat. :)

      At minsan complicated pa din after ng break up, kasi when a heart breaks it don't break even. HAHAH!

      Delete
    2. wag ng idaan sa break it to me gently at let me be the one who break it up peg!
      pag magbebreak eh dapat maayos at hindi mainit ang ulo. ganyan!

      Delete
    3. Mala - I love you goodbye. HAHAH!

      Pagkatapos makipagbreak ng maayos, sana madali magmove on, "I know Im not that strong, but it wont take long" HAHAH!

      Delete

    4. mostly kasi, the first break up is not really a break up. it's like a cool off talaga. kasi magkakabalikan naman talaga mostly ang dalawang pusong nagmamahalan kung sila talaga sa bandang huli. tao lang naman ang nagpapahirap sa pag-ibig.

      Delete
    5. First break up, ibig sabihin sya din ang iyong first love. HAHAH! After the break up hindi naman talaga nawawala ang love e. Andun pa din yon. Depende kung anong mangyayare between the "cooling off" kasi once na matabunan na ng masmatinding love na maaring makuha mo sa iba. "Break up" na talaga. HAHAH! Pero still yung love andun pa din. HAHAHAH! #complicated


      Delete
    6. sa kabilang banda, kung mahal mo talaga, tanggap mo siya kahit ano pa ang kakulangan at negatibong bahagi ng pagkatao niya. dahil you love him/her "despite of" and not "because of" o ha! hehehe

      Delete
    7. kaya magandang topic to para sa munting pakontest ko hahaha Prinomote? lol

      Delete
    8. At hindi ko alam kung paano isisingit ang "kuyukot" jan para sa contest mo. HAHAH!

      Delete
    9. at ginawang chat box ang comment box LOL!

      Delete
    10. Chat box? Natawa ako kay Bino at Pao. haha Walang hiya yang kuyukot na yan. haha

      Delete
    11. HAHAH! Masyado kasing nag enjoy ang master ng damuhan kaya ganyan miss B! :)

      Required kasing gamitin yung "kuyukot" na yan para sa entry ni kuya Bino. HAHAH! Baka gawin ko nalang metaphor.

      Delete
  5. kadaming drama ng taong ganyan.. ayaw magpaka lalaki..


    pinagyabang pa ang status "its complicated"-problema ko, 'di ko masulusyunan. para akong walang kuwan.. haha ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Baka naman nagsself pitty lang... :) Pano naman kung babae? HAHAH!Salamat sa pagbisita Blindpen:)

      Delete
  6. nice post.. informative hahaha... ang daming alam!..yung totoo.. napagdaanan mo yan lahat noh?! :P

    ako..ayoko ng complicated.. kung single, single!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oyyy hindi lahat! :P lalong lalo na yung pag sstatus ng "its complicated" HAHAH! Cheap. ^_^

      yes yan ka ate Arline: Single, sexy and gorgeous. :)

      Delete
  7. haha basta ako happily contented na! hahaha

    well palapit pa lang ang february gumagantong post ka na agad

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! sa february 14, hindi ako magpopost! >.< HAHAH! Kung mag popost man ako, baka para sa Damuhan yun kasi yun na yung deadline :D

      Delete
  8. Ako very taken - type mo ba ako? HA HA HA joke! naaliw naman kasi ako sa mga halakhak mo Pao :)

    Seriously, may mga tao kasing mahilig ilagay ang mga sarili sa "it's complicated". Parang lukot na damit lang yan eh - kelangan plantsahin. Pag hindi maunat, aba'y wag mong isuot! :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ko yang pagkaka describe sa lukot na damit..

      un nga lang ung iba sinusuot pa rin kahit lukot pa rin

      wala lang may mai comment lang hehehe

      Delete
    2. Miss B: Yieee! Pwede pwede! :D

      Ayy gusto ko po yung paglalarawan nyo. :) Lukot na damit! Hindi kasi nagdowny ee. HAHAH!

      @Kuya Jon, nagustohan ko din! HAHAH! At yan din sana ang icocoment ko kay mis B, yung iba okay lang na lukot! :)

      Delete
  9. kahit wala akong bangs, sumakita ang bangs ko sa pagka complicated ng mga relasyon ngayon haha! nung panahon ko kasi (haha tanda na) crush, mu, mag jowa at magasawa lang ang status. pangulo lang ang mistress. ngayon kagulo na. kulang na lang parehong lalaki magka relasyon. chos! :)
    inggit ako sa thought 101, pag ako naghahanap magmumukhang nilooban ang kwarto ko e :-/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibagsak nyo lang ang buhok nyo paharap kuya Zai! HAHAH! Oo nga, ngayon may "waiting" pang status diba. :D

      HAHAH! e kasi kuya Zai, normal na na mukang nilooban ang kwarto ko, so pag naghanap ako, tsaka ko lang sila inaayos. lol

      Delete
    2. haha oo nga no, ayan may bangs na ako. sumakit na sya haha :)

      pag naligaw ka nga sa amin tatago ko cellphone mo ng hanapin mo at malinis ang kwarto ko haha :)

      Delete
  10. kahit wala akong bangs, sumakita ang bangs ko sa pagka complicated ng mga relasyon ngayon haha! nung panahon ko kasi (haha tanda na) crush, mu, mag jowa at magasawa lang ang status. pangulo lang ang mistress. ngayon kagulo na. kulang na lang parehong lalaki magka relasyon. chos! :)
    inggit ako sa thought 101, pag ako naghahanap magmumukhang nilooban ang kwarto ko e :-/

    ReplyDelete
  11. astig! panalo sa akin to.. galing ng pagkakasulat..

    ako naman ayaw ko sa complcated.. mas ako ang nasasaktan..

    ayaw ko na ring pumasok sa isang kumplikadong sitwasyon.

    lalo na sa pag ibig...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat kuya Jon! :)

      Kuya Jon, ayaw ko din ng complicated ahh HAHAH!

      Yieee, mukang may pinag daanan :) Ishare yaaan! ^_^

      Delete
  12. I don't consider "It's complicated" a relationship status. Kung single ka, eh di single, kung married, eh di married ilagay, or widow, or divorced, or annulled. Wala akong natatandaan sa mga fill-up forms na "it's complicated tapos may box sa tabi para lagyan ng check. At dahil dyan kinunsulta ko si Urban Dictionary at ito ang sabi nya:

    It's Complicated:

    Expression used by a staunch minority, especially on Facebook, that indicates:
    1) an unstable and immature, or
    2) a disillusioned and mature, perspective.

    Will always be perceived by others as the former (1), so it's probably best left excluded from your Facebook, or any other type of, profile.

    Sample Scenario:
    "Ha, look: his Facebook relationship status says, 'It's complicated.' Boy is he a lost soul...and poor her."

    "Yeah, maybe he's just cheating, or 'just' maybe he knows what's up about human behavior. Read up on it. Besides, not like you know what you're doing with your girlfriend either."

    "Seriously folks, it's best to leave that part on your profile blank. It's none of anyone's business."

    Agree ako kay Pareng Urban Dic. lalo na sa huling sinabi nya. It's none of anyone's business nga naman!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow nagustuhan ko din ang sinabi ni mr. Urban Dictionary.

      Well yung its complicated status sa mga social networking sites lang naman. HAHAH! At never pa kong nag lagay ng ganyang status. :)

      Delete
  13. Medyo complicated nga...
    Mahirap na sitwasyon!
    Dapat hanapan ng solusyon!
    Kumilos at gawan ng aksyon...
    Hehe : )

    ReplyDelete
  14. Hindi naman ako dumaan sa It's complicated na status.. hindi ko bet ang friends with benefits na arteng yan, mas lalo na ang open relationship.. so ano, magbabaliwan na lang kayo, ayoko ng ganun, hahaha..

    Bakit andami mong alam sa pag-ibig, aber? Ke bata bata pa e.. landi mo! hahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayoko din naman:) Puro kaartihan nga lang yang ganyan. Humahanap siguro ng sympathy? Ganyan.

      AHAHAH! Natawa ako dun ah. Wag nyo po ako akusahan malandi. Behave po kaya ako. WHAHAHAH! Biglang nag "po" ulit. ;)

      Delete
  15. sakto, mga teorya sa pag-ibig naman ang pinag uusapan namin ng mga estudyante ko sa kolehiyo ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try nyo nga po isama ang its complicated sir? HAHAH!

      naku magandang ishare din po samin yang pinaguusapan nyo about "pag-ibig theory" :)

      Delete
  16. sigh... sigh... sigh... pag-ibig... sigh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh oh oh fiel-kun! Mukang natamaan ka, may pinagdaanan ka ba talaga? Based din sa last entry mo... sighs

      Delete
  17. It's complicated dahil nahirapan akong intindihin ang mga different situations of people. Puwede namang wala o isa lang pero hindi nga tayo nakukuntento for man reasons so we make our lives complicated. Yun nga lang pag pinasok mo, ikaw din ang dapat gumawa ng paraang makalabas. Yun lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa ngayon po kasi yung ibang tao hindi makuntento sa "isa"... hindi nila maiwasan. Yung iba naman minsan e parang sinasadya na talaga. Tipong gusto lang nila, maiba naman, ganyan. Yun bang mga taong mahilig sa thrill? Ayan. HAHAH!

      Delete
  18. hehe ang daming complications! ang hirap ng malabo! sus try kaya nila mag-eye glasses para luminaw kunti (ano konek???) hehehe

    ReplyDelete
  19. Yes! Todays generation. Very complicated:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo po! Ang mga kabataan talaga ngayon. (Parang ako lang? HAHAH!)

      Delete
  20. Palagi akong It's Complicated. Shet lang. Lol.

    ReplyDelete
  21. Panget neto.. anu ba pinag dadaanan mo..buti na lang yung mga single..pedeng mag landeh... isa ako dun! lol..im soon to be taken..sana, im waiting sa YES nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam ko. Paulit ulit nalang ba tayo jan? HAHAH! Muka mo! Wala akong pinagdadaanan. HAHAHAH! Good luck, JJ.

      Delete
  22. Apir sa pagka-attract sa mga taken! Kung pwede lang manulot eh. Hahaha.

    Hindi ko pa nagagamit ang status na 'to kasi wala rin siyang patutunguhan, laging may masasaktan at mabibigo sa huli. Huhu. Saklap!

    Kung may nararamdaman, matutong panindigan. Ehem.. payong tot lang 'to Pao, mukhang eto ang status mo ngayon. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Apir! HAHAAH! Bad yoon! Ewan ko ba.

      Hindi ko rin ginagamit at nagamit yan ha. HAHAH!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...