Tuesday, January 22, 2013

Steady Moments

Nakuha ko na pala kagabi yung regalo sakin ni bespren, at effort dahil naka balot 'to ng maganda. 
(mas maganda pa jan, kasi tinali ko lang ulit yan! HOHOHO!)
O di ba! 
At akala ko naman sya pa ang nagbalot nyan, yun pala dun sa SM na mismo ni-wrap. At natawa daw sya dahil ang sabi nya sa nagbabalot e simple lang daw. Tapos nagulat sya nung parang ganyan na. HAHAHAH!

At eto na nung binuksan ko.

Taadaa! Planner! :3 
Salamat bespren! Eto ang pinakaunang regalong natanggap ko ngayong 2013.

Sabi nya kasi bet nya ang planner na yan dahil dito:


List of Country and its Capital

Ewan ko kung bakit, pero ayan, natuwa daw sya jan kaya bumili sya ng planner nyang ganyan. Hindi kaya dahil pupunta na sya ng China? Hmmm.

At nung pinapakita nya sakin yan. Binuklat nya ang likod.

Boom!
Map of the Philippines!
Eto ang gusto ko. Kaya sabi ko kay bespren ibili nya din ako ng ganto dahil sa mapa ng Pilipinas!
May world map din yang kalakip sa kabilang pahina. 

Para sa mga hindi nakakaalam, mala-jellyfish ang sense of direction ko, tipong palutang-lutang lang sa gitna ng karagatan!

Dahil inggitero ako, at dahil sya ay may work habang ako naman nakatunganga, sabi ko ibili nya rin ako. At ayan na nga. Bait nya no? (O opurtunista lang talaga ako?) HAHAH! 

So umpisa pa lang alam ko nang planner ang laman nyan. At hindi talaga sya basta bigay, hingi yan! :D

Solomot! :3

*****


Katanghaliang tapat. Ang init. Habang naghihintay sa hinihintay ko, naisipan ko magbasa ng mga messages sa phone:

"One of the best moments in life is when you feel sad but you've got SOMEONE who will effortlessly put a SMILE on your face..."
- FW: Ate Arline of The Pink Line 

Ang sweet ng message na 'to. Tipong pwedeng isend kahit kanino.

Hindi naman ako mahilig magtext. Sapat na sakin yung paforward-forward lang ng mga forwarded lang din na messages sakin. HAHAH! 

Natutuwa ako makareceive ng mga ganyan ganyan. (basta wag lang yung chain messages -_-)


So para tawid-inip na din habang naghihintay, ni-forward ko yan sa ilang mga contacts ko. 

At natawa naman ako sa mga  ilang responses sakin (Hindi ko talaga ineexpect na ganyan)! HAHAHAH!

Heto:
Saan banda? :)
Heto pa:
Hindi ako marunong manglandi, alam nyo yan! HAHAH!
At eto pa!
Ikaw pa rin... yiieee! HAHAH!


At eto naman talaga ang da best na nabasa ko nung niforward ko sakanya ang message na yan: 

HAHAH! Para po sa mga hindi nakakaalam:
Salicylic Band Aid po.

O diba! Nakakatuwa. 
Natatawa ako, kasi hindi naman ganyan yung mga nasa-isip ko nung nareceive ko yan. Wala lang. Sweet. Ganun.

Pero hindi rin nagtagal ang mga conversations about jan. Usually kasi close ended ang forms ng mga messages ko. Tipong walang return question. Depende. HAHAH! :3

Hmm. Hayun lang po!

*****

Promote promote din!

We have a unified vision to take the Blogging experience to the next level by fulfilling our mission to share our heartfelt support to the less fortunate.

So follow @iheartPBO on twitter, and please like our PBO Fan Page on Facebook. 

It doesn't matter what our beliefs are, where we come from, what color our skin is, what our gender is, if we work hard with others, never give up and love a lot we can absolutely do anything.


88 comments:

  1. wow naks ikaw na ang may planner, hihi..taray ng pagka-wrap. hihi

    haha, nakakaaliw naman mga response nila sa text.

    *natraffic ata ung sinend ko sayu, hihi.. mas nauna pa kay ate lala na mas maraming bundok pa ang layo, eh sabay ko lang naman sinend.. hihihihihi >_<

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e! Parang ang hirap sirain ng balot nya.

      Oo. Gulat ko! Bat ganon?! HAHAHAH!

      Ou nga! Gusto ko na rin makita yun! Naiinip na ko pero willing ako mag hintay! HAHAH! ;)

      Delete
  2. ang sweet naman ni bestfriend.. o yan pa comment comment nalang ako.hanggang dito lang muna ang kaya kong gawin.alam mo naman ang dahilan pao.. pero im happy may nagpapangiti sayo.. hahaha.ayeeeehhh.. umiibig! :) sasali ako sa pbo!bow!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oyyy nagulat ako dahil andito ka! :) At natuwa! Yieee! ;) Oo sweet nga! :) HAHAH At least nakakapag comment ka pa. :)

      Nainvite na kita sa PBO Group! :))

      Delete
    2. sige accept ko nalang.. balak ko din di mag fb ng isang linggo. hahaha..:)

      Delete
    3. Member ka na. Wag ka na mag deactivate. To naman ohhh. Mamimiss ka namin sige ka. ^_^

      Delete
  3. wow tagalog ata ang entry mo ngayon at di english... tyars!

    ReplyDelete
  4. Palagay ko ang kelangan mo google maps. Haha. Nakakaligaw pa rin yung ganyang mga mapa. Pero astig ni bestpwen, sinabi mo lang binili na talaga. Mukang malalim ang pagmamahalan niyo. Ayiiee.

    Kaya hindi ako mahilig magtext ng forwared quotes kasi bibigyan na kagad ng ibang meaning. Tipong may pinapatamaan kagad. Pero wala ka naman kayang pinapatamaan sa kanila? O kaya pinapatamaaan ka ni Pinktot? Ayiiee.

    Evaluation sa mga nagtext:
    Yung una - kaibigan lang
    2nd - gusto kang landiin haha
    3rd - curious kasi crush ka
    4th - BITTER

    napahaba na ata. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Hindi lang siguro ako ang may kailangan ng mapa kuya Gointot. HAHAHAH! Oo. Since Grade kame classmates. Pati HS. At schoolmates nung college. :)

      HAHAHAH! Hindi yan! ;)

      Natawa ako sa mga evaluations. Yun una bespren ko yan. ;)

      Sakto lang!:D

      Delete
  5. tumatagalog din sa wakas hahahaha.. nosebleed ako sa english eh hahaha...
    ang ganda ng planner na binigay sayo!!
    so panu ba yan edi may plano ka na sa 2013!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Hindi ko pa nasusulatan. :) Pero syempre meron na. Hinspayrd e. HAHAH!

      Delete
  6. Naks, ganda ng wrap sa gift ni bespren. Planner!
    Meron ka ng sketch pads... (Actually ang planner ko nagiging sketch pads)


    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga po.

      HAHAH! Actually meron po akong hardbind na mga bondpaper lang. Yung ung ginagamit ko po sa mga doodle. Notebook size po sya. :) Napakahandy po.

      Delete
  7. ang ganda ng color ng planner! at ng planner na din, na parang planner / world atlas in one :)

    mala-jellyfish din ang sense of direction ko, inaantay ko na lang mahuli ako ni Spongebob at Patrick. Chos!


    ang dami kong tawa, mga 10 milllion sa nagtanong ng bandaid pang kulugo! kaloka! I'm sure si Senyor, ikaw ang taga lagay ng smile nya sa kanyang fez :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga. May mga zodiac signs din at kung ano ano pa. HAHAHAH!

      Nasailalim ka pala ng tubig! :D

      At natawa ako sa 10million! Andami ha! HAHAHAH! Hindi ko alam ang number ni Senyor e! HAHAH!

      Delete
  8. Ang sweet naman ni Bespren mo. Last year dami kong natanggap na planner this year wala. Haha.

    Bakit di mo finorward sakin yun txt msg na yun. Sana nireplayan kita. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Gamitin mo daw yung mga planners mo last year!

      Sabi mo kasi hindi ka nakakareceive ng messages? Globe lang? TM ako. Pwede kaya yun? Pang poor gamit ko e. HAHAHAH!

      Delete
  9. haha! meron palang ganung klase ng band aid.

    gisto ko yung term mo na "mala-jellyfish din ang sense of direction". ganun din ako e. madali ako mawala. hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo! Ginamit ko din yan super epektib! :D

      Sya kailangan po natin ng "google map" daw. HAHAH!

      Delete
  10. ano meron at puro planner ang kaadikan ng mga pinoy ngayon? =_=?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ewan ko ba. Plano sa 2013. HAHAH! basta ako yung mapa ng Pilipinas! :D

      Delete
  11. hong taray ng BET na planner ni bespren mo sa iyo...

    hindi mo man lang ako tnxt nung quote na yan para nagka smile ako sa face...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uwo! Agaw pansin ang BET mo. HAHAHAH! Pero BET talaga sinabi nya ;)

      Hindi ko alam ang number mo Senyor e, sayang!

      Delete
  12. ayan may plano ka na sa buhay! hehehe. use it well yah know lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Planner palang. Pero plano wala pa! HAHAHAH! Hmm meron na din naman. Basta. HAHAHAH!

      Delete
  13. kaw na may planner na binalot ng maganda at may country at capitals pa hahaa

    haha ang mga response parang ibang pahiwatig

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeyyy!

      HAHAHAH! Hindi naman. Basta natawa lang ako. Out of the blue ganyan ang sagot? HAHAH!

      Delete
  14. yan talaga ang planner na bagay sau may map :P

    pinorward ko sau yung text para mapa-smile ka naman.. napa-smile ka nga ba?hehe..

    baket yung mga pinorwardan ko nyan di nagreply saken?!hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga! Para di nako maligaw pag makikipag meet ulit sainyo! :D

      Napasmile ako syempre. :)

      Ewan! HAHAH! Nagreply siguro sakin kasi once in a blue moon ako mag text? HAHAHAH!

      Delete
  15. PLANNER??? wala ka daw kasi plano sa layp..lol..jok bata!

    Bat ang emo mo lately sa post mo? napaka unhealthy na.. hehehe

    At now ko lang nalaman ang Band Aid na yan kung kelan wala na akong kulugo!!! shet!

    ReplyDelete
    Replies
    1. May plano ako, panget! HAHAH!

      Oyy hindi to emo! Nag skip read ka ano? HAHAH!

      Epektib yan JJ!

      Delete
    2. Excuse me! di ako naga skip read no! lapastangan! hahahaha
      Panget mo din!

      Delete
    3. HAHAHAHAH! O e bakit anong sinasabi mong emo emo jan? Wala naman! Skip reader! panget! HAHAH!

      Delete
  16. Sayang, may planner ka na pala... Planner ng starbucks sana ibigay ko sayo o kaya CBTL journal, eh meron ka na. Kaya sa iba na lang hahaha

    Buti na lang ibang text message finorward mo sa kin! Difficulties at Pressure ang laman ng message, puro paghihirap lang ah HAHAHA sabagay lagi na ko naka smile, di ko nga naman kailangan yan! Kailangan ko ng hardship naman!HAHAHA Talaga to si Pao Kun!

    At pati reply eh naipost na din... Ayos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Natanggap pa rin ako ng CBTL journal. HAHAHAH! Selfish pala.:)

      HAHAHAHAH!!! Naisip ko po kasi baka niforward na yan ni ate Arline sainyo. Kaya yan nisend ko po sainyo. Pati kila ate Arline Difficulties and pressure din. :) HAHAHAH! Next time super Mario! ;) Pero natawa ako sa reply nyo sakin! HIMALA! lol

      Natawa kasi ako. :D

      Delete
  17. anyare? bakit napunta sa kulugo yun haha ^_^

    ReplyDelete
  18. Ang ganda naman, sweet naman ni bespren! hehe

    :))

    ReplyDelete
  19. Wagas ang reply na bandaid para sa kulugo hohoho! Ganda nung planner, lucky you! Need ko talaga ang planner, kaso kahit calendar walang nagbigay e :( paet!

    ReplyDelete
    Replies
    1. AHAHAHAH! Oo nga po! Ay ate Gracie, afford na afford nyo naman daw kasi yun :))

      Delete
  20. Nose bleed ang ending statement but a great objective indeed! So ngayong may planner ka na, ano na ang plans sa buhay- buhay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nako kinopya ko lang po yan sa account ng PBO. Kaya mag follow and like na din po kayo! ;)

      Wala pa po ako naiisulat jan. Pero kung plan and goals ang pag uusapan. meron po akong isang goal sa ngayon, makapasa ng Boards this April! ;)

      Delete
    2. Mag review nang mabuti, walang lakwatsa at gadgets, and good luck!

      Delete
  21. That's the thing with bestfriends- you can afford to be opportunists with them, wag lang lagi! hahaha! Kahit ako, nagkaroon ng time na sila ang mga may trabaho ako naman etong wala. Ngayon I never hesitate to buy them something. Sa pagkakaibigan, sa hirap at ginahawa nagiinvest kayo ng resources sa isa't-isa, lalu na kung wala kapang asawa, dahil sa ngayon siya pa ang yong kasama.

    Anyway, bakit planner? To suggest na it's aboout time to plan something for your life? hahaha! Joke! Ganda nga ng planner. I go crazy for planners. Ngayon I always have a very specific brand, yung moleskine lang. Ang ganda kasi. alam mo ba yung feeling ng isang tao na nakabili ng magandang shirt o sapatos o bag? Ganun ang pakiramdam ko nung binili ko yung planner ko. I like making plans kahit madalas sa mga ginagawa ko eh hindi mangyari. hahaha! Puro drawing lang!

    Ok din ang mga text messages ah. Sa panahon na may twitter, fb, viber at kung anu-anong application, iba pa rin ang dating ng mga text messages. Grabe, kung iisipin mo, parang old school na ang texting.

    Matindi din naman kung makareply yung isa about band-aid. Pero ok na din, ngayon ko lang nalaman na may ganon. Sa wakas mayroon na akong ididikit sa mukha ng kinaiinsan ko- mukha kasi siyang kulugo. May malaki bang size yung ganon? hahaha!

    And yes, MORE POWER TO PBO!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay gusto ko yung sinabi nyo sa bestfriends! Totoo po yan!

      Ayy ibig sabihin tuwang tuwa kayo sa planner na nabili nyo! Siguro madami na kayong nadrawing jan, e naisulat pala! ":))

      HAHAHAH! Kulugo talaga. Gusto mo tanggalin ang muka ni budha? (yn kasi ang pctur nyo sa PBO) HAHAH!

      Thanks po. We can do it! :)

      Delete
  22. Gusto ko rin ng mga ganyan. Mahilig ako sa mga sulatan. haha.
    Parang ganyan yung sa kaklase ko, pero malaki, may mga country code pa saka kung ano2. nakakatuwa. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako hindi mahilig mag sulat. Tamad ako e. HAHAH! Puro paxerox nga halos lahat ng notes ko nung college. ;)

      Delete
  23. Nainggit ako sa planner mo lalo na sa kulay nito! grrrr

    ReplyDelete
  24. Ang cute ng planner. Which reminds me na binigyan nga pala ako ni Senyor ng planner nun Monday, haha. Bilis makalimot. Haha. Madalas mabanggit si bestfriend sa mga posts. Babae ba siya? May something ba kayo? Haha.. joke lang. Lutang din ang sense of direction ko, sa sobrang lutang e kahit mapa hindi ako matutulungan, haha.

    Napatawa talaga ako ng malakas sa 4th reply sa text mo. Kaloka. Pero thanks for the info. May kulugo kasi ako.. chocnut!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe makakalimutin ka na:) O hindi mo lang talaga pinahalagahan! ;) Jk!

      Babae sya. :) At wala pong something. HAHAH! bawal. ;)

      GPS kailangan sa mga direksyon natin! :D

      HAHAHAH! Bili na! ;)

      Delete
  25. Congratulstion with the planner. Good to have:)
    Anyway, kakatuwa mga tx messages. Makes me feel young reading yours:)
    Good luck sa bagong project ng PBO!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks po! :))

      You look young naman po talaga e ;)

      Yes po. Kaya natin to, ulit! :D

      Delete
  26. Replies
    1. Balang araw gagawa din po ako ng sariling ganyan! :D

      Delete
  27. Ang sweet naman...:) ang kulet ng message...sweet moments talaga...:)


    xx!

    ReplyDelete
  28. inggit much naman ako sa planner wahehehe

    *sabay hablot sa planner ni paopao*

    *evil grin*

    at tawa much din ako sa band aid na pantanggal ng kulugo. meron pala nun? yung sa amin dito, liquid na gamot sya na may brush ng pam manicure then pahid lng. matapang ung amoy nya pero effective. tanggal agad ang pesteng kulugo haha.

    ReplyDelete
  29. Nung hinablot mo iyak ako T^T

    Tapos hinablot ko ulit kaya napunit! Iyak tayo. AHAHAH!


    Oo meron. Yung sinasabi mo sigurong liquid e salicylic acid naman yun. Yung sa band aid e merong ganyan. Kaya ilalagay mo sya sa kulugo. You have to wait for 2 days. Ayan andami kong alam sa kulugo! HAHAH!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahaha, hindi tuloy napakinabangan ung planner :D

      ayun salicylic acid sya, may tama ka!

      Delete
    2. Kaw may kasalanan ng lahat! :P

      Nasulatan ko na sya. Sa FB ko popost. HAHAH! (ipopost talaga?) pero oo. ^_^

      Delete
  30. Ano kaba, huwag mo nang gamitin yang planner. Mas maige ang mga balak na hindi binabalak, Madalas yun ang mga natutuloy. Lol. Sweet ng bestfren mo. Ganda ng planner. Gamitin ng maige. :)

    Noon kabisado ko mga capital ng bawat bansa sa mundo. Sana kabisado ko pa. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir Tonio, ano batalaga? Gamitin o hindi? HAHAH! ;P

      Ayy ako ambaba ng grades ko nun jan nung 2nd HS ako. Partida Asia lang ang topic nun ha. WHAHAHAH! Pero kasama kasi ang mga currency at kung ano ano pa.

      Delete
  31. ;-) wow! pwede maki bespren naman ke bespren ;-) para me planner ako.


    ayoko din sa chain message

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo naman! :P

      send this to 15 people or something bad will happen to you. lol

      Delete
    2. hahaha yan yung messej na ayaw ko.

      Delete
  32. eh bet mo yung anonymous text na nanalo ka daw ng $5 million from (insert name here) tapos contactkin mo daw yung ganireng number para ma-claim mo yung prize.... tapos bago yan hihingaan ka muna ng load.... dkt

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Nirereplyan ko sila attorney pag ganyan! Kahit "wow" and "thankyou", ganyan! ;)

      Delete
  33. di tayo nagkakaiba sa direksyon. naliligaw nga ako sa cubao pag pauwi na eh. hahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Google map kailangan natin! :)

      Delete
    2. kaso problema, kahit sa google map nalilito pa rin ako.hahaha

      Delete
  34. Wasak ang mood sa text about kulugo hehehe pero at least natulungan mo sya sa problem nya... Sana yung planner may free na band aid LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha! Out of the blue yung text nya.

      Sana nga! May kamahalan din ang bandaid na yun ah? ;)

      Delete
  35. Hahaha, panalo yung band aid kulugo. Parang kapatid ko lang kung magreply sa mga achu-chu texts ko!:D

    (Kakatuwa tong blog mo, kaso panu ba mag-follow neto? Nipindot ko yung subscribe chuchu, puro html code ang lumabas! Haha. I bobookmark nalang kita.)

    Zezil

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Natawa talaga ako sa kulugo na yun!

      Dun po sa upper left corner, sa "join this site". :)

      Thank you. Bibisitahin din kita.

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...