Friday, March 22, 2013

Love & Drive

Love is like driving, it starts with a spark. 

...and sometimes, it comes with music.  




     Ang love ay parang driving. Marami silang similarities. Halimbawa ay ang mga first-timers o hindi pa nasubukang magmahal; yung iba, gustong pasukin ang mundo ng pag-ibig pero hindi alam kung paano. Yung iba naman, takot lang talaga. Parang sa pagmamaneho, maraming gustong matuto pero yung iba, takot humawak ng manibela. 

    Paano tayo matututo kung hindi natin susubukan? Syempre, kailangan natin ng lisensya para magawa natin ito nang legal. Sa driving, ito yung tinatawag na student's license 'pag nag-aaral pa tayo, hanggang sa makakuha tayo ng non/pro license. Sa pag-ibig, kailangan natin ng pahintulot ng magulang natin o approval ng buong pamilya para maging legal at mas masmasaya ang pagsasama. Maganda yung walang itinatago. 

Nakaw lang sa google :)

     Kung sa driving ay may coach tayong magtuturo sa'tin kung paano magmaneho, sa love, pwedeng ganun din.  Nariyan ang mga magulang na pwede natin mahingan ng payo, o kaibigan para makakuha ng diskarte. 'Yun nga lang, walang "loving school" gaya ng "driving school". Sa una, kung ano lang ang sasabihin sa'tin ay ayun lang ang gagawin natin, hindi natin kayang magpatakbo kung wala ang tagapagturo natin sa ating tabi. Pero 'pag natuto na tayong magmaneho, darating ang time na gugustuhin nating magmaneho mag-isa para malaman natin kung kaya na ba talaga natin. Gaya ng pag-ibig, sa una kailangan natin ng mga tagapayo, hanggang sa dumating yung time na tayo na lang ang didiskarte sa relasyon natin. 


     Kapag tayo ay natuto na magmaneho, hindi sapat na marunong lang tayo magpatakbo ng sasakyan. Kailangang maging responsable tayong driver. Dapat alam natin ang traffic rules. May stop, wait, and go. Parang pag-ibig. Once napasok na natin ang mundo ng pag-ibig, may minamahal na tayo at nagmamahal na sa'tin ay hindi ibig sabihin na tapos na ang ating pag-aaral at pagdiskarte sa pagmamahal. Everyday is a learning process.

     Sa love, walang traffic light, pero dapat nating alamin kung kailan tayo mag-go-go, wait, or stop.
   
     Hindi naman natin kailangang magmadali sa pag-ibig, hindi porque ang mga kasama o kaibigan natin ay mga taken na, dapat na rin tayong pumasok sa relasyon agad-agad. Hindi natin kailangang mapressure. Tandaan, tayo ang may hawak ng susi. We don't need to pressure ourselves, we have to wait. Cliche na siguro pero true love waits.  May nakalaan para sa'tin. Someone worth having is worth waiting for.

     Kung sa tingin natin ay right time na para tayo ay magmahal at right person na ating mamahalin, go na! Pero tandaan, sa driving, habang naandar ang sasakyan, hindi laging patag ang daan. May humps tayong madadaanan,  hard rights, hard lefts, rough roads, uphills, at down hills. Mahirap sa una, 'pag unang beses palang natin silang na-encounter, may time na namamatayan tayo ng makina. Pero habang tumatagal, nakukuha na natin ang techniques at masmadali na para sa'tin ang iba't ibang uri ng daan. Habang tumatagal ang pagmamaneho natin, mas natututo tayo.  Parang pag-ibig. Smooth sa una, pero marami tayong pagdadaanang mga pagsubok. Sa una mahirap at darating yung time na maiisip natin na dapat na tayong mag-give up; Pero hindi dapat agad tayo sumuko. Try natin maghold-on at kapag nalampasan natin ang mga pagsubok, yan mismo ang magpapatatag sa ating pagmamahal.  We learn as we go.

     Hindi lang dalawa ang kulay ng traffic light. Hindi lang wait & go ang meron ito. Mayroon ding stop na tinatawag. Kapag pinilit pa rin nating tumakbo kahit naka-red signal, tayo ay makakasuhan ng "beating the red light" na magpapaalala sa atin na  hindi tama ang ating ginawa. Parang sa relasyon, minsan alam na natin na kailangan na nating huminto pero matigas ang ulo natin, pinagpipilitan pa rin natin ang hindi tama. Sa huli, tayo rin ang masasaktan hanggang sa marealize natin na there's nothing we can do but to stop. STOP. Hanggang doon nalang talaga. Kahit anong pilit natin, hindi na ito magwo-work.

   
     Kapag tayo ay nagda-drive, hindi sa lahat ng oras ay tama ang ating dinadaanan. May oras na nagkakamali tayo. Naliligaw. Mali ang nadadaanan.  Mali ang nalilikuan. Mali ang pinatutunguhan.  Kahit mahaba na ang naitakbo ng ating sasakyan hindi ibig sabihin ay tama na ang ating dinadaanan. May mga pagkakataon na ang daang tinatahak pala natin ay dead end. Parang pag-ibig, hindi sa tagal ng relasyon nasusukat ang lahat.  May mga taong akala natin ay sila na talaga ang para sa atin. Sa tagal ng pagsasama ay magkasama na ring nakabuo na ng pangarap, pagmamahalang akala natin ay walang hanggan subalit sa huli ay mauuwi rin sa wala ang lahat.


Ganyan talaga ang pag-ibig. Hindi lahat may happy ending. Pero huwag mag-alala, 'pag humantong tayo sa dead end, hindi ibig sabihin ay titigil na tayo. Parang sa driving, pwede tayong mag U-turn at magsimula ulit.





We may have failed, but at least we learned. May mga tao at lugar tayong ginugusto, minamahal at pinapangarap pero hindi lahat makukuha at mararating natin. Kung sakaling mabigo, part yan ng buhay. Even the end of a dream is not the end of the world. Life goes on. Let's just drive, enjoy the ride and fall in love! ;)



Ciao!



Disclaimer: Galing lang sa google ang mga larawan na hindi nagtataglay ng aking watermark.



     


Monday, March 4, 2013

The Thief of the Time


Malapit na ang birthday ko. Excited na 'ko! Joke lang. Sa totoo lang hindi ko maalalang na-excite ako sa birthday ko. Marso din kasi ang pinakabusy na month para sakin. Nung nasa kolehiyo pa ako, eto yung Month na talaga namang nagsisipag ako ng pag-aaral at talaga namang nakakapagod! Bakit? Kasi kailangan kong maghabol sa mga professors grades dahil malapit na ako bumagsak. lol

Pray for me ha, this coming April 15, 2013 Board Exam :) Thanks!

Mayroon pa akong isang buwan at mahigit pa para paghandaan ang review para sa isang subject. Kung tutuusin, pwedeng sabihin na mahaba pa ang oras at para sa akin, oo. Ako kasi yung tipong mas nakakapagconcentrate pagdating ng last minute. Yabang!

Noong nasa kolehiyo ako, kung ano lang ang unang exam kinabukasan ay siya lang ang aaralin ko. At matapos ang isang exam, tsaka ko palang aaralin ang kasunod. Ayun, bagsak. lol

***

Procrastination is the thief of the time.


Procrastination refers to the act of replacing high-priority actions with tasks of lower priority, or doing something from which one derives enjoyment, and thus putting off important tasks to a later time.

Minsan kahit hindi natin kagustuhan magprocrastinate e may mga oras pa rin na mahirap iwasan. Bakit?

1. Resources: You may have all the time you need, but you lack resources.
2. Time: You may have all the resources you need pero wala kang time. 

Minsan naman, we have all the resources and time pero ano? Tinatamad lang tayo. Yan yung time na masasabi kong aware tayo na "may magnanakaw sa ating bahay" pero tayo rin mismo ang nagbukas ng pintuan para sakanya at nakawin ang gusto n'yang nakawin.

E ano naman kung magprocrastinate tayo? Wala lang. Mag c-cram lang naman tayo sa bandang huli. Worse? Hindi natin magagawa ang mga bagay na dapat nating ginawa at maiisip nating "sana ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit."  "sana pala nung una palang ginawa ko na" pero huli na ang lahat. 

Paano ba maiiwasan ang procrastination? 

Time management po. :) Makakatulong ang paggawa ng schedule o paglilista ng things to do at paggamit ng planner.  Matuto tayo mag prioritize. Kung ano yung mga mahahalagang bagay, yun ang siyang unahin natin! sa ganyang paraan, maiiwasan natin ang pagkagahol sa oras. ;)

***


Kwentong Kuneho.


Habang busy ako sa paglalaro ng PSP... may batang lumapit sa akin.

JJ: Kuya! Alam mo ba kung ano ibig sabihin ng PSP?
Pao: Oo.
JJ: Sige nga! Ano?
Pao: Play Station Portable.
JJ: Hindi kaya...
Pao: Yun kaya. (seryoso)
JJ: Hindi ngaaaa! Alam ko!
Pao: (Nakukulitan na) E ano!?
JJ: PSP. Pogi Si Pao!
Pao: Wow! (gulat ako sabay ngiti) oh gusto mo maglaro? heto oh! *abot ng PSP

Para akong nauto! hahaha! Hayyy! Sa mga bata mo talaga malalaman ang katotohanan! ;)

Si JJ at ako


ciao!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...