Wednesday, April 29, 2015

Jogging Moments

Napakahaba ng oras pag tambay lang sa bahay. Bilang palipas oras, nagja-jogging din naman ako kapag may time. I mean pag maaga nagigising. So ayun, iba-iba yung mga nakakasama, nakakasalamuha, nakakasabay at naaamoy sa pagtakbo. Lol.

Iba-iba ang trip ng bawat isa:

Minsan pagpunta ko sa jogging place ko akala ko nasa oval na ako at andaming kasali sa track and field. Sprint kung sprint! Olympics ba to? 
http://previews.123rf.com/images/kakigori/kakigori1108/kakigori110800001/10232066-Young-athlete-man-winning-Olympic-games-sprint-race-competition-Stock-Vector.jpg


Minsan maganda yung may kasama ka para ganahan sa pagtakbo. Pero minsan, hindi rin pala magandang idea. Isang beses nakasabay ko yung dalawang nanay. Friendships sila. Hindi na yata nakapagsimula sa dami ng chismis na ishe-share sa isa't isa. Lakas pa ng boses, pang KrisTV! Haha! 

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRFk7k6hLzL76aopDc3O5UbrebgGat9rLbArL14Y369oAqYuFnryg


At eto, si ateng nakasabay ko, akala ko rarampa e. Mag ja-jogging lang e nakamake-up pa. Madaling araw palang nagpakulot na yata bilang paghahanda. 



Minsan din narinig ko si ateng maganda na nag rereklamo sa boypren nya; ang sakit na raw ng mga paa nya. Pag tingin ko sa paa nya naka-doll shoes pala sya! Hahaha!

At ang pinakamotivating sa lahat... Si ateng chubby na naabutan kong tumatakbo na may hawak na isang balot ng pandesal. Nung nakasalubong ko ulit sya, naglalakad nalang sya at wala na yung hawak nyang pandesal. Natapon? 



Hindi ko akalaing kailangan ko maging 3k finisher (2km lakad at 1km takbo haha) para lang makapag ubos ng oras. Sakit sa joints!

36 comments:

  1. buti nag enjoy ka sa jogging. Good for the health. Naka pag observe ka pa sa paligid:)

    ReplyDelete
  2. Ahaha, natawa ako dun kay ateng may dalang pandesal.
    Hulaan ko, nag stop over pa yan sa isang coffee vendo. Oh diba, kumpleto almusal nya XD

    Anyways, magandang daily routine yang jogging Pao. Keep it up!

    ReplyDelete
  3. namimiss ko na magjogging! i gained weight sa 1-week stay ko sa bicol..
    At gustuhin ko mang magjogging, either puyat ako or late na ko magigising the following day. Oh well, bawi na lang dito. Im back to my new reality na.

    ReplyDelete
  4. Dahil ako ay may kapansanan, hindi na ako makatakbo. Hopefully gumaling na akong tuluyan. Nag jogging ka nga ba o nagmasid lang ng mga taong nag-jogging. Daming realizations ah! Nakakatuwa dahil totoo!

    ReplyDelete
  5. ang jogging ko ay sa loob lang ng bahay ginagawa in the early morning : )

    ReplyDelete
  6. Jogging na may kasamang pagmamasid sa paligid ligid hahaha #FHS

    ReplyDelete
  7. Sabi nga nila ang jogging ay mabuti sa katawan at mas mainam itong gawin sa madaling araw o bago sumikat ang araw at sa gabi kung saan masarap tumakbo sapagkat malamig ng kaunti.

    nakatawa ako yung sa chubby moment na yun ang kulit ba..

    ReplyDelete
  8. hahahahahahaha.. simpleng nakakatawa..I lavet. :) pagpatuloy mo yan jogging. disiplina lang para pogi at sexy. :D ;)

    ReplyDelete
  9. un oh! nahurt ako sa ateng chubby na may dalang pandesal.... kakarelate eh! hehehe

    ReplyDelete
  10. Hahaha relate ako sa mga nakaka sabay mo sa jogging! Ung sa akin naman may dagdag na mga barkadahan ng lolo na syempre medyo mabagal mag lakad. Ending naging prusisyon dahil di ka maka singit sa kanila.

    Kamusta na joints Pao? :)

    ReplyDelete
  11. Hi, Nice site thanks for sharing. Would it be okay to contact you through your email? Please email me back.
    Thanks!
    Randy
    randydavis387 gmail.com

    ReplyDelete
  12. Ray-Ban
    one day sale
    List:€125.00
    Price:€19.99
    Ray-Ban

    ReplyDelete
  13. Hello!

    We are Blogs Ng Pinoy, an online directory of blogs made by Pinoys worldwide. You registered with us before but somehow failed to link us back (or we can't seem to find our link anymore) here in your blog site. In this regard, we're writing to inform you that a new and simpler link badge is now available at BNP. You may use it to link us to your website/blog.

    (NOTE: Linking BNP was a requirement when you first registered with us, failure to do so may result to your blog being removed from the listings. If you've already linked BNP, please do inform us through our CONTACT US page.

    Best Regards,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete
  14. This blog is so nice to me. I will continue to come here again and again. Visit my link as well. Good luck
    cara menggugurkan kandungan

    ReplyDelete
  15. The nfl jerseys Ottawa Senators are one of several teams to custom jerseys store keep an eye on during the expansion draft process. The elited jerseys Sens are cheap nfl jerseys in a bit of a sticky situation when it comes to their defense. custom mlb jerseys They asked Dion Phaneuf custom nba jerseys to waive his no-movement clause custom nhl jerseys so they limited jerseys could expose wholesale nfl jerseys him in the Vegas draft next week, but he game jerseys said no. They have Erik Karlsson, Cody Ceci and Marc Methot that they likely custom nfl jerseys want to protect. Unfortunately for them, they just can’t keep all three (as of right now) because custom jerseys they have to honor jerseys store Phaneuf’s no-movement clause.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...