Wednesday, April 29, 2015

Jogging Moments

Napakahaba ng oras pag tambay lang sa bahay. Bilang palipas oras, nagja-jogging din naman ako kapag may time. I mean pag maaga nagigising. So ayun, iba-iba yung mga nakakasama, nakakasalamuha, nakakasabay at naaamoy sa pagtakbo. Lol.

Iba-iba ang trip ng bawat isa:

Minsan pagpunta ko sa jogging place ko akala ko nasa oval na ako at andaming kasali sa track and field. Sprint kung sprint! Olympics ba to? 
http://previews.123rf.com/images/kakigori/kakigori1108/kakigori110800001/10232066-Young-athlete-man-winning-Olympic-games-sprint-race-competition-Stock-Vector.jpg


Minsan maganda yung may kasama ka para ganahan sa pagtakbo. Pero minsan, hindi rin pala magandang idea. Isang beses nakasabay ko yung dalawang nanay. Friendships sila. Hindi na yata nakapagsimula sa dami ng chismis na ishe-share sa isa't isa. Lakas pa ng boses, pang KrisTV! Haha! 

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRFk7k6hLzL76aopDc3O5UbrebgGat9rLbArL14Y369oAqYuFnryg


At eto, si ateng nakasabay ko, akala ko rarampa e. Mag ja-jogging lang e nakamake-up pa. Madaling araw palang nagpakulot na yata bilang paghahanda. 



Minsan din narinig ko si ateng maganda na nag rereklamo sa boypren nya; ang sakit na raw ng mga paa nya. Pag tingin ko sa paa nya naka-doll shoes pala sya! Hahaha!

At ang pinakamotivating sa lahat... Si ateng chubby na naabutan kong tumatakbo na may hawak na isang balot ng pandesal. Nung nakasalubong ko ulit sya, naglalakad nalang sya at wala na yung hawak nyang pandesal. Natapon? 



Hindi ko akalaing kailangan ko maging 3k finisher (2km lakad at 1km takbo haha) para lang makapag ubos ng oras. Sakit sa joints!

Tuesday, March 31, 2015

Up to date!

Matapos ang 1 year, 4 months and 30 days or 73 weeks and 4 days or 515 days or 12,360 hours or 741,600 minutes or 44,496,000 seconds ay nakapag blog din!

Isa ulit ako ngayong dakilang tambay. Actually hindi sya masarap pakinggan, at lalong hindi rin masarap isulat... pero enjoy naman! haha!

Kagaya ng nabanggit ko noon, nagtrabaho ako sa kumpanyang nakakabobo sa English. So umalis na ko matapos ang 1 year and 4 months and ... basta netong katapusan ng January ako nagresign kasi nga... you know!

Nagpapasalamat naman ako dahil nakakuha ako ng maraming experiences na mailalagay sa resume ko kapag nag-apply ako sa susunod na papasukan kagaya ng:

http://www.ideal-helper.com/images/screening-and-hiring-the-best-employee.jpg

» Pagtayo ng almost 12 hours habang nagta-trabaho (Kaya ko na mag standing sa bus mula Laguna hanggang Baguio)

» Gumising ng 3:30 AM para magmuni-muni para makaabot sa shuttle na best in punctuality na umaalis ng 4:30AM para sa 6AM na start ng production

» Matulog ng 5 hours lamang then pasok ulit. Minsan less pa kapag nightshift (zombie mode lang)

» Makipagplastikan Makisama sa mga ibang namamlastik na superiors (awtsu!) Hindi naman lahat (defensive)!

at higit sa lahat...

» Makichismis sa mga buhay-buhay ng mga operators at colleagues. Hahaha!

In short, eto ako ngayon:
http://www.hiremelive.com/blog/wp-content/uploads/2014/05/hiring1.jpg

May referral ba kayo?

Ang totoo segue lang talaga ang post na to para mag-apply! hahaha!

Nakakalungkot na kaunti nalang pala ang nagsusulat sa mga kaibigang bloggers...

Miss you all!




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...