Sunday, December 16, 2012

Lazy Sunday

Kagabi (Sabado) may batang pumunta dito sa bahay para mag patulong pagawa ng kanyang proyekto.

Bata: Kuya padrawing ako.
Ako: Anong iddrawing?
Bata: Parang farm. Basta may nagtatanim.
Ako: Anong tinatanim?
Bata: Kahit ano.

(Sa isip ko lang) Kahit ano pala, sige, paano ko iddrawing ang taong nagtatanim ng sama ng loob sa gitna ng bukid? Chos!:)

Ako: Osige, akin na ang mga gamit mo.
Bata: Binigay sakin ang illustration board at lapis.

Wow. Old school. Walang pambura. HAHAH!

Kaninang umaga (Sunday) pinuntahan ako ng bata para kuhanin na ang project. Kainaman, hindi ko pa nasisimulan. HAHAH! Ang plano ko kasi gabi nalang. Yung tipong last minute na, yun bang puro adrenaline rush nalang ang nagpapagalaw sa buong katawan ko! Tapos kinabukasan ko nalang sana ibibigay bago sya pumasok sa school.

Pero dahil nahiya ako sa bata na hindi  naalis hanggat hindi ko natatapos ang project nya (wala ata syang tiwalang gagawin ko yun!) e sinimulan ko nang gawin. At sa katunayan katatapos ko lang.


Dahil sa kakapusan ko sa mga kagamitan, purong lapis lang. Wala din akong signpen ngayon! Kahit My∙Gel wala! O kung ano pa mang source ng dark ink (hindi epek pag ballpen lang). So pinabayaan ko nang ganyan. Wala na ring tasa tasa! Sharp na kung sharp at blunt naman yung ibang strokes. HAHAH! Yun mga tinatanim na parang mga tae tae lang, cabbage yan! Pagbigyan na! At kamatis naman yung mga nasa bakod (ang gaganda kasi ng mga kamatis na nakita ko sa kamatisan dun sa nayon nung isang araw). At para maiba ang eksena, nilagyan ko ng ibat ibang uri ng damo sa gitna! HAHAHAH! (Napaglaruan pa)  Yung isa nga e malanding damo (yung parang paruparo). ^^

Ayun, salamat na rin sa bata at mejo nabawasan ang tumal ng maghapon ko! Dahil tinatamad ako, siya na ang pinagbura ko ng ibang mga excess na detalye.

:D

Kayo, gano katumal ang hapon nyo?

****
Tumal = Bagal. Colloquially "nakakatamad".

61 comments:

  1. Ang galing ng drawing! Ewan ko na lang kung hindi pa ma 100% ang batang yan :)

    Natawa ako sa nagtatanim ng sama ng loob - naisip ko tuloy yung naka yuko sa drawing mo ay nag lalabas naman ng sama ng loob - napupu sa shorts haha :)


    Matumal ang araw ko, lahat naman ng araw na nasa trabaho ay matumal. O sadyang batugan ako :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat ser! HAHAH minsan kasi ang mga teacher e OA magpagawa ng projects sa mga kiddos! :)

      Ayy yun ba, hayun, dinadampot nya na ang mga pupu na nalaglag! ^^

      Buti at nakakapagblog hop ka pa ser, patago? :D

      Delete
  2. awts wala pang effort yan ha... kaw na ahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dugot paawis din oyyy (gaya gaya kay ser mots) :D Magtanim ay di biro! :D

      Delete
  3. Kamatis ba yun? Parang orchids. dyuk!

    Kuya padrawing din ako. Hubad kong katawan ang idadrawing mo. dyuk! whahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH nadale mo ser! Orchids nga yan! HAHAHAH! natawa ko dun ah! Effort ako sa kamatis na yan :) Hanggang dulo ng bakod! HAHAH!

      HAHAH! Ipost mo lang, magpapacontest tayo! HAHAH! :D Pang fundraising din ohh! ^^

      Delete
  4. ok lang kahit lapis muna, siya na ang bahalang magbakat niyan ng sign pen ahaha, vry old school nga. Magkano ang fee sa pa-drowing? :D

    ReplyDelete
  5. hongondo!
    galing mo parekoy ko okay sa alright gawa mo!
    naalala ko tuloy mga pamangkin lahat na lang sakin pinapagawa haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat mecs! ;) (FC) Nako, kung customers yon eh mayaman na tayo! HAHAHAH! >:)

      Delete
  6. pa drawing naman ako sayo ser, ung maraming flower ahhahahaha galing mo naman mag drawing ha partida pa yan hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh salamat po ser. HAHAH! Sige. By your request! HAHAH! salamat po sa pagbisita! ^^ Sa papel lang ha. Lapis lang din ang gamit. :)

      Delete
  7. Hi hi. You made me laugh with this post . Very funny , but you are very kind doing this para sa bata. At galing ng drawing pati.
    Dami mong talents at thanks for sharing.
    Ano kaya kung i drawing mo mga blog friends mo tapos benta mo sa amin? Hi hi. Baka kumita ka pa, kaya lang dapat magaganda kami at pogi:) hirap ba yon?
    Dyuk only:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! Natuwa din po ako sa comment nyo. :) Maraming salamat po. Hmm ang plano ko po e mag edit nalang ng pictures natin :) Lahat ng blog friends ko pagsasama-samahin ko. Siguro before Christmas e tapos na para maging greetings ko na rin po sainyong lahat! E-Christmas card! :)

      Ahh! At KUNG sakaling maidrawing ko po kayong lahat, free po yun! :)

      Delete
    2. Wow! What a nice idea. Cant wait to see that. Have a nice day Pao Kun:)

      Delete
  8. ang galing naman.ng drawing. di ka mang lang pinameryenda?? haha.. my sunday? eto
    naging bestfriend kami ng kama ko. maghapon nakahiga. at tinapos ko ang doodle for you.. post ko sa monday para sweet..ahaha

    -cheenee/kwentongpalaka.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Hindi! Smile ang binigay sakin! :) Which is good! (Labas sa ilong!)

      Wooow! SALAMAT Cheenee!!! :)) Sweet nga!

      Umaanonymous ka ngayon! I wonder why? ^^

      Delete
  9. Replies
    1. Salamat sir! Blog hop naman kayo ngayon sir ha :))

      Delete
  10. ganda naman... rush pa yan ha hehehe

    sure ako taas ng grades ng bata .... naalala ko tuloy mga project ko nung elem hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH salamat sir Jon! At muli, binabati kita sa iyong performance sa blog entry mo. :)) HAHAH! tama, puro drawing pag elementary. :)

      Delete
  11. sampung palakpak na may kasamang limang fireworks sa drawing, kailan kaya ako makakagawa ng ganyan para naman maging kapakipakinabang ako sa mga pamangkin kong nagpapadrawing haha.

    Nakatulog ako maghapon dahil sa sobrang exited kong magsimbang gabi haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH maraming salamat Nong! *Firm handshake*

      try and try lang! kaya natin yan! :) Nako minsan may mga mamimihasang bata, tipong kahit madaling idrawing e ippadrawing sayo ^^

      Kumusta naman ang simbang gabi? :))

      Delete
    2. ayos naman nakakadalawa na, pito pa!

      kapag nga nakita nilang magaling ka mamimihasa at mamimihasa ang iba--hirap nun haha

      Delete
  12. hehehe.. wagas naman pagkasabi mo ng tae??? hehehe

    naalala ko may batang nagpa-drawing sa akin nung sem break, puno ng niyog, may bahay at may baboy daw sa likod ng bahay (hanep!! paano kaya makikita kung sa likod anoo!!???) umabot ng isang linggo sa akin, hindi ko pa din nagagawa (tamad eh!) hehe, gang kunukuha na hindi pa din tapos, no choice, on the spot drawing! hahaha, kaloka!

    talagang magkasundo tayo pare! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Sapat lang! :D

      gawin mong broken lines ang baboy? HAHAH! Samadaling salita, bahay at puno lang ang kailangang idrawing! HAHAH! Ayan, magaling tayo sa rush hour pre! ^^ kaya cramming lage! :))

      Delete
  13. Ako heto hindi humihinga. Pahati naman ng katumalan ng makahinga ng konti dito at maka-iwas sa heart attact haaay!

    Ang humble mo kapatid. Ang ganda ng drawing mo kahit kulang sa resources kitang-kita ang details :) Pwedeng magpa-drawing? Gusto kong makita yung taong nagtatanim ng sama ng loob sa bukid :P.

    Thanks for the GFC follow, I followed you back :) See you around ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAH! kahit 3/4 po ibibigay ko sainyo. HAHAH! (talagang nag iwan ng 1/4 na katumalan sa sarili)^^

      thanks po! Nako, challenge po yun ah. I'll reconsider. HAHAH!

      Welcome po. And thanks po sa pag follow back! :)

      Delete
  14. Hinde ganito ka ganda kung ako ang nag drawing. May perspective at ska malinis ang pag kaguhit. Very nice!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po! :) Sana lang burahin ng bata ang mga guideline ng perspective. :)) Nako natyaga ko lang po sa practisan ang mga pag ddrawing ko. ^^ Kaya for sure kaya nyo rin po:)

      Delete
  15. galing pala ng talent mo sa pagguhit. sana itinuloy mo na lang yung nagtatanim ng sama ng loob. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH Salamat po, nadaan sa tyagaan! ^^ Pag iisipan ko nga po kung pano. HAHAH!

      Delete
  16. Cram boy din ako! Yung tipong wala ng tulog magawa lang yung dapat! Haha. Tatakas ka pa ah! Lol. Buti magaling yung bata!

    Hands down sa drawing! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Nako magaling din ako (at ang mga kagroup ko nung college) sa cramming! Puro last minute! HAHAH! Dahil jan may halong KABA na. ^^

      Thank you Gord. Kaya mo rin yan! :))

      Delete
  17. wow gift ha! hehehe be kind to kids sabi ng mga matatanda!! hahaha mas mauutakan ka pa ng bata! but in fairness to ur talent, gift na gift lang tagala yan! cute, simple at may buhay ang drawing mo. =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku salamat LALA! :) Balak ko pa sanang kulayan kaso wala lang talagang ink. HAHAH! Thank you thank you! Oo magaling mang outsmart ang mga chikiting! ^^

      Delete
  18. wow! ang galing mo pala magdrawing.. ang totoo amaze na amaze talaga ako sa mga magaling magdrawing..pano nyo ba nagagawa yun?..bakit ako puro stick lang na tao kaya ko idrawing..kakainis!

    pwede rin ba akong magpadrawing sayo? ng maganda kong muka at sexy kong katawan haha dyuk lang yung sexyng katawan ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Salamat PinkLine! ^^ Pero sa totoo, mas naamaze ako sa mga magagaling gumawa ng cupcakes! Pwede ka na sumali sa cupcake wars! :D

      Matitingnan natin kung kaya ko pa! :)

      Delete
  19. Replies
    1. Ahooo. *hides* salamat po! ^^ Hindi naman po masyado, chamba chamba lang! :)

      Delete
  20. Bwahihi naenjoy ko ang post na ito magmula sa nagmamagandang drowing (galing ah may distance talaga akong nasesense sa malayo) hanggang sa pambabraso sayo ng bata na tapusin ang drawing nya. Ganyan din ang ginagawa sa akin dati kahit hindi naman ako magaling magdrowing, ako pa rin ang nakatoka magdraw. Pero ang panalo eh yung may dictionary sa dulo! Haha labet salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAH! Maraming salamat Glentot! Kilala kita! Salamat sa pag bisita mo dito! Sana finollow mo rin ako! Chos lang ser! HAHAH!:) kahit papano naapply ko din naman ang perspektiv ano?^^

      Salamat! Baka kasi may mga hindi nakakaalam ng katumalan! Yung mga matutumal na tao. HAHAHAH! :D

      Delete
  21. thumbs up ang galing mo naman magdrowing! Nice! Very nice!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Ric! Nadadaan sa matinding tyagaan at pachambachamba! :)) Salamat sa pag dalaw.

      Delete
  22. Ang kyut ng mga nagtatanim parang ayaw na rin nila sa nature ng trabaho nila... padrawing din ako about iskwater...hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayy salamat senyor! Kailangang makilala mo si senyora ng FB at twitter. HAHAH!

      Sige balang araw makikita natin kung makakapag drawing ako nyan! ^^

      Delete
  23. Sana nga... para hindi lang puro kadiliman ang page ko... hehehe....mahal ka ba maningil?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buhay po ang kapalit! HAHAH! Dyok lang! Hindi ko po siningil ang bata, at sa pag kakaalam ko, wala pa kong pinagbahayad sa mga arts ko ^^

      Delete
  24. Ang harsh mo sa bata! Bakit mo nilagyan ng mga tae-tae yong project nya hahaha

    ReplyDelete
  25. Discover the Bigbenta Online Store Shopping for Apparel, Fashion Accessories, Luggage, Bags, Cases Timepieces, Jewelry, Eyewear, Gift & Crafts, Home Appliances & lots more!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...