Unang post ngayong taon, sana masundan.
Update muna sa aking toxic na buhay:
Mag 9 months na ko sa kumpanya kung saan ako nag ta-trabaho (hooray!). Masasabi kong sa ngayon, I live in a pretty balanced life. Naks! Ang bottom line, may time ako para sa mga ibang bagay kahit nagta-trabaho (hooray again!). At dahil jan, may time akong i-pursue ang aking talent passion sa arts (arte lang).
Noong nakaraan (hindi ko maalala yung date) ay napagpasyahan naming magpinta kasama ang aking mga officemates at talaga namang may pagdayo pa kami sa UPLB (kaway kaway, Gerard!). Malawak kasi ang space at tahimik. Syempre kailangan namin makapag concentrate kuno.
At nais kong ibahagi ang ilan sa aming mga likha, simple lang:
Hulaan: Nasaan? Nasaan ang painting ko jan? |
Nakakatuwa, nakakagaan ng pakiramdam pag nagpe-paint. Syempre nakakastress din pag hindi makuha yung blend na gusto mo </3.
Masaya, lalo na pagnakatagpo ka ng mga kasamang inclined din sa mga bagay na gusto mo:
Kuha sa Facebook page ng kaibigan |
at nasundan pa yan ng isa pa kasama ang ilan pang pangmatindihan:
Perstaym ko mag acrylic, oilpaint at paintbrush (palusot!) |
Sa madaling salita, medyo bumabalik na ang alab ko sa pagguhit na matagal nang nawala. Ayun lang.
Need I say more? More!
More practice. :)