Kamakailan lamang ay nakatanggap ako ng isang mail galing sa isa sa mga hinahangaan kong blogero pagdating sa pagsusulat at pagkuha ng mga litrato. Bilang isa rin siyang magaling na mangguguhit ay madali sa kanya ang gumawa ng mga interpretasyon ng mga larawan at iba pang mga bagay-bagay.
Isa sa aking mga nilikha ang kanyang napili upang bigyan ng interpretasyon. Ito ay kanyang naisaad nang siya ay magkomento sa aking Art Gallery.
Narito ang isa sa apat na kanyang napili:
At heto naman ang nilalaman ng kanyang liham na sinamahan ko na rin ng aking komento:
As promised, eto na ang interpretation ko sa isa sa mga art na napili ko from you[r] gallery. At dahil sa ako ay isang artist na kagaya mo, ipinattern ko ang aking obserbasyon sa isang tula (adaptation from the poem A Tree by Joyce Kilmer). Binago ko ang mga words from the original Poem kaya naman patawad po Ms Joyce Kilmer. Medyo seryoso ang atake ko dito pero wag mong seryosohin hahaha. Dahil dito kaya hindi ako nakagala today! hmmmp! kasalanan mo ito!
Anyhow, nag enjoy naman ako sa pag-gawa nito at medyo nahasa ang aking utak hahaha. Pagtyagaan mo na lamang...
The Silhouette Tree!
I. I think I shall never see
A lovely ART silhouette tree
Silhouette , ito ay sumisimbolo ng iyong katamaran sa pagguhit at pagpipinta. Aminado ang mga dalubhasang pintor na kapag sila ay tinatamad, puro silhouette art ang kanilang naipipinta. Ito ay sa kadahilanang napakadaling gawin nito. Itiman mo lang at may shadow ka na. Di mo na kailangan ng detalye. Kagaya ng punong ito, maitim, anino lamang at presto! May silhouette ka na. Para sa kaalaman ng lahat, ang puno ay isa sa pinakamahirap na subject. Kailangan mong bigyan ng buhay ang bawat dahon, bunga at sanga. Maging ang hampas ng hangin kung kinakailangan. Ito marahil ang dahilan kung bakit tinamad ka. Kaya naisipan mong itiman na lamang ang kawawang punong ito!
[Oo tama ka, tamad ako, pero this time, sadyang hindi ko pa po kaya ang detailed tree nung mga panahong ipininta ko ito. :)]
II. A tree whose hungry roots are pressed
Against the white canvass it rest.
Canvass – it is an obvious rule na kailangan di ka mag-iiwan ng blankong espasyo sa iyong canvass. At ang halos lagpas kalahati ng area ng iyong canvass ay nagsisilbing background sa main subject ng iyong ART. In this case, ang kawawang punong initiman! Sa final form either you cropped it o kaya naman ay talagang punuin mo ito. Magaling ang iyong ginawa, pinuno mo ang iyong canvass ng iba’t-ibang kulay. Mula sa ibaba, pataas. Ang mga kulay na iyong ginamit ay Pinoy na Pinoy ang dating. You are proudly pinoy dahil ginamit mo ang kulay ng watawat ng Pilipinas sa iyong background. Dilaw, Pula at Asul. Since Asul ang nasa taas, I pressumed walang giyera nong panahon na ginawa mo ito.
[Walang dudang walang giyera nung panahong to. Sadyang kulang lang po ang aking oil pastel noon, hanggang ngayon kaya naman selected lang ang nagamit kong panghulay ;)]
III. A tree so proud that stood all day,
Waiving her leafy arms away;
Focal Point – Ang initimang puno na nasa gitna ang pinaka focal point ng obrang ito. Ang focus ng paningin ay hinahatak papunta sa gitna na nagiging daan para maduling ang titingin. Babala, wag pakatitigan ng matagal.
Sa kabilang banda, takot kang kumawala sa iyong comfort zone. Gusto mong manatili sa gitna kagaya ng maitim na punong ito. Ayaw mong mapunta sa gilid o yong tinatawag nating danger zone. Nagkakasya ka na lamang sa safe zone. Try mo ang rule of thirds sa photography. Applicable din yan sa painting. At dahil gusto mong laging nasa gitna, ang buhay mo ay walang angas! Walang masyadong adventure! Boring ang laging nasa gitna ang subject. Gilid gilid din paminsan-minsan. Pagmasdan mo ang punong iyong iginuhit… safe na safe sa gitna. Pero kung ako ang papipiliin, mas okay sa akin ang puno sa gilid ng bangin! Try mo lang, tapos may nakasabit na kuneho na malapit nang mahulog.
[Wala talagang angas ang buhay ko, hindi ako mahilig sa spotlight. Ayaw ko din maging flashy ang dating. Maganda ang suhestyon mong puno sa gilid ng bangin, ewan ko lang yung kuneho, kawawa naman!]
IV. A tree that may in season wear
A robin’s lost in her dark hair;
Dark – Dahil sa itim na bumabalot sa puno, wala ring kasiguruhan kong anong season o panahon ba ang ipinapakita sa Art na ito. Winter? Spring? Summer? Or Fall? Ano nga ba? Maari nating ipagpalagay na ikaw ay nasa panahon na walang kasiguruhan. Ito ang panahon na ikaw ay nagdadalawang isip kung anong panahon meron during the time na ito ay iyong pinipinta. Naguguluhan? Lost? Binabalot ng pag aalinlangan? Yan ang mga nais ipahiwatig ng iyong iginuhit.
[wala akong masabi. haha!]
V. Upon whos bottom no one seen
Who intimately lives with pain
Pain – Ramdam ko! Damang dama ko ang sakit na iyong dinadala sa pagkakaguhit mo ng kaARTehang ito. May diin! Ang bawat hagod ng pluma ay nag-iiwan ng marka na may gigil at galit! #Popoy Oppps, sume segway kay Popoy. Aking hinuha na ang pag-guhit ay isa sa mga outlet mo para ilabas ang sakit na iyong nararamdaman. Isang paraan na maibuhos mo lahat ng sama ng loob sa pagpipinta. Sabi nila, ang isang obra ay kailangang may “soul” at base sa aking obserbasyon, nakikita ko at nararamdaman ang kalungkutan sa punong ito. Ang iyong pinagdadaanan. Ang masakit at malungkot na nakaraan. Ang parte ng buhay mo na sana, kayo na lang nagkatuluyan hahaha. Sana maka move on ka na!
[ayaw ko mag move on!]
VI. Comments are made by fools like me
But only You can draw this tree.
THE SILHOUETTE TREE
by Super M
I think I shall never see
A lovely ART silhouette tree
A tree whose hungry roots are pressed
Against the white canvass it rest.
A tree so proud that stood all day
Waving her leafy arms away
A tree that may in season wear
A robin’s lost in her dark hair;
Upon whos bottom no one seen
Who intimately lives with pain
Comments are made by fools like me
But only You can draw this tree.
Hayaan mong kahit papano eh mabigyan ko ng justice ang obra maestra mong Silhouette Tree... may justice nga ba? Parang wala hahahaha! Hanggang sa susunod...
*****
Maraming maraming salamat, Super M ng UNPLOG (na suking suki na ata ng blog ko, ang kulit kasi! Hahaha!) sa isang napakagandang interpretasyon, makatang makata ang dating. Maraming salamat. Maraming salamat dahil sa iyo, nag karoon ako ng new blog post. At oo nga pala, isusumbong kita kay Mr Joyce Kilmer.
-Pao Kun
Sa mga nais magpadala rin ng mga interpretasyon, o kung ano pa man, maaring ipadala po ito sa jppaopaul@gmail.com. Maraming salamat!